ZYPHIRE
"Ano namang problema at nagkaganyan si Zyphire??" saad ni Mom na medyo sarkastiko para sakin ang tono.
"Ang Dark Emperor... Ginugulo muli ang kaharian at kailangan namin si Snow..." saad ni Astral sa mga ito.
"Sino ang Dark Emperor??" tanong ni Shu dito.
"Ang anak nang dilim..." maikling sagot ni Astral.
"Eh bakit naman nya ginugulo ang Kaharian??" saad ni Chairman Zuello.
"Dahil... Sa gusto nyang pakasalan sya ni Snow..." saad ni Astral.
"Walang kwentang dahilan..." napalakas ang boses ko dahil dun pero hindi ko sila pinansin. Gumagawa nang g**o dahil sa gusto nya ako puta. Sobrang isip batang dahilan para guluhin ako dito.
"Ano bang madaling magagawa para matapos ang kaartehan ni Matthew??" saad ko kay Astral. Si Matthew ang Dark Emperor na lintek na ginugulo ako uli na hindi na siguro nakuntento sa kung anong meron sya.
"Ang pakasalan mo sya syempre..." sagot ni Walt na kinasama ko nang tingin sa kanya.
"Nakakagagong solusyon at dahilan... Wala na bang iba pang paraan??" tanong ko kay Astral.
"Iharap mo sa kanya ang babaeng anak nang demonyo at siguradong titiklop yun..." saad bigla ni Mom at sinaway naman sya ni Dad sa sinabi nya.
"Pagpasensyahan mo na ang Mom mo..." saad ni Dad na hindi ko na pinansin pa.
Humarap ako kay Chairman Schaefer na nakatingin sakin. "I think-"may sasabihin dapat ang Chairman Schaefer pero napatigil ito.
"What is it?? Any solution that will make me happy??" saad ko sa kanya at umiling lang ito.
Puro sila putol salita na hindi ko naman maintindihan. May sikreto na naman siguro at hindi ko pwedeng malaman. "Wala na kaming alam na solusyon na pwedeng magpatigil sa kanya, Snow..." saad ni Astral sakin.
"Kill him..." saad naman ni Chairman Grisson sakin.
"You can kill him, Snow..." dugtong pa ni Chairman Zuello na kinailing ko.
"I have 2 mistakes then If I will kill a stupid freaking man... That will kill me and lahat tayo ay magkikita sa langit... Kung sa langit ang deretso, Chairman Zuello..." saad ko dito at nasapo na lamang nila ang noo nila.
"Wala na kaming alam na solusyon..." saad ni Chairman Riordan sakin.
Wala nadin naman akong alam na solusyon. Hindi ko kayang pumatay, kung kakalabanin ko sila mas lalaki ang g**o, kung papakasalan ko sya mas pipiliin kong mamatay, at kung kakausapin ko nang matino ay yung taong yun palang ay hindi na matino pano pa kaya pag mag-uusap kami.
"Anong plano mo, Snow??" tanong ni Zyrille sakin.
"Pipiliin mo naman sigurong dumito muna??" saad naman ni Ate Kyllie sakin na kinabuntong hininga ko nanaman.
Hindi ko alam ang pipiliin ko. Gusto kong makapag isip nang mabuti pero pinoproblema ko na agad si Imperial at Dar Emperor. Kung makakasundo ko ang Dark Emperor ay baka sakaling kakampi ko sya laban sa Imperial. Pero ano nga bang kiliti nang Dark Emperor??
Napatingin ako kay Astral dahil alam kong nakatapat na niya ang Dark Emperor na kaedad nya. "Ano nga ba ang kiliti nang Dark Emperor??" wala sa sarili kong tanong.
"Ikaw..." sagot naman ni Kyle sakin.
"Ang pumatay sa tatay nya..." saad bigla ni Tito Peter.
Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya yun. "Pumatay?? Sino??" tanong ko sa kanya.
"Uno... Yun ang alam kong pangalan na pumatay sa tatay nito... Pinaghahanap dati yun ngunit walang mamamayan sa tin na nagngangalang uno... " saad naman ni Dean na kinaagaw nang pansin ko.
"Uno. Uno. Uno. Parang may natatandaan akong ganun..." wala sa sarili kong saad at napatingin sila sakin.
Ang alam ko ay narinig ko na ang pangalan na yun. Napatingin ako kay Kuya Zyre at mukhang naisip nya ang nasa isip ko. Kilala ko nga ang unong iyun.
"Si Uno, Fire... Sya siguro ang Uno na sinasabi ni Dean..." saad sakin ni Kuya Zyre na mas kinaisip ko.
Kung si Uno nga yun, bakit nya pinatay ang tatay ni Matthew at anong meron sa Imperial at sa Dark Family. "Bakit naman gagawin nang Imperial sa Dark Family yun??" wala sa sarili kong saad na kinatingin ko sa kanila. Nakatalikod ako ngayon sa pinapasukan nang mga guest namin sa hotel. Napakibit balikat naman yung iba.
"Dahil sayo, Pinakamataas na Heneral..."napatigil ako sa boses na yun.
Kilalang kilala ko ang boses na yun at nasisiguro kong nakalaya na sya. Napangisi ako at napatingin kila Kuya Zyre."Bakit naman ako??" saad ko at humarap dito.
Napangisi naman ito sakin na animo'y tuwang tuwa sa view. Tsaka ko lang naalala na nakashort lang ako at jersey. Hinayaan ko na lamang at nginitian ito.
Ngumiti naman ito pabalik sakin. Napatingin ako sa kabuuan nito. Naka all black ang isang toh at kala mo'y abnormal pagmga taga dito ang makakakita sa kanya.
"Hindi mo pa ba kilala ang sarili mo... Oo nga naman, kung kilala mo na ang sarili mo ay makikipagkita ka sakin... Pero parang wala-"
"Ano namang ginagawa dito nang Dark Emperor??" pagputol ni Chairman Schaefer dito na kinahinto ko.
Napatingin ako kay Matthew na nasa harapan ko. Kung ganun kilala nya ang sarili ko. Pero pano nya ako makikilala kunh nakilala ko lang din sya sa ensayo namin. Napabuntong hininga na lamang ako sa g**o nang mundo ko.
"Para sana kausapin ang Pinakamataas na Heneral, Chairman..." klaro pero magalang nyang saad nya kay Chairman Schaefer.
"Paano kung hindi kami papayag?? May magagawa ka ba??" saad ni Dad na kinagulo nang isip ko. Hindi ako nakakaramdam nang pagmamalasakit dun. Nakaramdam ako nang pagpapalayo nila sakin sa totoong ako.
"Ngunit sya ang dapat na magdesisyon, Mr. Schaefer... I want to talk to her privately..." saad nang Dark Emperor na bumaling sakin nang tingin.
"But kami ang pare-"
"You can talk to me infront of them, Matthew..." saad ko sa Dark Emperor na napangisi pa.
"Dark Emperor, Snow..."
"Matthew... Yun ang ngalan mo..." saad ko sa kanya at napabuntong hininga naman ito.
"Gaano mo ba ako kilala para sabihing ako ang dahilan nang g**o mo laban kay Uno??" pandederetso ko sa Dark Emperor at kita ang pagtataka nya na nakatingin sa likuran ko.
"Kilalang kilala, Zyphire... Permiso lamang galing sa pamilya mo ang kailangan ko para masabi sayo kung sino at ano ka sa mundong toh..." saad ni Matthew sakin na kinalisik nang mata ko sa kanya.
"Bakit kailangan nang permiso eh tungkol toh sa sarili ko at hindi tungkol sa kanila,Matthew..."saad ko sa kanya.
"Kami parin ang parents mo, Zyphire... At hindi pa tamang panahon..." saad naman ni Dad sakin pero hindi ko ito binalingan nang tingin.
"Kung hindi pwede... Can you describe me in one word, Matthew..." saad ko sa kanya at lumapit naman ito sakin.
"Demon... Demon is the word that can describe yourself..." saad nya sakin na kinatawa ko.
Natawa nalang ako sa sinabi nya. Kita ko ang mga mukha nila na nagtatanong. "What is funny about the word??" saad ni Chairman Riordan sakin.
Tumigil at nginitian si Matthew. "Matagal ko nang alam yan, Dark Emperor... May bago pa ba sa pagtawag saking Demonyo..." saad ko kay Matthew na kinataka nya.
"So alam mong demonyo ka??" saad nya sakin na kinaseryoso ko. Pinanlisikan ko sya nang mata at linapitan sya.
"Madami nang nagsabi nyan, Matthew... Nahuli kana sa balita..." saad ko sa kanya na kita ang takot sa mata.
Nilampasan ko ito at tumapat sa likod nya. "Anghel ka palang, Matthew... Demonyo na ako... Tinuturuan ka palang nang tatay mong maging demonyo habang ako... Ipinanganak nang demonyo... Kaya hindi narin ako magugulat kung... Sabihan mo akong Demon... Which is yun naman talaga ako ngayon..." saad ko sa kanya at na paharap naman ito sakin na gulat na gulat.
"And I'm here to control your demonic side..." saad nya sakin na kinataka ko.
"Who the hell are you to control me?? Control your crazyness is enough for me to control my Demonic Side, Matthew..." saad ko sa kanya at pumalakpak naman ito na animo'y hangang hanga.
"So... Kaya pala nandito ang Ancient One to tell you what am I doing at your kingdom..." saad nya na binalingan nang tingin si Astral.
"At ikaw... Ano bang dahilan mo para paikutin ang ulo nang kapatid ko??" saad ni Kuya Zyrille kay Matthew at natawa naman si Matthew.
"Kapatid mo nga ba??" napatingin naman ako kay Matthew sa sinabi nya.
"Oo,Kapatid naman talaga namin sya... May angal kaba dun??" kontra agad ni Kuya Zyre na halatang ninerbyos.
Nagtaka ako sa sinabi ni Matthew at sa epekto nang sinabi nya sa pamilya ko. "Wala naman... Tinatanong ko lang naman masyado kayong depensib..." saad ni Matthew dito.
"Mukhang lahat kayo dito ay kilala kung sino nga ba si Sno-"
"Do you know how to shut the f**k up, Matthew Dark?!" hindi ko na napigilang sumigaw sa ginagawa nya. Naiirita ako sa ginagawa nya sakin. Sabi nya ay permiso tapos ngayon pinaglalaruan ako.
"Easy easy, Snow... I'm just having fun..." saad nya sakin na kinalapit ko sa kanya.
Hinila ko ang kwelyo nya at kita ko na pipigil sila Cleo pero sinenyasan ko itong wag makialam. Sinamaan ko nang tingin tong lalaking toh.
"One wrong move, Dark Emperor... Baka sakaling dumanak nang dugo dito..." saad ko sa kanya at kita ko ang paglunok netoh.
"Fire... Stop it..." saad bigla ni Dad sakin at patalsik kong binitawan ang kwelyo ni Matthew.
"Hindi pa ikaw yan, Snow... Hindi pa yan yun..." saad nya sakin na kinangisi ko.
"I know, Matthew Dark... There is a difference between Snow and Zyphire that can warn you enough to stop your happiness and make you mad..." pang-i-insulto ko sa kanya na halatang kinaseryoso na nya.
"Eh ikaw... Bakit hindi mo alamin sa pamilya mo kung sino ka??" pag-iiba nya nang usapan namin.
"Dahil gusto ko... Pagnakilala ko na kung sino nga ba ako... Yun na ang huling sakit, galit, at hirap na madadama ko sa buhay ko..." saad ko sa kanya at napatango naman sya sakin.
"Oo nga naman... Ikaw ba naman ay hindi na naging masa-"
"Hindi mo magugustuhang tapusin ang sasabihin mo, Dark Emperor..." saad bigla ni Kyle dito na kinatigil nya.
"Pinagbabantaan mo ba ako??" tanong ni Matthew kay Kyle na tumiklop agad.
"Binabalaan..." maikli kong sagot sa kanya na kinatingin nya sakin.
"Gusto kong makipagkasundo sayo, Snow..." saad nya bigla na kinataka ko.
Lumapit ito sakin na animo'y makikipagkasundo talaga. "Are you dealing with me??" tanong ko muli sa kanya at tumango naman ito sakin.
"Hindi mo magugustuhang makipagkasundo sa kanya..." saad bigla ni Walt dito na binalingan nang tingin ni Matthew.
"Kung tuso ka mas tuso sya... Kung bastos ka mas bastos sya... At kung mandaraya ka mas mandaraya sya..." saad naman ni Vinnie dito na kinatingin nya sakin.
Nginisian ko naman ito na animo'y inaasar. "Think about it, Matthew... Dealing with me is hard... Mababaliw ka sa kakaintindi..." saad ko sa kanya at tumango tango naman ito.
"I'm dealing with you because this is about justice, Zyphire..." kita ang inis sa mukha nya na kinaseryoso ko na. Nagtaka naman ako sa last na narinig ko.
"Justice?? About what??" tanong ko sa kanya.
"Tungkol sa tatay ko... I heard what you guys are talking about... Do you know Uno??" saad nya na bumaling sakin nang tingin. Kung ganun kanina pa sya nandito at naghihintay lang nang tamang oras na pumasok.
"Deal with me first before I tell you everything, Mr. Dark..." saad ko sa kanya at iniabot naman nya agad ang kamay nya.
Iniabot ko din naman yun. Eto nalang ang paraan na alam kong gagana. "Deal..."
ASTRAL OBIAJUNWA
NAGUGULUHAN kaming naghihintay dito sa lobi kung ano ang pinag uusapan nila Snow at nang Dark Emperor dun sa taas. Hindi din namin alam kung bakit si Snow nakipag deal sa Dark Emperor.
"Is she crazy?? Hindi ko na mabasa ang isip nya ngayon..." biglang saad ni Zyre na kinatingin nilang lahat.
"Wala syang plano... Biglaan lang syang nasugod..." saad naman nung Cleo daw.
Wala naman talaga syang plano pero sana nagsasabi muna sya if kung ano ang balak nya. Biglaan din naman kasing nandito ang Dark Emperor eh. "Hindi naman siguro magsasalita ang Dark Emperor about kay Snow..." saad naman ni Zyrille.
"Hindi... May galang padin sya sa kung ano ang desisyon namin..." sagot naman nang Dad nila.
Napuno nang kaba at pag-uusap ang buong lobi namin hanggang sa bumaba na nga si Snow na hindi kasama ang Emperor. "Nasaan na ang Dark Emperor??" bungad ni Chairman Schaefer.
"Umalis na sya... He declare a War between the kingdom of ours and the Dark Family without any kind of reason..." saad ni Snow na kinagulat nang lahat lalo na ako.
She really need to choose kung sa kaharian ba o dito sa mundo nang tao. "Then what would you do?? Pupunta sa kaharian at iiwan kami dito??"tanong nang Mom ni Snow pero umiling ito.
"Hahatiin ko ang katawan ko kung kailangan... Dalawa laban sa isa..." saad ni Snow na kinatahimik nang lahat.
"You really need to choose... Mahirap yun kapag sabay na nagkaroon nabg sakuna..." saad naman ni Chairman Grisson dito.
"I don't need to choose... I'll just play at their layout until the game is over... And the question is how can I play the game by myself??"tamong nya na animo'y nag-iisip.
Mahirap ang gagawin nya at siguradong buhay nya ang kasangga nya dito."With us..." saad naman ni Kyle na kinailing ni Snow.
"If kasama ko kayo sa isang layout... Magkakaroon ako nang isang mistake edi pano na ang isa pang layout..." saad nya na kinatahimik muli namin.
"You need to clear you self first, Snow... Think about it and have your own layout..." saad ko sa kanya at tumango naman ito.
"Okay then... Don't need to think... Gagawa ako nang paraan kung saan pagsasalpukin ko ang daalwang layout... I'll go upstairs... Sunod nalang kayo..." saad ni Snow na hindi na kami hinintay na magsalita at umakyat agad. Nginitian pa nya kami bago sumakay sa elevator.
"She need our help pero mas gusto nyang sarilihin ang problem..."saad ni Cleo.
"Dahil na din siguro sa sanay na syang mag isang lumalaban... Magtiwala na lamang tayo sa kanya..." saad naman ni Zyre na kinatayo naman na naming lahat.
"So, I need to go back sa kaharian... Nagbalik nadin ang Dark Emperor..." paaalam ko sa kanila at nagpaalam nadin naman sila sakin.
Act at their layout.
ZYPHIRE
NAALIMPUNGATAN ako sa alarm kong yun. Bumangon ako agad at nagstretch pa nang kamay. Ang aga kong magising. Mga 5 palang nang umaga ngayon at ramdam ko ang lamig sa kwarto ko. Nandito din yung tatlo kong anak kaya dahan dahan ang bawat galaw ko.
*RING*
Nagulat ako sa ring na yun at kita ko ang pagbangon ni Toli at pagkaalimpungat nila Naomi at JC. Kinuha ko agad ang phone ko at sinagot yun.
"Hello??"
"Si Liam toh... Kailangan ka namin ngayon dito si Nay Lita kasi inatake sa puso tapos may cardiac arrest akong dapat asikasuhin pa... Kailangan ka namin..." saad bigla ni Liam na kinagulat ko.
"Nagpadala na kayo nang ambulance?? Pupunta na ako bye..." saad ko at ibinaba agad ang telepono.
Dali dali akong pumasok nang CR at naligo. Kumuha na lamang ako nung dress na above the knee at isinuot agad yun. "Jusme... Pakita cleavage eh flat ako bahala na..." bulong ko at inilabas na lamang ang necklace ko upang takpan yung skin dun.
Dali dali akong nagsuot nang sneakers na plain white at lumabas na nang banyo. Mabilis naman matuyo ang buhok ko eh. Kinuha ko ang phone at wallet ko.
"Saan ka pupunta, Mom??" tanong ni Toli sakin at napatingin ako sa kanilang tatlo na gising na pala.
Lumapit ako sa kanila at hinalikan isa isa ang noo nila. Nakapagtooth brush naman na ako. "Emergency, baby... Si Nay Lita ay inatake and She need me para operahan sya..." saad ko sa kanila at tumango naman ito.
"I'll be back... Birthday nang Tito Shu nyo... Greet him... Una na ako I love you!!" sigaw ko at narinig ko pa ang I love you nilang tatlo pagkasarado ko.
Dala dala ko ang susi nang motor ko pababa nabg hotel. Nang makababa ako ay agad kong ipinaandar ang motor ko papunta sa hospital. Mabilis kong pinaandar yun at nakadating agad agad.
Nakita kong kabababa palang kay Nay Lita sa Ambulansya kaya agad akong bumaba at tumakbo papunta dun. Kita ko si Nay Lita na walang malay. "Nay Lita... Bilisan nyo!!" sigaw ko at agad na gumalaw ang lahat.
Pumasok agad ako sa operation room at nagsuot nang lab gown tsaka yung mga gloves. Ipinasok na nila si Nay Lita at hindi ko alam ang dapat na maramdaman. "Pumwesto na ang lahat..." utos ko at agad silang gumalaw lahat.
Kinakabahan ako ngunit I need ro act professional ngayon. Ginawa na namin ang dapat na gawin sa mga inaatake sa puso. Pulos ang pagpapawis ko at pinupunasan ko agad yun upang hindi tumulo.
*AFTER 2 HOURS*
Napabuntong hininga ako nang matapos namin ang operasyon nang maayos. Nakakatuwa dahil ayos na ang Nay Lita. Malala na pala ang sakit nito sa puso at kung hindi namin naagapan ay maaaring ikamatay nya yun.
Tinanggal ko agad ang gloves ko at naghugas nang kamay. Pagkatapos nun ay lumabas na ako nang Operation Room at dumeretso sa kwarto kung saan ko pinaderetso si Nay Lita.
"Snow!! Snow!!" napatingin ako sa sigaw na yun galing sa likod.
"Doc. Lopez... What can I do for you??" tanong ko sa kanya at huminga muna ito nang malalim.
"Salamat... Pahirapan kasi tayo ngayon may na cardiac arrest pa yung patient ko at sumabay daw si Nay Lita... Buti nalang at nabalitaan kong nandito ka na... Salamat talaga..." saad nya sakin na kinangiti ko.
"You're welcome, Doc... Tsaka kita ko na maganda ang pagpapatakbo mo sa ospital ko... Great job, Liam..." saad ko sa kanya at nagbow naman ito.
"Nakuu... My pleasure po, Doc... Bibisitahin ko sana si Nay Lita..." saad nya sakin at sumama naman sya skain papunta dun.
"Kamusta naman yung patient mong Stage 1 sa Colon cancer??" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Ahhh yun... He is better now... Ayos na sya at pahinga nalang ang kailangan... Baka nga sa monday ay pwede na syang lumabas..." saad ni Doc. Lopez na kinatango ko.
"Ahh oo nga pala... Gusto kang makita nun at nakiusap pa sakin na papuntahin ka doon..." dagdag pa ni Doc. Lopez.
"Ganun ba?? Pupunta ako kung ganun... Bibisitahin ko sya kamo..." saad ko at tumapat na kami sa door nang kwarto ni Nay Lita.
Binuksan ko yun at nandun si Mang Lito at ang ibang magsasaka na nakapaligid kay Nay Litang mahimbing na natutulog. "Good morning po... Hindi paba sya nagising??" bungad ko at lumapit agad kay Nay Lita.
"Hindi pa nga eh... Buti nalang at nandyan ka, Snow... Maraming salamat..." saad ni Mang Lito na kinailing ko.
"Ang pagtulong ko ay libre... Lalo pa't kayo ang aking tutulungan... Pagpahingahin nyo po muna sya at kukuhain ko ang gamot na nireseta ni Doc. Lopez... Kayo din po magpahinga din kayo..." saad ko sa kanila at nagsitanguhan naman sila.
"Maraming salamat talaga sa inyong dalawa..." saad ni Mang Jose at umiling naman si Doc. Lopez.
Napatingin ako sa orasan ko at alas otso mahigit na pala. "Kukuhain ko lamang po ang gamot na kailangan at bibili nadin po ako nang pagkain para sa inyong lahat..." saad ko sa kanila.
Nung una ay nahihiya sila pero naging komportable naman sila. Agad naman akong bumaba at kinuha ang gamot na dapat at bumili nang pagkain sa malapit na fast food chain dito.
Pagdating ko ay hindi padin gising si Nay Lita at nandun padin si Doc. Lopez. "Para po yan sa lahat... Ikaw nadin Doc. Lopez... At eto po ang gamot ni Nay Lita... Dalawang beses sa isang araw... Umaga at gabi kung sakali, Mang Lito..." saad ko sa kanya at tumango naman ito.
"Maraming salamat dito, Snow... Nagugutom nadin kasi kami eh..." saad ni Lavinia na kinatawa namin.
Kumain naman na sila at hindi na muna ako kumain dahil busog pa naman ako. Napatingin ako sa oras at alas once na ang nakalagay dun.
Shit si Shu.