ZYPHIRE
"At ako naman ay guitarist nga tsaka vocalist tulad mo... Let's start na baka malate pa tayo nang tapos..." saad ni Walt at tumango naman kami.
Itinuro sakin ni Walt ang pwesto ko sa katunayan ay magkatabi kami at nakaupo sa upuan habang yung tatlo ay mga nasa pwesto nila."Walt!! Check mo nga kung tama yung tono ko..." saad ni Jethro yung drumer namin.
"Balikan kita wait lang..." saad nito sakin at iniabot yung papel nang lyrics nang kantang kakantahin namin.
'On bended Knee...'
"Mukhang alam mo ang kantang iyan... Bali-balita ang blog ni Sam na sumasayaw kayo sa kantang ito... Nakakahanga..."saad ni Isaac na nakiupo sakin.
"Tsk... Thank you?? Mukhang nagbaviral na tsk... At siguradong may kakalat nanaman na panibagong isyu hayyss" saad ko na kinatawa namin.
"Hindi ka naman siguro naaapektuhan?? Kese diba pagtotoo maaapektuhan ka..." saad ni Isaac.
"You have a point pero... Kahit hindi naman totoo maaapektuhan ka kese maling detalye tungkol sayo ang kumakalat na maaaring makasira sayo..." saad ko naman sa kanya at tumango tango ito.
"Kung ako ang tatanungin hindi ako naniniwala pero kasi iba ang napanood ko sa video... Kumakalat na kayo ni Walt... Totoo nga ba??" saad ni Isaac na kinagulat ko.
"In a relationship?? Ako at si Walt??" tanong ko pabalik dito.
"Yun ang kumakalat... Tinatanong ko lang naman..." saad ni Isaac.
'Grabe na talaga ang peyk news masyadong mabilis umandar...'
"Baliw lang ang magkakalat nyan... Ang turing nga lang namin sa isa't isa neto ay magkapatid..." singit ni Walt kaya napatayo kami.
"Totoo ang sabi ni Walt... Parang tatay ko nga lang toh... Perehas kami nang hilig kaya madali ko syang nakaclose... Erpat kumbaga hihi" saad ko kay Isaac nang bigla akong batukan ni Walt.
"Pinapatanda moko masyado... Isa lang ang tanda ko sayo anong erpats?? Pwede rin naman... Ikaw ba naman mag kaanak nang magandang siga hehe..." saad ni Walt at nginusuan ko lang ito.
"Joke lang syempre... Magandang dalaga pala hihi..." saad ni Walt na kinatawa naming tatlo.
"Oh sige na tara na simulan na natin ang isang pasada... Nakuha naman na nila ang tono at sigurado namang kuha na ni Isaac yan... Kaya simulan na natin..."saad naman ni Walt at inalalayan ako sa pwesto namin na nakaupo sa harapan na may upuan syempre hehe.
"Ready na ba tayo??" tanong ni Isaac.
"Ready!!" sigaw nang buong banda syempre kasama ako.
"Let's start in 1... 2... 3"
"Darlin' I, I can't explain
Where did we lose our way?
Girl it's drivin' me insane"
si Walt ang unang kumanta. Swabe at ang lamig nang pagkakakanta nya damang dama ang bawat linya na ibinabanggit nya. Nakakadala ang emosyon nya.
'Saan nga ba nawala ang landas natin, mahal ko??'
"And I know I just need
one more chance
To prove my love to you
And if you come back to me
I'll guarantee
That I'll never let you go"
Bawat linyang ibinabagsak nito ay parang espadang sinasaksak ang puso ko. Ipinikit ko na lamang ang mata ko upang pigilan ang pagbuo nang luha sa mata ko.
'You hurt me more than I expected... How can I give you a chance... Naniniwala na akong even the sweetest chocolate expires...'
"Can we go back to the days our love was strong?
Can you tell me how a perfect love goes wrong?
Can somebody tell me how to get things back
The way they use to be?
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee"
Sabay na kami sa pagkakataong ito at sa pagkakataon ding ito ay sa bawat salitang binabanggit ko ay bumabalik lahat nang nangyari.
'Kung pwede ko lang ibalik ang dating tayo na masya... Na hindi pa dumadating ang peligro ay ginawa kona... Kaya lang pumayag ka... Pumayag ka na matapos ang lahat nang dahil sa kanya...'
"I'm Gonna swallow my pride
Say I'm sorry
Stop pointing fingers the blame is on me
I want a new life
And I want it with you
If you feel the same
Don't ever let it go"
'Sinisi ko sa sarili ko ang lahat... Bakit?? Kese naging masyado akong komportable na masaya ka sakin... Na kuntento ka sakin ha ha ha... Nakakatawa lang na nung unang beses kong sinabi sa harap mo kasama sya na pagod na ako... Unang beses kese sumosobra na eh at ikaw yun... You agreed... Umalis ka... Masakit pero tinanggap ko... Kasalanan ko eh... '
"You gotta believe in the
spirit of love
It'll heal all things
It won't hurt anymore
No I don't believe our love's terminal
I'm down on my knees begging you please come home"
'Masakit... Na nung sinabi kong pagod ako... Sinisisi mo pa ako na kesyo ganto kesyo ganyan... Hindi ako perpekto pero binigay ko ang lahat sayo... Kaya simula nung nawala ka... Tulad nang sabi sa kanta... Hindi nako naniwalang yung pagmamahal ko ay nasa tamang daan pa... So I give up but everytime na may makikita ako naaalala ko lahat... Masakit... Until I'm down on bended knees'
"Can we go back to the days our love was strong?
Can you tell me how a perfect love goes wrong?
Can somebody tell me how to get things back
The way they use to be?
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee
Down on bended knee"
Hindi na ako nakapagsalita nang matapos ko ang linya namin. Hindi ko na napigilan ang luha kong tumulo nang tumulo sa sakit na bumalik. Bumalik lahat nang nangyari nung araw na yun. Ang sakit sakit na lahat nung saya pinalitan nya nang kababuyan nila.Napahagulgol na lamang ako sa sakit.
"Z-zyphire..." saad nang kung sino at ramdam ko ang presensya nilang lahat na nakapaligid sakin kaya lang isa lang ang naglakas nang loob na tawagin ako.
Napatingin ako dun sa tumawag sakin, hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil sa luha ngunit namumukhaan ko ito. Niyakap bigla ako nito na mas nagpadala sa sakit ko.
'Si Kyan Shu...'
"Sige na... Mauna na muna kayo... Hayaan nyo na muna kami... Salamat" rinig kong saad ni Sadie at naramdaman ko ang pagsara nang pinto. Bumitaw na ako sa pagkakayakap nito sakin at lumapit naman si Sadie at Vinnie sakin.
Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti sa dalawa. "A-anong nangyari??"tanong ni Vinnie.
"Ah e-eto... N-nadala lang ako..."saad ko at pinakitaan sila nang ngiti.
"Si Sadie toh... Ang besprend mo..." saad ni Sadie.
"Alam ko tuleg... Tagal tagal na nating magkasama limang taon na syempre ikaw yan tsk..." biro ko sa kaniya.
"Tsk... May nalalaman pang magbiro..." saad ni Walt sakin at hinimas ang likod ko.
"Sabihin mo sakin... Saan ang masakit??" saad ni Sadie na nakakuha nang atensyon namin kahit ako.
Tiningnan ko sya sa mata at kita ko ang pag-aalala nya. Tinuro ko yung ulo ko at sunod ang puso ko. "May magagawa ka ba pag dito... Dito sa parteng toh... Bigla kasing bumigat eh... Bumigat tapos sumakit... Bumabalik lahat nang ginawa nya at ni Felicity... Nakakainis..." saad ko dito at nginitian ko ito.
'Masakit pero hindi naman na tulad nang dati...'
"S-si Felicity?? B-bakit anong meron kay Felicity??" saad ni Kyan na kinaluha nang atensyon namin.
Tiningnan ako ni Sadie na nagpapaalam na kung pwede sabihin at tinanguan ko lamang ito. Tumabi naman bigla sakin si Walt at inakbayan ako, sumandal na lamang ako sa balikat nito.
"S-si... Felicity kase... Kaibigan naming tatlo 2 months ago... Apat kami sa totoo lang... Ang pinakaclose ni Zyphire ay si Felicity pagdating sa lovelife pero pagdating sa mga kalokohan ay ako..." saad ni Sadie at tumango naman yung dalawa.
"Eh anong ginawa ni Felicity sa sinabi ni Zyphire??" saad naman ni Cleo.
"Si Zyphire lang ang nakakaalam nang totoong nangyari..." saad naman ni Vinnie.
"P-pwede mo bang sabihin samin ang nangyari?? Kung maaari lang..." saad ni Kyan at nginitian ko lang ito.
"Kung ayaw mong pag-usapan okay lang..." saad naman ni Walt at nginitian ko lang din ito.
"Tulad nang sabi ni Sadie ay malapit sakin si Felicity... Noon... Bawat araw na naging kayo, Kyan ay kinekwento nya samin... At dun kami naging close... Kahit ako ay nagsasabi sa kanya tungkol sa lovelife ko..."
"Eh pano kayo naging magkakaibigan eh magkaiba kayo nang paaralan??" pagputol ni Kyan sa sinasabi ko.
"Nung twelve ako... Nawala na parang bula ang nag iisa kong kaibigan... At dun dumating silang tatlo... Sa park kami unang nagkakilala... Linapitan ako ni Sadie... At nagdaan ang taon ay nakilala kona sina Felicity at Vinnie... Magkakaklase silang tatlo habang ako ay nasa ibang school... "saad ko dito.
"I am sorry... Sorry Zyphire..." saad naman ni Walt na kinagulat nang lahat.
"Sorry for what??"
"Sorry for leaving you... Pinabalik kasi kami doon.." saad ni Walt.
"Alam ko kaya nga tinanggap ko eh... Pero ayos naman na ang lahat... Bumalik ka, Mr.Grisson"saad ko at nginitian naman ako nito.
"Ikaw ang bestfriend dati ni Zyphire?? Kaya pala ganun kayo kaclose kala ko gusto mo sya eh..." biro ni Cleo na kinatawa namin.
Nahagilap nang mata ko si Kyan at hindi ito tumatawa malalim padin ang iniisip nito. "Bakit ganun nalang bigla ang galit nyo sa kanya??"saad ni Kyan.
"Traydor sya... Hindi sya karapat dapat maging isa samin..." gigil na saad ni Sadie.
"Gusto ko syang gulpihin nung bumalik sya tch... Parang walang ginawang kalandian..." saad naman ni Vinnie.
"Paanong naging traydor??" saad naman ni Cleo.
"Ang nag-iisang Felicity Saison... Kayang pagsabayin ang dalawang tao..." saad ni Sadie.
"Pwede mo bang sabihin sakin ang nangyari?? Gusto kolang malaman..." saad naman ni Kyan.
"Masyado kanamang interesado, Stickman..." saad ni Vinnie.
"Nandun ako... Nung makipaghiwalay sya sayo... Nandun ako nung dumating ka at nakita ang kababuyan nila... Nandun ako at nakita ko ang lahat... Perehas pala tayo... Mismong anibersaryo tayo niloko..." saad ko sa kanya at tumingin ito mismo sa mga mata ko.
"H-hindi kita nakita nung araw na iyon..." saad ni Kyan.
Tinanggal ko ang salamin ko at nginitian ito. "Hindi ako nagsasalamin noon... Kaya nakita moko nang hindi nakasalamin... Ako yung babaeng nakita mo nung aalis kana dapat pero hindi mo na ituloy..." saad ko dito.
"Ikaw yung babaeng yun... Ikaw yung girlfriend nung lalaking kasama ni Felicity sa kama..." saad ni Kyan at yumuko na lamang ako upang pigilan ang galit ko.
"Ako nga yun... Yung dumating sa eksena na babae na nakangiting nakatingin sa dalawang mga baboy... Ako yun.." saad ko sa kanya at tuluyan nang lumapit sakin si Kyan.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko... Bakit ka nandun?? Pano mo nalaman na nandun sila??" tanong ni Kyan.
"Nagsuspetya na akong bago yung araw na yun... Naging madalang na ang pakikipagkita sakin ni Felicity at ni Clover or Zach tulad nang tawag mo sa kanya nun... Pinuntahan ko sya at pagdating ko ay nakita ko sila gumagawa nang milagro... Kaya tinext kita... I texted you kese nagaalala ako... Na baka pumunta ka... Then dumating ka... Nandun ako na naiyak... Nagulat ako na dumating ka at umakyat kapa... Pag-akyat mo ay sumunod ako at nasa likod moko sa buong eksenang yon..."explain ko sa kanila pero na kay Kyan lang ang tingin ko. Nakikita ko ang awa nya para sakin sa mga mata nya.
"Hindi ka nagbitiw nang kahit na anong salita nung araw na yun ngunit may sinabi kang tula sa kanilang dalawa.. Tama??" saad ni Kyan at tinanguan ko ito.
"Siguro nga ay hindi tayo itinadhana,
Dahil kahit si Bathala,
Hinayaan kang mapunta sa kanya..." pagbanggit ko sa kanya nang binitawan kong mga salita bago si Kyan umalis.
'Madami nga akong sinabi eh... Umalis kalang kase kaya di mo narinig tch..'
"I'm sorry for asking..." saad ni Kyan.
"Nah... It's okay nangyari na ang dapat... Tsaka kahit hindi mo itanong sasabihin padin naman namin..." saad ko.
"Ayos ka na ba, Zyphire??" tanong ni Walt sakin.
"Tama si walt... Wala bang sumasakit sayo??" saad ni Sadie.
"Ikaw, Kyan... Ayos ka lang ba??" saad ko at tumingin kay Kyan.
"Ayos na ayos na ako... Nasagot na ang mga tanong ko... Pero ikaw... Alam kong mas marami yung sayo..." saad nito sakin.
"Tsk... At wala namang makakasagut nun...Tama na nga toh baka gabihin pa tayo... " saad ko sa kanila.
"Basta okay kana... Okay na din kami..." saad ni Walt at tumango naman ako.
"Ayos na pala ang kapatid... Ano arat na tayo??" saad ni Sadie at nagtawanan naman kami.
"Sibat na tayoo....At ikaw, hindi mona ako pwedeng iwan..." saad ko kay Walt at inakbayan ito na kinatawa naming lahat.
Kinuha na namin ang sari-sarili naming bag at nagtatawanang pumunta sa Parking lot. "Tuleg... Hindi talaga nerd yan, bagong buhay yan Stickman tsk... " saad ni Vinnie kay Kyan na kinatawa namin.
"Malay koba megaphone... Pero sya parin si Nerdy... Nerdy naming tatlo tch..." saad ni Kyan na kinatawa namin.
Nang makarating kami sa pinagpaparkingan nang kotse namin ay wala yung motor ni Vinnie. "Nasan yung motor mo, Vinnie??" saad ko dito.
"Ahmm...kay Vinnie tong motor pinagamit nya sakin kese naplatan ung akin..." saad ni Sadie.
"At saan ka naman sumakay, aber?? Hindi nagaangkas ang isang Sadie..." saad ko dito. Mukhang kinikilig pa ang abno.
"Huy megaphone!? Kinakausap ka... Nananaginip nanaman nang gising tsk..." saad naman ni Kyan na kinatawa namin ngunit sinimangutan lang ni Vinnie ito.
"Edi ayun hinatid nang kuya mo ang dalaga... Jusme kilig na kilig pag-alis ni Zyre jusmeyo marimar..." saad ni Sadie na mas kinatawa namin.
'Gustong gusto nya talaga ang kuya ko haha'
"Edi kanino ka sasabay, Sadie??" saad ko dito.
"Aba'y ayokong sumabay sayo, Zy... Sobrang bilis mo magpaandar na parang nasa karera kahit hindi... Kay Cleo nalang hihi" saad ni Sadie.
"Ah oo nga pala... Daan muna tayo sa inyo, Stickman... Sabi kase sakin ni Kyllie na gusto daw akong makita nang parents mo daw..." saad ko kase nung kausap ni Kuya Zyrille si Kyllie ay yun kinausap din ako na tungkol dun. Nagdala nadin ako nang pasalubong na pinabibigay nina Mom at Dad na wala sa bahay tsk.
"Uy mamamanhikan... Wetwew" saad ni Cleo at binatukan naman ito ni Kyan.
"Ulul... Sinabi yun nina Mom kanina at kasama kayo dun noh... Wala pati akong dalang damit..." saad naman ni Kyan at tumawa nanaman sila.
Nagsisakayan na kami sa sari-sarili naming sasakyan. "Hoy... Mauna na kayo sunod kami netong ni Vinnie..." sigaw ko sa kanila at tumango naman sila.
"Alam moba papunta samin!?" saad ni Stickman.
"Nakapunta nako dun... Hinatid ko si Kyllie sige na... Ingat" saad ko sa kanila at pinaandar na nila ang mga sasakyan nila. Nahuli si Walt na kinaway pa ang mga kamay nito.
Papasakay na sana ako nang tumunog ang telepono ko, mukhang may nagtext. Chineck ko ang phone ko.
'UNKNOWN NUMBER (+639**********)
May sasagabal sa daan nang mga kaibigan mo... Kailangan mo silang puntahan dahil balak itong bugbugin nang alagad nang dilim...'
Nang mabasa ko ang text na yun ay napatingin agad ako sa paligid. "May problema ba, Zyphire?? Mukhang balisa ka..." saad ni Vinnie.
'Wala namang nakatingin samin...'
"Mauna kana, Vinnie... Delekado sina Sadie may haharang sa kanila... Tatawagan ko lang si Walt... Sige na..." saad ko dito at tumango naman ito.
"Sige ako nang bahala... Sumunod ka agad partner in crime..." saad ni Vinnie at pinaandar na ang motor nito. Si Vinnie ang kasama ko sa mga gentong oras kase mas malakas sya kay Sadie at nagkakasundo kami sa plano.
Tinawagan ko kaagad si Walt. "Buti napatawag ko... May sumusunod kasi samin... At ngayon ay hinarangan na kami..." saad ni Walt at nasapo ko ang noo ko.
'Buyset na un..'
"Papunta na dyan si Vinnie... Ikaw muna ang bahala at wag na wag kayong gagawa nang kahit anong galaw hangga't wala dyan si Vinnie..." saad ko sa kanya at inend na ang call. Agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar ito.
'Sila nga iyun... At anong ginagawa ni Cinco dito?? Mukhang malaki ang ibinayad...'
Ipinreno ko ang sasakyan ko sa likod nang kotse nito. Buti nalang talaga at wala masyadong nadaan dito. Bago ako bumaba ay tinanggal ko muna ang glasses ko at inilugay ang buhok ko at itinirintas nang dalawa tulad nang dati. Kinuha ko naman yung parang belt na lalagyanan ko nang balisong ko na may handle na kulay pula.
Pagbaba ko ay nakita ko agad ang motor ni Vinnie sa tabi nang kotse ni Walt. Tumingin naman ako dun sa gitna nang kalsada at nakita ko sila Sadie na pinagitnaan nang mga lalaking may baseball bat. Hinanap naman nang mata ko si Walt at hinaharang nya ang sarili nya kila Sadie, Cleo at Kyan. Si Vinnie naman ay kausap si Micmic at Cinco pero tinatawanan lang ito ni Cinco.
Pumwesto ako sa likod nina Cinco at Micmic para marinig ang pinag-uusapan nila. "Matagal tagal nadin, Fellixious at Die... Ang ganda nyo padin at sarkastiko..." saad ni Cinco kay Vinnie na si Fellixious at Sadie bilang die.
"Ganun talaga pag Fellixious na ang usapan, Cinco... Ano nga bang ginagawa mo sa kanila?? Ganun padin ba kayo?? bayadan nang peligro??" sarkastikong saad ni Vinnie at tinawanan naman sya nina Cinco at Micmic.
"Eh ano paba, Insan... Sinabihan naman na sila nang nakatataas na bumalik at pagbayaran ang mali nila pero nagmatigas pa..." sarkastiko este mas sarkastikong saad ni Sadie na kinaseryoso nina Cinco.
"Alam nyo... Wala parin kayong pinagbago kaya lang... Hindi yang pagiging sarkastiko nyo ang makakapagbayad sa amo namin pagtumigil kami..." saad ni Cinco dito.
"Ano ba kasing kailangan nyo sa kanila?? Sa tatlong kasama namin, Cinco" saad ni Vinnie at tiningnan isa isa ni Cinco yung dalawa na parang may hinahanap.
"Bakit hindi buo ang powerpuff girls?? Nasan ang bossing nyo?? Ay oo nga pala tumakas... Hindi na nagpakita..." saad naman ni Cinco na kinainis ko.
"C-cinco... Bumalik na nga sya mamaya marinig kapa nun eh..." saad ni Micmic.
'Mukhang ako ang tinutukoy nya tsk...'
"Alam mo din naman siguro na hindi ako naniniwala hangga't hindi ko nakikita..." saad ni Cinco at nagtawanan sila except kila Vinnie.
"Kung ako sayo, Cinco... Maniniwala nalang ako kay Micmic... Kilala mo yun... Wonder woman kung tawagin nang lahat..." saad naman ni Sadie at tumango tango naman si Cinco.
"Eh hindi ko nga nakikita bakit ako maniniwala...Tsaka kung bumalik yun ay magpapakita muna samin yun.. " saad ni Cinco dito at nagtawanan nanaman sila na parang baliw.
'Patagalin natin ang pag-uusap nyo...'
"At bakit naman magpapakita sayo yun?? Alam mo kasi Cinco..." saad ni Vinnie at lumapit kay Cinco. Inayos nya ang kwelyo nito na parang pinapagpagan.
"Ang dami mo nang nilabag sa patakaran... Kaya kung ako sa inyo magtago na kayo..." saad ni Vinnie at hinila nito ang kwelyo ni Cinco.
"Kasi... Dahan dahan kayong mamamatay sa kamay nang nasa itaas..." pagbabanta ni Vinnie at patalsik na binitawan ang kwelyo ni Cinco. Kitang kita mo ang inis sa mata ni Cinco.
"Wala ka paring pinagbago, Fellixious... Puro ka nalang pagbabanta... Bakit kasi hindi nyo nalang kami hayaan.." saad ni Cinco dito.
"Kaya nga... Hindi yung nagpapaligoy ligoy kayo..." saad ni Mic mic na mukhang nagkalakas nang loob nang hindi nya ako makita.
"Bakit naman?? Diba kami ang powerpuff girls... Tagapagligtas sa Muntinlupa kung tawagin.." saad naman ni Sadie.
"Kaya lang dalawa lang kayo... Mahihina pa... Kung kasama nyo ang boss nyo edi sana nakaalis na kayo..." saad naman ni Micmic.
"Bakit ba kasi hinahanap nyo ang wala diba, Cinco??" saad naman ni Vinnie kay Cinco. Mukhang napapahaba ang pag-uusap nyo.
"Tama si Fellixious bakit hindi nalang namin tuluyan ang tatlong toh... Mga bata simulan nyo na..." saad ni Cinco at dahan dahang lumapit ang mga ito sa tatlo.
"Ano ba kasing kailangan nyo ha!?" sigaw ni Kyan.
"Cinco... Itigil na natin toh... Baka nandyan lang sya..." saad ni Micmic.
"Baka nga..." sagot naman ni Vinnie na inilagay na ang kamay nya sa likod.
'Ang senyas namin..'
"Eh wala nga diba!?Nasan nga ba sya??" saad ni Cinco at binalingan nang tingin sina Vinnie at Sadie.
'Iyon na ang signal...'
*KALABIT*
"Ano ba?! Nakakabastos yang kalabit mo ah!?" sigaw nito kay Micmic na walang kamuwang muwang. Napatigil ang lahatbsa sigaw na yun ni Cinco.
Tinuloy nito ang sinasabi at napatingin si Micmic sa likod ni Cinco at nakita ako nito.Nginitian ko lang ito at alam kong nakota nadin ako nung tatlo at nina Vinnie.Kita mo sa mukha ni Micmic ang gulat nang makita ako.
*KALABIT*
"Sabi nang ano ba!? Kanina ka pa ah!? Kung sayo ko gawin un..." panghahamon ni Cinco dito ngunit nakatingin lang sakin si Micmic.
*WHISTLEEEEE*
Nagwhistle ako at nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat kahit si Cinco. Nginisian ko lang ito at tinaasan nang kilay.
'Ngayon mag matapang ka sakin, Cinco...'
"Kamusta, Cinco?? Hindi mo manlang ba ako iwewelkam sa pagbabalik ko??"