Chapter 9

4253 Words
KYAN SHU "Eh wala nga diba!?Nasan nga ba sya??"sigaw nung tinatawag nung dalawa na Cinco. Napatigil din nung sigaw na yun ang mga nakapaligid samin at ibinaba ang hawak nila. "Ano ba?! Nakakabastos yang kalabit mo ah!?"sigaw nung Cinco dun sa Micmic. Umiling lamang si Micmic nang sigawan sya nito. Binalingan ko ang likod ni Cinco at may nakita akong babae hindi ko masyadong makita yung mukha dahil nakaharang yung Cinco. Napatingin ako kay Cleo at nakatingin din ito."Nakikita mo?? Kilala mo?" tanong ko kay Cleo at umiling lang ito. "Hindi ko masyadong makita... Nakaharang yung Cinco.." saad naman ni Cleo at napabaling naman ako kay Walt. Nakangiti itong nakatingin din dun. "Anong nginingiti mo?? Nasa peligro tayo..." saad ko dito pero hindi ako binalingan nito. "Nandyan na ang prinsesa ko..." saad ni Walt na kinatingin naming dalawa ni Cleo sa kanya na parang nagtatanong. "Nauulul na nga sya... Ayts" saad ni Cleo at napatingin ulit ako dun. "Sabi nang ano ba!? Kanina ka pa ah!? Kung sayo ko gawin un..."saad nanaman ni Cinco na nakaagaw nang pansin nang lahat. Hinila nito ang kwelyo nung lalaki na kadahilanan nang makita namin ang mukha nang babae. 'Si Z-zyphire ba yun?? Nakatirintas ang buhok??' Nakangisi lang ito at nakatingin dun sa Cincong hindi sya napapansin. "Ano bat hindi ka makasagot!?" sigaw ni Cinco kay Micmic na ngayon ay gulat pading nakatingin kay Zyphire na hindi naman sya tinitingnan nito. *WHISTLEEEE* Biglang nagwhistle si Zyphire na kinatingin ni Cinco dito kahit ang mga dapat saktan kami ay nakatuon ang mga mata kay Zyphire. 'Anong ginagawa nya dito?? Nasisiraan naba sya?? Dapat humingi sya nang tulong tsk' "Kamusta, Cinco?? Hindi mo manlang ba ako iwewelkam sa pagbabalik ko??"saad ni Zyphire na kinagulat ko. Nginisian ni Zyphire si Cinco na ngayon ay hindi makapaniwala. 'Magkakilala sila??' "K-kamahalan... Nagbalik kayo... K-kanina kapa ba dyan..." saad ni Cinco na mukhang may kaba. "Ngayon ngayon lang din... Bakit?? May dapat ba akong malaman..." saad ni Zyphire na maawtowridad. 'Hindi ko maintindihan ang nangyayari' "W-wala naman..."maikling sagot ni Cinco at tumango tango naman si Zyphire. Naglakad naman si Zyphire papalapit dun kila Vinnie at tinanguan siya nito na kinangiti nito. Naglakad naman ito papunta samin at tumingin kay Cleo."May ginawa ba si Cinco at Micmic sa inyo?? Sinaktan ba nya kayo??" saad nya at tiningnan kaming tatlo. Lumapit din sina Vinnie at Sadie. Umakap naman si Sadie kay Cleo. "Balak niyang mga nakapaligid samin na saktan kami utos nyang Cinco nayan..." saad ko at biglang sumeryoso ang mukha nito. "At ikaw erpats... May ginawa ba tong mga toh sa inyo??" saad nito kay Walt. "Kamuntikan na nila kaming hampasin nang hawak hawak nila... Hindi siguro nila ako kilala, Prinsesa..." saad ni Walt na ngumiti kay Zyphire. "Huwag kang mangialam sa ginagawa namin?!"sigaw nung isa na malapit samin. Akmang pupukpukin ako nito gamit yung baseball bat nya nang biglang hawakan ni Zyphire iyon. Umikot ito at binigyan nang suntok ang lalaking yun."Die at Partner in crime kay Cleo at Kyan kayo... Ako na kay erpat..." saad ni Zyphire at hinarangan nya kami nang nag-iisa lang sya laban dun sa walong taong yun. "Mga pakielamero..." saad nung lalaki at sinugod si Zyphire. Ang bilis nang mga galaw ni Zyphire, suntok dito at doon. Ang bilis nyang gumalaw, ang lakas nya. Ngayon ko lang sya nakita na gigil na gigil at nakikipagsuntukan. Nang matapos sya sa pito ay naiwan nang mag-isa yung nagsabing pakielamero yung tatlo. May kinuha si Zyphire na balisong bayun?? Balisong nga at pinaglalaruan nya pa ito habang papalapit dun sa lalaking yun. "Zyphire... Stop it..." babala ni Walt na kinagulat namin at tiningnan sya ni Zyphire. "Wag ka mag-alala erpats... Hindi ko pa nagagamit tong laruan ko sa kung sino lang..." saad naman ni Zyphire at nginitian si Walt. "Tigilan mo na yan, Fire... Masyado ka nanamang naggigigil... Nangingialam kapa sa trabaho namin..." saad ni Cinco at nginisian lang sya ni Zyphire. "Alam mo kase, Cinco... Pwede naman kayong bumalik... Kaya lang... May karampatang kaparusahan ang ibibigay nang nasa itaas sa inyo..."saad ni Zyphire. "Alam mo din sigurong hindi ako natatakot sayo..." saad ni Cinco na kinangisi nanaman ni Zyphire. "At alam mo din siguro na wala akong kinatatakutan sa mundo..." saad ni Zyphire na kinaputla ni Cinco. "Alam na alam ko... Napag-utusan lang naman kami at hinarang mo iyon..." saad naman ni Cinco na nilapitan pa si Zyphire. Gigil na gigil ang lalaking ito. "At sino naman sa mga ito ang gustong patayin nyang nag-utos sa inyo??" saad ni Zyphire na sumeryoso bigla sya. "Siya... Ang Riordan na iyan at ang mga kaibigan nya... Mukhang malaki ang nagawang kasalanan sa bata ko..." saad ni Cinco at nagulat sa sinabi nya. Nilapitan ni Vinnie si Zyphire at nagkatinginan yung dalawa na para bang nag-uusap sa tinginan na yun. "Bata mo... Ayan nanaman kayo sa laban nang isa laban nang lahat... Tsk tsk tsk..." saad ni Vinnie. "Inalam mo ba kung anong kasalanan nang bata mo sa kaibigan ko??" saad ni Zyphire na itinuro pako. 'Tsk hindi naman ako basagulero... Tsaka ni hindi ko nga sila kilala pano pa kaya yung bata nya...' "H-hindi... Pero dun sa expression nung bata ko... Dun ko masasabi-" "May galos ba o pasa galing sa kaibigan ko??" pagputol ni Zyphire sa sinasabi nito na gigil na gigil na nga. "Wala... Wala syang galos ni pasa... Pero yang Riordan na yan ay inagaw na nga ang gusto nang bata ko ay sinaktan pa... At syempre dinamay na nya ang dalawang kaibigan netoh... " saad ni Cinco na gigil narin. "Inagaw?? O baka naman sya ang pinili hindi yang kalaban ni Alas na bata mo..." saad ni Zyphire na kinagalit nung Cinco. Pulang pula na ito sa galit na parang gusto nyang pumatay nang tao. *BOOGGSHHH* Napatakbo ako papalapit kay Zyphire nang suntukin bigla sya ni Cinco kahit ung Micmic ay pinigilan si Cinco. Pinunasan ni Zyphire yung dugo galing sa labi nito at ngumisi ito. "Ayos kalang??" saad ko dito.  "Ayos lang ako... Pumunta ka muna kay Sadie... Sya ang bahala sa inyo..." saad nya at sinunod ko naman ito. "Grabe pala ang mukha nang isang kamahalan... May katigasan ako pa ang nasaktan..." saad ni Cinco dito. *BOOGSSHHH* Sinuntok bigla ni Zyphire yung Cinco na kinagulat namin syempre. Sa lakas nun ay napahiga si Cinco. "Ang lambot naman masyado nyang bungo mo, Cinco... Mukha pinasa ka agad eh..." sabi ni Zyphire na iginagalaw pa ang mga daliri na parang walang nangyari. 'Grabe ang lakas... Nakakahanga' "P-pasensya, Fire... Sige na ako na bahala..." singit naman ni Micmic na hindi na kumibo simula kanina. "Aba'y siguraduhin mo yan aber... Baka ako na gumulpi dyan sa siraulo na yan... Tara na..." saad ni Vinnie at hinila na si Walt at si Zyphire. Sumunod naman kami sa kanila at hanggang ngayon nakatingin lang ako kay Zyphire. Ewan koba kung bakit ayaw matanggal nang tingin ko sa kanya parang may nasa loob nang dibdib ko na awa ba o pag-aalala. 'Sino ba kase ang nag-utos sa mga yun??' "Ayos ka lang?? Patingin nang bangas mo..." saad ni Sadie at tiningnan nya ito. "Yan ang napapala nang kasigaan mo... Anong sasabihin nang kapatid mo pag nagkataon tsk..." saad ni Sadie. "Oo na oo na... Magsi-sakayan na lang kayo mamaya magpatawag nang backup yan... Wala tayong ganun..." saad ni Zyphire at lumapit bigla 'Sakin?? Sakin nga' "B-bakit?? Bakit ka nalapit??" saad ko dito. 'Bakit ba kasi lumalapit toh?? Baka naman may sasabihin' "May nakalaban kaba na isa sa mga bata nun?? O kaya naman inagaw na sa kanila dapat..." saad ni Zyphire. "Wala noh... Diko nga kilala yan eh... Sinisisi mo ba ako??" saad ko sa kanya. "Hindi naman sa ganun... Iniimbestigasyonan kalang nyan... Detective kumbaga hehe" saad ni Vinnie at tinanguan ko ito. 'Doctor nung una ngayon Detective tsk...' Hinila bigla ako ni Zyphire na kinagulat ko. Kakaiba ang pagkahila nya sakin. 'Ayts ano ba umayos ka, Kyan Shu' "Sila ba talaga ang gustong ipapatay nang bata mo?? Tandaan mo, Cinco... Isa syang Riordan at mga partners nila yang dalwang yan... at pag nalaman toh ni Dean Riordan hinding hindi yun magdadalawang isip na patalsikin kayo sa paaralan na pinapasukan nyo..." babala ni Zyphire dito. "A-alam ko, Fire..." saad ni Cinco. "Alam mo naman pala eh... Haysss nakakabagot kang kausap... Tara na nga" saad ni Zyphire at hinila nanaman ako pabalik kila Walt. "Magsisakay na tayo... Ako na an- Anak ng tupa..." saad ni Zyphire na nakaagaw nang atensyon namin. Napatingin kami dito at nagulat ako. Malapit si Micmic dun sa kotse ni Zyphire at may hawak ito na baseball bat. Basag ang bintana sa driver's seat at yupi pa ang harap nang Lamborghini Veneno nya."Napakapakialamero mo kasi, Fire eh... Ayaw ko sa lahat yan... Utos toh nang bata ko at gusto ko din toh... Tandaan motoh, Riordan, Zuello, at Grisson... Malaki ang kasalanan sakin nang buong pamilya nyo at damay na kayong tatlo dun kasama syempre yung mga mahal nyo sa buhay..." saad nung Cinco na nginitian si Zyphire. 'Creepy' "Ano bang kasalanan namin sa inyo!? Ni hindi nga kita kilala eh!?" saad ko. "Hindi kapa namin nakikita ngayon lang!? Pano kami magkakakasalanan?!" saad din ni Cleo. "Malay mo... Malay nyo... Malay natin... Sumusugod na pala kami..." saad ni Cinco na nakatingin kay Zyphire. "Hoy Cinco!? Wag na wag mong gagawin yang nasa isip mo!?" sigaw ni Sadie na pinipigilan ni Cleo. 'Ano bang iniisip nang ugok natoh kung ganun?? Wala akong matandaan na ginawa namin sa taong toh...' "Huwag na huwag mong gagawin ang iniisip mo... Wag mo kaming subukan, Cinco..." saad ni Vinnie na seryoso na talaga ngayon. "Hindi naman dapat kayo damay... Tsaka wag kayong mag-alala magkikita pa naman kayo ulit kaya lang... Sa langit na.. Kung sa langit kayo dadalhin... Eh kasama nyo ang demonyo... " saad ni Cinco. "Tandaan motong sinabi ko... 'Walang kahit na sino ang mananakit sa mga nasa paligid ko ni isang gasgas galing sayo...' Tara na... Iwan na natin yan..." saad ni Zyphire.    'Walang kahit na sino ang mananakit sa mga nasa paligid ko ni isang gasgas galing sayo...' 'Walang kahit na sino ang mananakit sa mga nasa paligid ko ni isang gasgas galing sayo...' 'Walang kahit na sino ang mananakit sa mga nasa paligid ko ni isang gasgas galing sayo...' Hindi ko alam kung anong narqramdaman ko nang sabihin nya yun. Natutuwa, sumaya, nalulungkot, o kung ano ano pa. May ibang ibigsabihin para sakin yun. Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan at ako ay wala parin sa sarili ko. 'Walang kahit na sino ang mananakit sa mga nasa paligid ko ni isang gasgas galing sayo...' "Maghihiganti kami..." ZYPHIRE "Maghihiganti kami..." pahabol na saad ni Cinco at iniwan na namin toh. 'Ano bang balak nya?? Tsk...' Nangunguna ngayon samin si Kyan at nasa huli ako baka sakaling sundan kami nung ugok na yun. Nakadating din kami agad at nagsibabaan kami. Hindi muna kami pumasok at huminga muna sa nangyari at umupo dun sa harap nang bahay nito. Halata sa mukha nilang lahat ang gulat sa nangyari kanina. "May naging kaagaw ba ang isang Kyan Shu kay Felicity?? Agawan ang nabanggit na galit nung bata..." deretso kong tanong at tumingin naman silang lahat sakin. "Nag-iisa lang ang nakalaban netong ugok natoh..." saad ni Cleo. "Si Spade lang ang nakaagaw ni Shu kay Felicity noon..." saad naman ni Walt at napatingin ako dito. 'Si Spade Blake pala talaga... Kala ko nagkakamali nako...' "Sya yung nag-iisang stalker ni Felicity... Yung sinasabi nya satin..." saad naman ni Sadie at tinanguan ko ito. 'Sya din pala ang nagpagulo sa buhay ni Felicity tsk...' "Sinong nauna?? Ikaw Stickman o yung Spade..." saad ko dito at tumingin sakin toh. "Sya... Bata palang daw sila gusto na daw nya si Felicity..." saad ni Kyan. 'Stalker tsk... Obsessed na kamo baliw na baliw na...' "Kilala namin sya, Zyphire... Isa talaga sya sa mga bata ni Cinco..." saad ni Vinnie at napatingin ako dito. 'Hindi ko sya napapansin noon...' "Nakita nyo na sya noon?? Nakita nya ba kayo..." tanong ko dito. "Nakita namin sya noon pero hindi nya kami nakilala dahil sa ayos namin nung araw na yun sa ngayon..." saad ni Vinnie. "Alas ang tawag sa kanya sa grupo... Alas daw sya sa hindi namin malaman na dahilan..." saad ni Sadie. 'Mayaman siguro ang bata tsk...' "Baka dahil anak sya nang Congressman dito... Malakas ang kapit..." saad ni Cleo. 'Baka nga...' "Sya ang may galit sakin... At yung Cinco may galit sa buong pamilya naming tatlo at napasama pa kayo..." saad ni Kyan at napatingin ako dito. "I guess... We must solve the puzzle that we made..." saad ko sa kanila at napatingin silang lahat sakin. "Yeah... We're in the one fourth of the puzzle..." saad ni Kyan. "No we're not... Hindi pa nga natin nasisimulan... Wala pa tayong nailalagay ni isang piece nang puzzle wala pa..." saad ko dito at napatingin sakin nang masama ito. "Tama si Zyphire... Wala pa tayong isang piece nang puzzle kaya hindi natin masasabing one fourth... Yung sayo, oo pero yung sating tatlo hindi..." saad ni Cleo at tumingin sakin. Nagtanguhan lang kami. 'Kakaiba din pala ang boyprend ni Sadie... Kala ko ay lampa tsk...' "Sabi nyo eh... Tsk tara na nga..." saad nito at tumayo na sya. Syempre nagsitayuan na kami at pumasok sa loob. "Shu?? Ikaw na ba yan... Ow kasama mo pala ang friends mo... Good evening, Zyphire..." saad nito sakin at niyakap ako. 'Na-a-awkwardan ako jusme...' "Good evening din po, Mrs.Riordan... Ah eto po nabanggit po kasi ni Kyllie na mahilig daw po kayo sa sling bag... Pasalubong po nung pumunta kami sa ibang bansa the last time..." saad ko dito at napatingin ito sa hawak ko. "You give my son and my daughter a gift... It's my pleasure to have a gift you..." saad ni Mrs.Riordan at nginitian ko ito. "Good evening din pala sa inyo... Tara sunod kayo sakin... Thank you talaga dito, Zyphire... May hinanda akong dinner... Napaaga naman kayo masyado..." saad ni Mrs.Riordan.Susunod na sana ako nang may humila sakin. 'What is he doing??' Pinalagan ko ito at tiningnan nang masama."What is it??" saad ko kay Kyan at tiningan ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko. "I'm sorry... I just want to say thank you... For giving my mom a gift... And making her happy..." saad ni Kyan sakin. "Nah... No need to thank me... She is one that is special to me... You better go to your room and get some clothes..." saad ko dito at tumango ito. Pumunta na ako dun aa dining at nandun na si Mr.Riordan."Oh san ka galing, Zyphire??" saad ni Walt. "Oo nga, Zyphire... Nawala ka bigla san ka pumunta??" saad ni Cleo naman. "Ah kinausap kasi ako ni... Kyan may sinabi lang..." saad ko at umupo sa tabi ni Sadie. "Good evening po, Mr.Riordan..."saad ko dito. "Good evening din sayo, Doc Typoon... Salamat nga pala sa ibinigay mo sa asawa ko..." saad ni Mr.Riordan. 'Bakit kailangang Doc pa tawag sakin huhu..' "Zyphire nalang po, Mr.Riordan... Ah eto po pala nakalimutan ko po... Pinapaabot po ni Zyrille para daw po sainyo..." saad ko at inabot yung paperbag. "Aba'y kala ko ay nakalimutan nako ni Thunder... Pasabi sa kanya ay salamat... Bumisita kamo sya pagmay oras..." saad ni Mr.Riordan. "Makakarating po sa kanya..." saad ko at kumain na kami. Dumating na din si Kyan at puro kwentuhan ang naganap tapos tanungan tungkol kila Sadie at Cleo. Nang matapos kami ay nagpaalam nadin kami sa parents ni Kyan. "Ah tito... Nagkaayaan po kasi kami... Na matutulog kila Zyphire... Kami kami po magtotropa... Ipagpapaalam po sana namin si Shu..." saad ni Cleo at napatingin si tito sakin. Nginitian ko lamang ito. "Ganun ba?? Nagsabi din sakin si Kyllie... Basta mag-ingat kayo... Hiwalay ang babae sa lalaki..." saad ni Mr.Riordan. "Tama si Sweety... Hiwalay hiwalay... Ayokong maging lola nang anak nyo ba'la kayo dyan..." saad ni Mrs.Riordan na kinatawa namin. "Sige po... Mauuna na po kami..." saad ko sa kanila. "Ah wait lang... Gusto sana kitang makausap, Zyphire..." saad ni Mr.Riordan. 'At ano naman po yun...' "Sige na... Hintayin ka namin..." saad ni Kyan at tumango na lamang ako. Sumama ako kila Mr.Riordan."Ano po yung gusto nyong pag-usapan??" saad ko dito. "Nalaman namin ang nangyari... Sinabi samin nang Kuya mo... Dadating ang Chairman at makikiramay daw sana..."saad ni Mr.Riordan at tumungo na lamang ako. 'Matagal na nga yun eh...' "Alam din nang parents mo... Hindi pa namin alam ang pagdating nito... Nakikiramay ang mga Riordan..." saad ni Mrs. Riordan. "Ayos na po yun... Sige po paghahandaan nalang po nmain iyong pagbisita nyo... Mauuna na po kami..." saad ko at lumapit na kila Kyan. "Sige... Mag-ingat kayo... Salamt ulit, Zyphire..." saad nito sakin at nauna na kami. *BROOOMMMM* Babalik na sila lolo ayts ayokong nandito yung mga yun puro galit dala sakin tsk. Bahala na harapin ko nalang mga chismoso pa naman yun lagi nalang kasalanan mo ang nakikita kahit hindi naman. Siguradong dadating yung mga yun sa sportsfest namin or before nun hayyssss. Hindi ko na namalayan na nandito na kami sa bahay. Bumaba nako nang wala sa sarili at pumasok dito. "Nandito na kayo... Mahal kong kapatid bigyan moko na-" "Alam mo ba, Kuya Zyrille na dadating na ang Chairman pati sina Mom at Dad??" pandederetso ko dito na halatang kinagulat nito. Pumunta ako sa kung saan tumatanggap kami nabg visitor. Umupo ako dun sa sofa, nababalisa ako. "Kanina ko lang nalaman... Tumawag ang Chairman at sabi nya ay uuwi daw sila.. Tapos na daw ang trabaho at may bisita daw..." saad nito at tumabi sakin. "At kailan naman daw??" saad ko at tiningnan ito sa mata. "Wala silang sinabi... Ang sabi lang ni lolo ay suprise daw..."saad ni Kuya Zyrille sakin. 'Galit lagi ang dala nang mga yun...' "Galit ka pa ba sa kanila?? Alam kong mahirap pero sana pag-aralan mo..." saad ni Kuya Zyrille sakin at yumuko nalang ako. "Sana ganun nalang kadali tulad nang sabi mo... Hindi ko nga alam kung kaya kopa ang lahat o kinakaya ko nalang.. Sige magbibihis lang ako may karera pa kami ni Walt..." saad ko dito at tumayo na nang bigla nitong hawakan ang kamay ko. "Mag-ingat ka... Nandito lang kami..." saad nito sakin at binitawan ang kamay ko. Bumalik na lamang ako kila Sadie na nandun parin. "Tara na?? Dun nyo nalang iwan sa taas yung mga gamit nyo..." saad ko at umakyat na nga kami sa kwarto ko. Pagdating namin sa taas ay pumasok agad kami sa kwarto ko. "Ibaba nyo nalang yung gamit nyo dyan... Pili nalang kayo nang kama nyo... At kayong mga lalaki naman dun kayo sa kabila..." saad ko at pinindot ang button na may 4 pang kama kaya walo yun. "Ayos ka lang?? Nababalisa ka..." saad ni Walt nang lapitan ako. "Ayos lang ako... Sige na at baka hinihintay tayo nung JM nayun..." saad ko at binuksan yung closet ko. Bumukas at bumngad sakin yung bahay nang mga damit ko. "Eh anong isusuot namin??alam mo naman dun madaming bawal..." saad ni Sadie. 'Oo nga pala...' "Kailangan ba may attire??" tanong ni Kyan. "Bawal magkung ano ano dun ugok... Kailangan na ka leather jacket kayo at tsaka kayo papapasukin.." saad ni Walt. "Eh wala akong leather jacket tol..." saad naman ni Cleo. "Marami ako dito... Ilan ba kayong wala??" saad ko habang naghahalungkat dun sa part nabg tops. "Lahat!?" sigaw nila na kinatawa namin. Kinuha ko yung limang leather jacket at iniabot sa kanila iyon. May nakadikit dun na maliit na simbolo nang bungo. "Eto...Sa inyo na yan... Isuot nyo yan... Kahit anong mangyari bawal tanggalin yan.." saad ko. "Eh ikaw?? Wala kang jacket??Dadakmain ka nila dun, Zyphire..." saad ni Walt. "Eto... Sayo natoh ipapadala ko nalang yung akin..." saad nung Kyan at tinaasan kolang toh nang kilay. Tinawanan naman bigla nila Sadie si Kyan. "Salamat pero wag na... Hindi ko kailangan nyan... Mas kailangan nyo yan..." saad ko dito. "Makikilala nyo rin sya pagdating dun... Hay nako makapili na ngalang na isusuot ko... Samahan moko, Sadie..." saad ni Vinnie at nakinatawa namin. Kumuha na ako nang isusuot ko. Wala namang patakaran sa mga kakarera kung ano ang suot kahit ano pwede pero bawal ang gears. Kabaliktaran diba sa legal na karera pwede sa illegal hindi pwede. Mamamatay ka kung mamamatay ka ganun. Kinuha ko ung pulang oversize kong shirt na may disenyong bungo na kulay black at kapartner nito na short na panglalaki na kulay black. Nagbihis nako at kinuha ko tsinelas ko na nike na kulay pula pati yung pang basketball na sock na kulay black at grey. 'Nakakainis... Nawala kapa sakin, Dark... Ikaw na muna ang gagamitin ko, Demon...' Lumabas na ako sa banyo at sumalubong sakin sina Cleo at Sadie. Ang astig nang porma nila. "Ineng karera ang ipinunta mo hindi tambayan... Jusme dinaig mopa lalaki sa porma teh..." saad ni Sadie na tiningnan ang kabuuan ko. "Atleast hindi ako naka skirt tsk... Karera ang ipinunta natin hindi date" saad ko dito at nagtawanan kami. "Astig mo ah... Mukhang ikaw pa ang kakarera sakin..." saad ko kay Cleo. "Mas astig ka kaya... Tingnan mo naaapakan mona p*********i ko eh..." saad ni Cleo na kinatawa namin. "Tuleg... Ano maganda ba ang porma ko??" saad ni Vinnie. "Insan mukha kang... Gagala sa suot mo... Naka skirt ka din pala..." saad ni Sadie na kinatawa namin. "Ano ba namang suot yan... Hindi tayo gagala mga tuleg... At ikaw tatambay ka??" saad ni Kyan sakin. Tiningnan ko ang kabuuan nito. Suot nya yung leather ko tapos nakat-shirt na puti at pants na black. Nakasapatos din ang ugok na kulay puti. "Mukha kayong magka date netong si Fellixious..." pang aasar ko sa dalawa at nagkatinginan yung dalawa. Perehas silang naka white and black mga tuleg. "Natutuleg kana talaga, Zyphire... Tara na... Sa kuya molang ako tandaan moyan..." saad ni Vinnie at tumabi sakin. Bigla naman sumingit si Walt samin na kinaagaw nang pansin nang lahat. Tiningnan ko ito simula paa hanggang ulo. Perehas kaming parang tatambay lang kese yun naman talaga ang suot namin dun ang pinagkaiba ay nakasapatos ito at ako ay naka tsinelas lang. "Yun... Tatambay lang pala kayo... Sinama pa kami..." saad ni Cleo na kinatawa namin. "Tara na tara na... Malayo pa yun bilis..." saad ni Vinnie at humawak pa sa braso ko. Bumaba na kami at sumalubong samin sina Kuya kasama si Ate Kyllie. "Zyphire,thank you dun sa sling bag na binigay mo kay Mom... You make her happy..." saad ni Ate Kyllie at nginitian ko lang ito. Nabalingan nang tingin ko si Kuya Zyrille, mukhang na-a-awkwardan sya sakin. "Bakit ka naman naka tsinelas, Zyphire?? Karera yun..." saad ni Kuya Zyre at napatingin naman silang lahat sa paa ko. "Anong problema??" saad ko dito. "Kase... Hindi madaling makipagkarera nang naka tsinelas... Alam mo naman nangyari sakin..." saad ni Kuya Zyrille. 'Yung kamuntikan na syang mamatay nang dahil sa nag karera nang naka tsinelas...' "Alam ko naman... Pero gusto ko toh... Nakakahinga ang paa ko... Sasama kayo??" saad ko dito nang pumunta kami sa parking. 'Ay nako, Dark... Hindi manlang kita nakarera hmp..' "Syempre... Manonood kami..." saad ni Kuya Zyre at tinanguan ko ito. "Pano si Dark, Zyphire?? Yung nangyari..." saad ni Sadie sakin. Binalingan kp nang tingin si Dark, bugbog sarado ayts. 'Pati ba naman kasi kotse pinapatulan...' "Oo nga... Hindi mo pa naman yan nakakarera..." saad naman ni Vinnie. "Anong nangyari dyan?! Kakaregalo ko palang dyan eh..." saad ni Kuya Zyrille. "Si Cinco-" "At anong peligro ang pinasok nyong tatlo??" pagputol ni Kuya Zyrille sa sinasabi ko. "Ang OA naman eh... Walang g**o, okay??" saad ko sa kanila at napatingin akonsa tatlong ugok na gustong sabihin ang nangyari. "At anong sinabi nya sayo?? Alam kong hindi kayong tatlo pakay nun... Ikaw, Zyphire..." saad ni Kuya Zyre. "Yun... Kinamusta nang peligro ang demonyo... Ayts ayokong pag-usapan..." saad ko at tumango tango na lamang ito. "Ano na lang ang gagamitin mo, Zyphire?? Wala na si Dark..." saad ni Walt. "Yun ba yung kotse nya?? Naguguluhan ako eh..." saad ni Cleo na kinatawa namin. 'Ano ba naman yan kanina pa tayo nag-uusap tsk' "Anong gagamitin mo nyan??" saad ni Ate Kyllie. Napangiti nalang ako sa naisip ko. "Yung matagal ko nang ginagamit..."saad ko. "At hindi kami papayag!"sabay sabay na saad nina Zyrille, Zyre, Sadie, at Vinnie. "Easy lang tayo... Ano ba kasing kotse yun??" saad ni Cleo. "Hindi naman siguro king lala nang iniisip ko..." saad ni Kyan na nakaagaw nang pansin namin. "Hindi naman sya malala... Parang pangkarera lang..." saad ko at pinuntahan yung kotse kong yun. "Mukhang hindi ka na namin mapipigilan..." saad ni Kiya Zyre sakin at tinapik pa ang braso ko. Nang tumapat na ako sa kotse kong yun ay tinanggal ko yung telang nakapatong. "Wala paring pinagbago..." saad ni Vinnie na tinapik pa yung kotse kong yun. "Anong pangalan nyan??" saad ni Cleo na nakaagaw nang pansin ko. "W-wag mona tanungin, Cleo... Pumunta nalang tayo dun hehe" saad ni Sadie na tumingin pa sakin na umiiling iling. "Ah eto... Sya ay isang Pagani Huayra Roadster BC na pinatatakan ko nang bungong may apoy..." saad ko dito. "Parang nakita ko na ang kotseng ito sa karera... Anong pangalan nito??" saad ni Walt. "No no no... Ayos na tayo diba?? Gamitin nalang ang gagamitin..." saad ni Vinnie. 'Oa naman netong mga toh...' Tiningnan ko si Walt at nginisian ito. "Demon... Sya ang kotse ko na si Demon..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD