Chapter 6

3862 Words
ZYPHIRE "Looks like magkakilala na kayo nang kapatid ko" saad ni Ate Kyllie at tumango naman ako habang paupo kami sa Dining. Mahaba haba kase yung table namin kaya kasya naman kami. "Bakit nga pala kayo nandito??" tanong ni Kuya Rain samin habang inaayos ang mesa. Gento kasi ang pwesto namin.                        Ako              Rain  |  |  Walt      Thunder  |  |  Kyllie          Vinnie  |  |  Kyan            Sadie  |  |  Cleo "Tch... Magpapagawa ako sa designer natin nang isusuot namin... Bakit hindi pa kayo sumabay??" saad ko dito at tumango naman ito. Nagsimula na kaming kumain lahat habang nagkwekwentuhan. "Kaya nga, Zyre Rain... Kasama naman kayo sa Acquaintance ball sabi ni Dean at pinahintulutan nang Chairman nyo yun, Ate Kyllie..." saad naman ni Vinnie at tumango naman si Kuya Zyre. "Eh??... Kung gusto mo, Love sabay na tayo sa kanila..." saad ni Ate Kyllie na nakatingin kay Kuya Zyrille na sarap na sarap sa kinakain. "Sige lang... Huwag kayong kumain nang marami baka maging maluwag ang gawin nang Designer..." saad naman ni Kuya Zyrille na kinatawa namin. Ang kinain ko lang ay yung dessert na gawa ni Ate Kyllie ayoko nang nakain nang marami sa gabi. "Pagsabihan mo nga yang kapatid mo... Tingnan mo kung ilan ang kinakain..." saad ni Ate Kyllie sakin. Napasimangot naman ako sa sinabi nya, ayokong nakain nang madami sa gabi eh. "Tama ka dyam, Noona... Kahit lunch ice cream lang ang kinain..." singet naman ni Kyan na nakatingin kay Kuya Zyrille. "Kanina mo pa ko pinapakialaman ah... Sumosobra kana..." saad ko kay Kyan at tapos na akong kumain. "Baka naman kase nag-aalala si Shu sayo..." saad naman ni Cleo na kinatingin ko dito. "Baka gusto ka na nya..." singit naman ni Walt na kinatingin nang lahat kay Kyan. "T-tuleg... A-ako magkakagusto dyan...Hindi noh..." saad naman ni Kyan na nauutal utal pa. Natawa naman kaming lahat sa inasal nya. "Maganda naman ang kapatid ko, Shu..."saad naman ni Kuya Zyrille dito. "Hindi sya yung tipo ko,bro..." saad naman ni Kyan na kinatawa namin. Nagsitayuan na lamang kami dahil tapos na nga kami kumain. Dumeretso kami sa kung saan tumatanggap kami nang visitors at nakita namin dun ang designer namin na si Fe. "Fire... Good evening... Mukhang may mga kasama ka yata..." sabi naman ni Fe. "Good evening den... Mga kaibigan ko sila mag papaano sana kami..." saad ko dito at tiningnan isa isa sila Cleo pati si Ate Kyllie. "Sige na, Fe... Bukas ipadala mo din dito para maisaayos namin..." saad naman ni Kuya Zyre at napatingin naman samin si Fe. "Okay... Eto yung design nang tuxedo ko... Yung iba dyan ay binili nang Louis Vuitton at yung iba ay sa ibang bansa na naipakilala... Then sa girls yung dresses dyan ay pang ball... Maganda ang tela nyan galing din sa ibang bansa... You are free to choose... "saad naman ni Fe at binigyan kami isa isa nang copy. Medyo madami ang mga nandito kaya hirap din akong makapili. "Mukhang mamahalin lahat... Baka mamaya sumosobra na kami, Zyphire..." saad naman ni Sadie habang natingin. "Walang sobra dyan noh... Gift of mine yan..." saad ko sa kanila at yun tuwang tuwa na pumili sila. "To inform you guys... Walang bayad yan... Free lahat yan basta si Fire... Malaki laki ang utang na loob ko dyan noh..." saad naman ni Fe at nginitian ko lamang ito. Habang natingin ako ay tumabi sakin si Walt kaya napatingin ako dito. "May napili kana ba??" tanong nito sakin. Dalawang dress kasi ang susuoting ko at sya naman ay dalawang tuxedo din kese yung isa para sa sayaw at yung isa naman pagtapos nang sayaw ay magpapalit na kami para mag enjoy sa ball oh diba haggard ako. Tinuro ko yung Red Satin Thigh-high Slit Long Dress na may A-line Lace Beaded Spaghetti Straps at yung Red Lace Appliques Off Shoulder Elegant Tule Ball Gown. "Yang dalawang yan yung akin... Syempre yung Satin yung pangsayaw natin...Sayo?? " saad ko sa kanya at tumango naman ito. "Sakin... Etong longsleeves na polo tapos open ung 3 buttons sa sayaw tapos eto namang Red yung pangano na natin..." saad naman ni Walt sakin. "May napili nako, Fe...Etong Pink na V neck na hanggang sa puson na ball gown..." saad naman ni Vinnie at isinulat naman ito ni Fe. "Yung akin naman ay yung A-line Blue Ombre Lace Up Sweetheart Strapless Ball Gown hihi Thank you ulit..." saad naman ni Sadie, napatingin naman kami sa Boys na halatang hindi naintindihan yung sinabi nunh dalawa na kinatawa namin. "Yung sayo naman, girlfriend ni Zyrille??Bet ko yung ganda ha..." saad pa ni Fe at bakla yan ha hindi babae. "Kyllie nalang... Yung akin ay yung Classy na Ball gown dress yung Sky blue na A-line din at backless sya... Thank you..." saad naman ni Ate Kyllie. "At sa boys naman..." saad ni Fe at ainabi nadin nila yung sa kanila. Magaganda ang pinili nang boys na tuxedo kaya naeexcite naman tong mga kasama kong babae. Nagpaalam nadin si Fe na uuwi para asikasuhin yung mga susuotin namin kaya naiwan kami ditong nagkwekwentuhan. "What if... Mag sleepover nalang kayo dito... Wala namang pasok sa Thursday edi bukas nang gabi magdala nalang kayo nang damit at dito nalang kayo..." saad ni Kuya Zyre. "Tama si Zyre... Ganun naang ang gawin natin... Para altleast pagmag-aayos tayo ay magtutulungan nalang tsaka mas magrerelax kayo nang magkakasama..." saad naman ni Kuya Zyrille at nag agree naman ang lahat. "At saan naman kami tutulog??" saad naman ni Sadie. "Sa kwarto ko... Medyo malaki naman yun kaya kasya tayong apat na babae... Kasama ka dun ate Kyllie ah...Icheck nadin natin para sure... " saad ko at sumang-ayon naman silang lahat. "Why dont we use the elevator??Mas mabilis yun gumagabi nadin naman kase..." suwestyon ni Walt at tumango lamang sila Kuya kaya sa elevator kami sumakay. Pagpasok namin ay kasya naman kami kese kasya naman sa elevator namin ang 11 na tao. "Walang floors... Pano tayo makakapunta??" tanong ni Cleo. "Ah digita yan... We use fingerprints at yun sa kwarto nung may fingerprints tayo mapupunta..." expain ni Kuya Zyre at inilagay ko na ang finger prints ko. Nagsimula nang tumaas ang elevator at purp kwentuhan nga ang naganap samin. *TIINNGGG* Bumukas ang elevator at sumalubong samin ang medyo kalakihang pinto nang kwarto ko."Andito naba tayo sa maalamat mong kwarto, Besprend..." saad ni Sadie sakin at nginitian ko ito. "Bakit maalamat tawag mo dito, Ally??" tanong ni Cleo. "Baka naman madaming misteryo yung kwarto ni Nerdy..." saad naman ni Kyan na kinatawa namin. 'Napapala pagmasyadong mahilig mag imagine tsk...' "Hindi tuleg... Hindi pa kase kami pinapapasok ni Zyphire sa kwarto nya dito... Puro tanong lang kami about sa kwarto nya tapos sya naman sagot ang nang sagot tch..." saad naman ni Vinnie. "Let's take a look... Mukhang malaki laki sa pinto palang eh..." saad naman ni Walt. "Tama ka dyan, Walt... Pinakamalaking kwarto sa mansiong ito ang kwarto nyan..." saad ni Kuya Zyrille. "Ayts baka nga makaat pa dito tulad nang iniwan kotoh eh... Tara na pasok na tayo... So, welcome to my room..."saad ko at binuksan ang pinto. "W-wow...nung una hindi ako naniniwala sa sinabi mo pero ngayon... Paniwalang paniwala na 'ko..." saad ni Sadie na tumalo pa sa kama ko. Kahit ako nagulat na maayos yung buong kwarto ko. "So un... I have four beds... Wait iaangat ko yung tatlo..."saad ko at pinindot tung button at dahan-dahang umangat ang tatlong kama sa gilid. ' Nakakahanga malinis din ito..' "Wow... Ang astig..." saad ni Cleo at umupo sa isa sa mga kama. "Ngayon lang ako nakakita netoh... Ang daming libro sa paligid..." saad naman ni Kyan. "Iyon naman yung study table ko... Kasya dyan ang 6 na tao... I used to study dun sa may balcony pag trip ko... At yang pinasok mo naman Walt ay bathroom ko..." saad ko sa kanila. Sumilip naman ako sa bathroom, malinis din. "Na-a-amaze ako sa kwarto mo, Zyphire... Mukhang mag-eenjoy talaga kami sa sleepover hihi..." saad ni Ate Kyllie na kinangiti ko dito. "Ah eto pa pala..." saad ko at pinindot y it ng button. Sa tapat nang kama ko ay may bumuks dun na butas at dahan-dahang umangat ang Television ko. 'Bakit lumaki ang t.v ko?? Maliit lang toh ah...' May pinindot pa akong button at nagkastaircase sa gilid. Dahan-dahang humahaba pumantay sa staircase iyon kaya nagkasecond floor. Bumukas din ang bubong at nagpakita naman ang sky sa labas pero may glass yun kaya hindi ako lalamukin. "Ayan ang pinakapaborito ko sa kwartong ito... Stars makes me feel happy even if the darkness came by... They didn't even make me feel anxious...I can call the Stars my happy-go-lucky..."saad ko habang nakatingin dun sa stars. "Ang lalim naman... Kailangan ba naming languyin yan??" biro ni Sadie na parang magdadive pa na kinatawa namin. 'Kung alam nyo lang... " "Baliw ka talaga, Allyssa ko..." saad naman ni Cleo. "So... Nasan ang lalagyanan mo nang damit??" saad ni Kyan na nagtataka. "Eto ba yun?? Eh dalawa lang yung sapatos mo dito teh..." saad ni Vinnie na nakasilip dun sa maliit kong kabinet. "Hindi yan yon... Yung mga lagi ko lang ginagamit yung nandyan nakakatamad naman kase... Eto ung walking closet ko..." saad ko sa kanila at pinindot ko lahat nang button na pinindot ko kaya bumalik na sa dati yung kwarto ko. Lumapit naman ako sa frame dun sa kanan na gilid at ibinaba ito. Bumungad naman sakin ang malaking button at pinindot ko ito. *BOOGGSSHHHH* Humiwalay ang dingding na nasa likod nang kama ko at bumungad ang walking closet ko. "Ayan ang closet ko..." saad ko sa kanila at pumasok na kami. "Itong nasa harapan nyong bilong na may tube sa magkabilang dulo na daan papasok ay pinagawa nang Mom ko... Puro cosmetics at pampaganda... May limang heels din dyan sa loob pero di ko pa nagagamit... May dalawang lamesa na may mirror with a bulb dyan... By two kada isang table yan... "explain ko sa kanila at pumasok kami dun. "Ang bango bango dito sa loob nang bilog natoh...Grabe parang bahay natong closet mo... " saad ni Ate Kyllie. Umupo naman sina Vinnie at Sadie dun sa table. Lumabas naman ako kasama yung mga lalaki. "Bukas talaga yang mga yan... Dito sa kanang kwarto ay makikita nyo puro pambaba ko dyan... Sa kaliwang kwarto naman ay mga pantaas ko dyan... At dito sa gitnang kwarto ay puro panglalaki na damit ko na yan galing kay Care bear..." saad ko sa kanila at pumasok naman kami sa gitna. "Care bear?? Sino yun??" saad ni Kyan sakin habang umiikit yung mata sa buong room sa gitna. "Ang great grand father namin... He died 4 months ago..." saad ni Kuya Zyrille na nagpatigil kila Cleo sa pagtingin at tumingin sakin. Nagpakita lang ang ako nang pekeng ngiti. 'Tinatamaan nanaman ako nang lungkot tch...' "Oh... Sorry to hear that..." saad naman sabay sabay nila Cleo at tinanguan ko lamang ito. "Dun tayo sa taas..." saad ko sa kanila at pumunta kami sa taas. Malaki laki ang taas nayun at tulad nang nasa baba ay may 3 rooms din ito. "At dito naman ang mga shoes ko... Lahat nang nandyan ay puro shoes at slippers... Dyan naman sa gitna may kabinet na may upuan sa side nito... Yung kabinet ay lalagyanan nang medya ko yan..." saad ko sa kanila. Naiwan naman sila Kuya sa baba kasama yung mga babae kaya kaming apat lang ang nasa taas. "Air Jordan XVII?? Wooww... Meron kadin netoh..." saad ni Cleo na gulat na gulat. "Sige na... Pumili na kayo... Then sabihin nyo sakin..." saad ko sa kanila. "Thank you talaga, Zyphire... Sige pili nako... " masayang saad ni Cleo. "Thank you, Zyphire..." saad naman ni Walt. "It's my pleasure..." sagot ko dito at pumili na yung dalawa. "Salamat..." saad ni Kyan kaya napatingin ako dito na kaharap kona. "Wala yun... Kayo lang din kase yung mga kaibigan kong lalaki..." saad ko dito. "Baka mabawasan naman yung mga collection mo nyan... Sayang mukha nang museum toh oh..." saad ni Kyan na kinatawa namin. "Baliw... May tatlong pares naman ako nang lahat nang yan kaya hindi rin sayang..." "Wow... Nakakatuwang may babaeng katulad mo.." "Hindi rin... Lahat nang nakikita mo ay bigay ni Care Bear... Mahilig din yun sa sapatos kung naabutan molang sya..." "Sana nga naabutan ko sya... Mukhang magkakaclose kami..." "Sure ball yun... Baka yun pa nga ang magbigay sayo nang sapatos..." biro ko dito at nagtawanan naman kami. Pumasok kami dun sa gitnang room. "Mukhang espesyal tong mga toh... Nakaglass pa eh..." saad ni Kyan na nakatingin dun sa mga yun. "Hmmm... Yang mga nakaglass ay yung mga importanteng na ibinigay sakin..." saad ko. Lumapit ito sa sapatos na kulay gold, nakaglass din ito. "Alam mo ba kung ano toh??" saad ni Kyan na nakaturo ung kamay dun. 'Oo alam ko pero diko sasabihin char laanggv' "Isa yan sa mga binigay ni Care Bear sakin... Hindi ko nadin natanong eh..." saad ko sa kanya. "Ang alam ko ay Solid Gold OVO Air Jordan ito... Nagkakahalaga ito nang $2 million... Itong pair nang sneakers na ito ay coated nang 24k gold...Nakakahanga..." saad nito sakin at tumango tango ako. Lumapit naman ito dun sa isa pa na medyo malapit dun sa una nyang itinuro. "This is cool... Anong tawag dito??Ngayon lang ako nakakita netoh eh... " saad ni Kyan na kinatawa ko. "Hindi mo alam yan?? Kala ko mahilig ka talaga sa shoes..." pang-aasar ko sa kanya. "Hindi rin... Natutuwa lang ako... Pero ano tawag dito??" saad nya sakin. "Ayan ang Nike Air Mag Back To The Future... They're pretty rare and last sold at auction for $14,500... Mas mahal panga dun ang pagkakabili ni Care Bear... Si Care Bear kase ang unang bumili daw nyan... Kaya ayun...Gusto mo??" tanong ko sa kanya na mukhang kinagulat nya. "H-ha?? Eh iisa lang yan naku wag na... Espesyal sayo eh... "saad ni Kyan. "Wala naman akong sinabi na ibibigay ko... Nagustuhan moba kamo?? Tch"saad ko dito at tumango tango naman ito na parang napahiya. "Oo syempre... Parang maganda pang basketball eh..." saad nito. "Nakapili na kami, Zyphire... Eto oh..." saad naman ni Cleo. "Hmmm... Ang tagal nga makapili netong si Cleo eh..." saad ni Walt. "Ahhh sige... Mukhang magaganda nga..." saad ko at binuksan ko ung pinto dun sa gilid kung saan naka stack ung mga shoes. Pumasok na kami dun at mga boxes of shoes,boxes of slippers, bags, at pabango nang lalaki ang nandun. Kinuha ko yung notebook ko sa gilid kung saan nakasulat dun ang number nang shoes or kahit ano sa loob nito. "Anong pangalan nung shoes mo, Cleo??" tanong ko dito. "Air Jordan 2 OG, Zyphire..." saad nito. '227..' "Ang galing mo din palang pumili hihi... Yung sayo, Walt??" saad ko habang nakatingin padin sa notebook ko. "12.."bulong pa nito mismo sa tenga ko kaya nagulat ako. "Sige lang, Walt... Manggulat kapa tsk..." saad ko dito na kinatawa naming apat. Kinuha ko na lamang ang boxes nang sapatos nila pati si Kyan yung gusto daw nyang Nike Air Mag Back To The Future. Kumuha narin ako nang mga paperbags ko. Pagkakuha ko ay tiningnan ko yung tatlo. Nagtitingin padin sila. Si Cleo nasa slippers section, si Kyan naman ay nasa Bag section at si Walt naman ay nasa perfume section. Una kong nilapitan si Cleo na hawak hawak yung slippers na red and black. Hinablot ko yung pair of slippers na hawak nito at inilagay ko sa paperbag. "Eto oh... Regalo ko na yan sayo..." saad ko dito at iniabot ung sapatos at slippers. "Zyphire naman... Hindi ko birthday noh... Tsaka mukhang memorable sayo tong slippers..." paghindi nito na parang nahihiya pa. "Baliw... Gift ko yan sayo for making Sadie, my beloved friend happy... Lagi nyang kinakwento sakin ang dates nyo... Nakakatuwa lang kasi grabe sya kiligin haha" saad ko kay Cleo at tumawa naman ito. "Tama ka dyan... Nung dates namin magsusungit sya kada kikiligin dapat ang gagawin nya... Kakaiba si Allyssa kaya hindi ko sya iiwan..." saad naman ni Cleo. "Thank you... For making her special...One day mawawala ako at gusto kong nandun ka para sa kanya... " saad ko dito at nginitian ito kahit nagtataka sya. "Ha?? Saan ka naman pupunta?? Babalik ka naman siguro..." saad ni Cleo na mukhang nakakasiguro. "I will be gone forever... Kaya take care of her..." saad ko dito at tinapik na yung likod nya. Dumeretso naman ako kay Kyan para ibigay ung gusto nya may tatlo naman kase ako nun at ngayon ay dalawa nalang nasa kanya na eh. "Gusto mo nito??" panggugulat ko dito nang hablutin ko ung hawak hawak nya yung backpack na pang adventure na black and white. "Sana... Bakit ibibigay mo??" pagbibiro nito. 'Oo eh bibigay ko hihi' Inilagay ko ito sa paper bag at iniabot sa kanya kasama yung sapatos. "Syempre... Minsan lang toh noh... Napasaya mo kase ako masyado..." nginitian ko naman ito. Ginulo nya ang buhok ko at nginitian ako nito. "Thank you... Ikaw pa talaga ang pumili nang sapatos ko ah... Tingnan natin kung alam mo ang taste ko hihi" saad nya sakin at nginitian ko ito. Binuksan nya ang boxs nung shoes at kitang kita mo talaga yung pagkagulat nya. "Oh anong nangyari dyan, Zyphire??" saad ni Cleo kasama nito si Walt. Inilabas naman ni Kyan yung sapatos at tiningnan nya ito. "Wooww... Saan mo nakita yan, erp?? Hindi namin napansin yan ah..." saad ni Cleo. "Agik... Sinurpresa ni Zyphire... Yan yung tinuturo nya kanina..." saad naman ni Walt at binatukan pa si Cleo. "Seryoso kaba dito?? I mean baka nag-iisa lang toh..." saad nya sakin. "Nah... I have 3 pairs of that... At dalawa na dahil binigay ko sayo yan..." saad ko sa kanya. *HUUKKK* Bigla akong niyakap nito nang mahigpit na kinagulat ko. Ang higpit yumakap nang lalaking toh tch. Bumitaw naman agad ito at parang nawkwardan. "Thank you..." saad nito at tinanguan ko lang ito nang nakangiti. Tiningnan ko naman si Walt at iniabot yung dalawang "Ayan yung sayo, Mr. Grisson... Hawak mo kanina yung scent na pinabili ko sa Paris... Panglalaking panglalaki ang amoy nyan..." saad ko. "Thank you... Very much..." saad ni Walt at niyakap din ako nito. Pagkabitaw nito ay naglakad na kami pababa kila Sadie. "Yoowww... Eto oh ako na ang pumili nang shoes nyo at pabonus naman yung nandya..." saad ko sa kanilang dalawa. Sabay nilang tiningnan dalawa at tuwang tuwa nanaman sila. "Waaahhhh... Sure ball ka dito teh?? Pere perehas tayooooooo... Ang astig... Tsaka nga pala hihintayin daw tayo nang dalawa mong Kuya sa baba... " saad naman ni Sadie na parang tinitingnan pa mabuti yung sapatos. "Wiihhhh... Bakit pinapasaya mo ko nang sobra, Zyphire?! Napapabilis moko sa pag move on eh hmp..." saad ni Vinnie na kinatawa namin. "At may make up kit ka dyan, Sadie... Pinabili ko yan kay Mom nung kay Care Bear naalala kasi kita... At ikaw naman Vinnie ay yung Villarosaw na heels... Light pink sya... Sana magustuhan nyo hihi" saad ko sa kanila at bigla naman ni akong niyakap. Sobrang higpit na yakap to inform you. "Araw nga talaga nang yakap ngayong araw hindi nyo manlang ako ininform tch..." saad ko sa kanila na kinatawa nila. Lumabas na kami dun sa closet ko at nagkwentuham saglit sa room ko. Habang nagkwekwentuhan ang lahat ay hinila ko si Ate Kyllie sa hindi nila maririnig. Nilapitan ko naman si Ate Kyllie at iniabot sa kanya ang dalawang paperbag. "At para saan naman to aber??" saad nya sakin. "Thank you gift??thank you gift for loving my brother... For making my brother happy na hindi ko kayang gawin sa kanya..." saad ko dito. "Tch baliw... Ikaw pa nga ang mas nakakapagpasaya sa kuya mo... Kapatid ka nya kaya sure ball mas napapasaya mo sya..." saad nya sakin. "Pero... Masasaktan ko naman sya pagdating nang panahon... Kaya I want you to make him happy and be there for him when that day happens..." saad ko dito habang pinipilit kong ngumiti para hindi tumulo ang luha. "H-hindi ko maintindihan, Zyphire... Aalis ka kung ganun?? Babalik ka naman siguro..." saad nito sakin. "Nah... I will be gone forever... Kaya I want you to be there for him...Alam mo naman siguro kung anong meron sakin..." saad ko dito at kita ko sa mata nya ang awa pero pinipilit kong ngumiti. "D-don't say that... You are strong enough..." "But the darkness is stronger than me, Kyllie... Sorry..." saad ko dito at napatungo na lamang. Niyakap ako nito nang sapat lang. "No no... Don't be sorry...It is not your fault... Thank you pala dito..." saad nito sakin at bumitaw na sa yakap namin. Nang makaget-over kami ay bumalik na kami dun kila Cleo at inaya itong bumaba na. Pagbaba namin ay sumalubong samin sina Kuya. "Abay mukha kayong nagshopping... Pati ang girlfriend nang kuya ay binigyan... Lupet" saad ni Kuya Zyre na nagpatawa samin. "Sapatos nga lang dapat, Zyre eh... Etong si Zyphire naman hinablot yung hawak ko... Ayan shopperist nakami..." saad ni Cleo at tumawa nanaman sila. "Ugok tong mga toh... Bukas nang gabi ah?? Aasahan namin yan..." saad ni Kuya Zyrille at tumango naman sila. Lumabas na kami at pumunta sa parking lot. "Natawagan  nyo na ba si Nay Kat or si Tay Wayne na dito tayo tutulog... Alam nyo kung pano mag alala un..." saad ko kila Sadie. "Natawagan na namin... Sige daw basta babalik daw tayo pagkatapos nang ball..." saad naman ni Vinnie. "Pano ba yan... Gumagabi na... Una na kami... Salamat nga pala sa mga binigay mo..." saad ni Ate Kyllie at tinanguan ko ito. "Thank you nga pala ulet, Zyphire..." saad ni Cleo at nginitian ko ito. "Nerdy... Salamat salamat salamat..." saad naman ni Kyan na kinatawa namin. "Thank you, Zyphire... Goodnight take care... Una na kami..." saad ni Walt at nginitian ko din toh. "Una na kami... Allyssa ko I love you..." sigaw ni Cleo at naginarte naman si Sadie na kinatawa namin. Nauna na sila at alam naman kase ni Ate Kyllie, kilala nadin naman sya kaya yun. Bumalik na kami sa loob at sumalubong nanaman sina Kuya. "Goodnight na sa inyong tatlo..." saad ni Kuya Zyre na mukhang pagod na talaga kase sumakay na sya deretso sa elevator. "Sige na umakyat na kayo... Goodnight,mga prinsesa..." saad ni Kuya Zyrille at tumango na lamang kami at sumakay sa elevator. Pagdating sa kwarto ay dumeretso agad kami at tumalon yung dalawa sa kama na kanina yung extra na kama ko. Kumuha ako nang short at sa do para dun sa dalawa at inihagis ito sa kanila. "Magsipalit kayo... Mga bago yan tsaka hindi ako nagsusuot nang ganyan... Sige na..." saad ko sa kanila at tatama tamad ang mga ito at dumeretso sa bathroom ko. Kumuha na lamang ako nang cycling at hoodie na above the knee ko. Nagpalit na lamang ako dun at inilagay ang mga damit ko dun sa may butas na deretso sa baba na deretso sa washing machine namin kaya siguradong labado agad ito. Paglabas nina Sadie ay dumeretso agad ito sa sari sarili nilang kama at humiga na. Kahit ako ay humiga nadin. "Goodnight sa inyo..." bulong ni Vinnie. "Goodnight sa inyo..." saad din ni Sadie. "Goodnight..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD