ZYPHIRE
"Oh tapos na ang eksena!? Magsi kain na kayo jusme!? Mga chismokers!"saad ni Sadie at nagtawanan sila.
'Nakakainis!! Nakakawala sya sa mood...'
"Mr.Riordan... Dinala ko nalang po dito yung order nyo..." saad nung babae at inilagay sa mesa namin ang foods.
"Thank you... Muntik nang makalimutan..." saad ko at nginitian yung babae bago ito umalis.
"Nakakainis yung babaeng yun... Sorry for the words,Walt sa pinsan mo... Pero sumosobra kese sya eh..."saad naman ni Sadie kay Walt.
"Tama ka dyan, Pinsan... Ang sakit nang anit ko teh... Jusmee akin na ang oil ko..." saad ni Vinnie kay Sadie.
"Ano ba kaseng nangyari?? Bakit bigla biglang susugod yun sa inyo??" saad ko at natahimik sila.
"Naniniwala ka ba sa sinabi nun??" saad ni Sadie.
"Tulad nang sinabi ko... Hindi ako naniniwala sa kung kani kanino lang... Kilala moko I used to investigate... I am jusk asking para maklaro ko..." saad ko sa kanya at tumango tango naman ito.
"Basta hindi namin ginulpi yun nang dahil LANG sayo tsk... Baliw lang gagawa nun..." saad naman ni Kyan at tinaasan ko lang ito nang kilay.
"Sige na kumain na kayo... Naiinis lang ako dahil nadumihan tong sapatos ko dahil lang sa pinsan netong si Walt ayts..." saad ko at tumawa bigla sila kahit si Walt.
'Anong nakakatawa dun? Tsk'
Kumain na kami pagkatapos nilang magkwentuhan. "Bakit ice cream lang at ice tea ang inorder mo, Zyphire?? Mukhang hindi ka mabubusog nyan..." saad naman ni Cleo at nginitian ko lang ito.
"Ano kaba, Cleo ko... Ganyan yan si Zyphire... Ang lunch nya ay pinalalagpas nya pero ang breakfast nya... Hinding hindi pwede..." saad naman ni Sadie at nagtawanan sila.
Kinuha ko na lamang yung panglinis nang shoes ko sa bag ko at nilinis na lamang yung sapatos ko. "Patingin naman nang sapatos mo, Zyphire... Sa pananamit mo kase mukhang cool ang sapatos mo eh..." saad naman ni Walt na kaharap ko. Ang katabi ko kase ay si Vinnie at Sadie at ang katapat namin yung tatlo.
"Oo nga... Grabe yung style mo... Nakacargo pants na black tapos oversize t-shirt na white na may disenyong nakakahanga... Patingin naman kami..."saad ni Cleo sakin.
"Wag nyo pilitin... Malay nyo mabaho ang paa... Nakakahiya naman diba..." saad ni Kyan na kinakunot nang noo ko.
"Mahilig ba talagang mag imagine yan?? Tsk..." saad ko sa kanya at tumawa naman sila Walt.
"Mukhang tama ka dyan... Mahilig mag imagine tong kaibigan namin haha..." saad ni Walt na kinatawa naming lahat. Napatigil lang ako nang kunin ito ni Sadie at ipinatong sa lamesa namin.
Napatingin naman ako kay Sadie na nakapeace sign na tsk. "Ayan ang sapatos nang isang Zyphire Typoon... Sa sobrang hilig nya sa sapatos ay ayaw na nyang nadudumihan toh tsk..." saad naman ni Sadie.
"Sinabihan ko nga sya na magtry nang heels pero pinanganak na boyish talaga... Ke taas taas daw tapos masakit sa paa ganun..." saad naman ni Vinnie.
"Tsk totoo naman ah... Mas prefer ko ang relaxing kesa sa mga heels heels na yan.." saad ko at napatingin naman ako kila Walt na parang gulat na gulat.
"Perehas pala kayo netong si Shu... Mahilig din sya sa sapatos... G-grabe ang ganda..." komento ni Cleo at hangang hanga sa sapatos ko. Kung hawak hawak ba naman parang ngayon lang nakakita.
Mahilig din pala tong Kyan na toh sa sapatos."Weh??Mahilig din si Kyan sa shoes??" saad ni Vinnie.
"Sige ulitin mo pa, teh... Kakasabi lang eh... Mahilig daw nga..." pang aasar ni Sadie kay Vinnie, sumimangot tuloy si Vinnie.
"Mabango pa ang sapatos... Bago siguro..." saad naman ni Cleo.
'Matagal na yan, boy...' gusto kong sabihin sa kanya yan.
"Sa tingin ko matagal tagal nadin yan...Kese tulad nang sabi nila ay mahilig si Zyphire edi laging mukhang bago.." saad naman ni Walt at tumango naman ako.
"Air Jordan 12 OVO...Drake's Editin tama??" saad ni Kyan na nakakuha nang pansin naming lahat.
"Mahilig ka pala talaga sa sapatos..." saad ko at tumango tango ito at hinihimas pa ang sapatos ko na nagpatawa saming lahat.
"Oh bakit?? Alam nyo bang $100,000 dollars tong isang toh... Pangarap ko tong mahawakan man lang eh..." saad naman ni Kyan na nagpatigil sa kanilang lahat at napatingin sakin.
"B-bakit?? Totoo naman...Sa mismong store ko pa yan pinabili noh..." saad ko dito sa mga ito na kahit sina Sadie ay gulat.
Inagaw ko na lamang yung sapatos ko kay Kyan at isinuot na lamang tch."W-wow... Sa tinagal tagal nating magkakilala, Zy...Hindi mo manlang ako ininform na ganun kamahal yung mga sapatos mo..." saad ni Sadie at tumayo na kaming lahat.
"Oo nga... Hineram heram pa namin netong pinsan kong toh tong suot suot namin..." saad naman ni Vinnie at nagsimula na kaming maglakad anim.
"Wala namang problema diba?? Tsaka di ko ikamamatay yan..." saad ko sa kanila.
"Grabe ka, Zyphire... Balenciaga pinapahiram mo lang..." saad naman ni Kyan at tiningnan ko lang ito nang pagtataka.
"Oo nga... Minsan talaga kay Zyphire nako hihiram... Ang astig..." saad naman ni Cleo na kinatawa namin.
"Pwede ba?? Kami ni Cleo??" saad ni Walt sakin kaya napahinto din kami kahit nasa tapat na kami nang Auditorium.
"Bakit hindi?? Wala namang problema sakin..." saad ko sa kanila.
"Eh?? Baka mamaya puro pambabae ang meron ka tch..." saad naman ni Kyan.
"Walang pambabaeng sapatos si Zyphire to inform you... Puro blue, red, green,black, white, at gold..." saad naman ni Vinnie dito.
"What if humiram kayong dalawa kay Zyphire para dun sa sportsfest yung laban?? Gamitin nyo...Mamaya punta kayo hihi" saad naman ni Sadie.
"Good idea, Sadie... Para masanay na din kayo ganun... Punta nalang kayo mamaya..." saad ko sa kanila at kitang kita mo ang tuwa sa dalawa.
"Waahhh thank you Zyphire... Akalain mo yun tayo na hihiram tayo pa pipili..." saad naman ni Cleo na biglang yumakap sakin sa saya kasama si Walt.
'Bakit kailangang yumakap pa??'
"A-ang h-higpit.." saad ko at bumitaw naman na sila.
"Pwedeng kami rin, Zyphire??" saad agad naman nang dalawa sakin at tumango naman ako.
"Ikaw baka gusto mo rin?? Pwede naman... Madami dami naman akong sapatos dun..." saad ko kay Kyan at nakabusangot lang ito.
"Ayos lang naman sakin... Sige na nga pinipilit moko eh... Tara na baka hanapin tayo ni Dean..." saad nito at naunang pumasok sa Auditorium.
Nagkatinginan kaming lahat na parang nagtatanungan at bigla nalang kaming natawa sa iisa lang ang iniisip namin. "HAHAHAHAHAHAHAH".
'Naniniwala na talaga akong mahilig sya mag imagine hayysss...'
"Owmayghad... Sya yung gangster na si Nerdy diba??"
"Totoo nga daw na may boyfriend sya sa Medicine department... Yung gwapo..."
"Tsk... Basagulera ang balita ko dyan kay Nerdy eh..."
Yan yung mga pinagsasasabi nila nung makita nila ako. Ewan koba kung san nila nakuha yang mga yan tsk mga chiamokers talaga.Nakiipit kami hanggang sa mapunta kami sa harap. "Allyssa... Kailangan ka na namin... Kasami si Dean..." saad naman nung lalaki at nagpaalam samin si Sadie. Si Sadie kasi yung president nang student council dito sa FIS kese bagay naman sa kadaldalan nya.
"Buti nandito na kayo, Zyphire at Walt... Yung sa suot nyo daw sa performance..." pabitin ni Mr Buenaventura samin.
"Anon meron sa suot namin, Liam??" saad naman ni Walt.
"Ang sayo daw Zyphire ay yung... Red Satin long dress basta ganun ikaw na ang bahala kung ano basta Red Satin at yung sayo naman Walt ay red din na tuxedo... At kayo ang ginitnan nang Dean...May problema ba tayo sa paggitna nyo??" saad ni Mr.Buenaventura samin.
'Yes, Mr.Buenaventura... May problema tayo bakit dress ang suot namin sa hiphop tsk... Lintek na nayan long pa tch...'
"Wala, Mr.Buenaventura-Liam..." saad namin ni Walt at alam nyo naman ang akin dyan.
"Sige thank you..." saad nito at umalis na.
"So what's up mga FIS stuudeeenntsss!!" sigaw ni Sadie na nakaagaw nang pansin namin.
"WOAAAHHHHH" tugon nang sandamakmak na tao.
"Ang energetic talaga nyang babaeng yan di na nawalan nang energy..." side comment ni Vinnie na kinatawa namin.
"Yan ang nagustuhan ko sa kanya hihi" saad ni Cleo na kina ayiiieeee namin.
"Gusto mo pala ang mga Clown bakit sa pinakamadaldal pa, Cleo..." saad naman ni Kyan na kinatwa namin.
"Magsitahimik tayo mga chismokers!? May ibabalita satin ang ating Dean mukhang exciting kaya makinig muna kayo bago magreact diba?? Yaaannn... Dean.." saad ni Sadie at natahimik naman ang lahat.
"Thank you, Sadie... So students ayan... Sinisimulan na naming ibigay sa inyo ang invitation...This Friday ay magkaka...Acquaintance Ball tayo... Nandyan na ang lahat at dito mismo... Dito sa Auditorium natin gaganapin ito... At kung nabalitaan nyo ay next week pa ito... Pinabilis na nang Chairman ang event kaya ngayong Friday na ito gaganapin... Yun lamang salamat... "saad ni Dean at umuna na.
"Narinig nyo naman siguro yun diba?? So yun... Simulan nyo na ang beauty rest nyo dyan naku di nyo gugustuhing pangit kayo... Sabagay may maskara naman... And to inform you hindi yung maskara pagfiesta jusme...At to inform you ulit pinayagan nang Chairman na sumali ang College students oh diba pak anh saya kaya sige na magsibalikan ang mga may klase at yung varsities magbihis na daw pinapasabi ni Coach...Thank you" saad naman ni Sadie na kinatawa nang kinatawa nang lahat kahit paglabas namin.
"Masakit nanaman ang tyan nyo noh?? Aba'y kasalanan nyo yan wala akong sinabing tumawa kayo tch... At ikaw..." saad naman ni Sadie kay Cleo na nakahawak ang kamay nito sa braso namin ni Vinnie.
"Maghanap ka nang ibang clown mo... Naiinis ako sayo... Tara na..." saad ni Sadie at hinila naman kami papalakad. Naramdaamn ko namang nakasunod samin sina Walt.
"Allyssa ko... Hindi naman sa ganun... Ang ibig kong sabihin ay clown kita oo..." saad naman ni Cleo na kinatawa namin at talagang sinabi nya pa.
"Pinamukha mo pa talaga sakin tsk... Clown ba ang tawag mo sa gentong ganda??" saad naman ni Sadie na kinailing iling ko.
"Hindi... What I mean kase ay Clown kita dahil ikaw lang ang nagpapasaya sakin nang gento at wala nang iba..." saad naman ni Cleo na halatang kinilig naman si Sadie.
'Moodswing nang isang Allyssa Sadie Kane hayss'
"Ikaw talaga... Sige na bati na tayo... Tara na dun sa court... Jusko hinihintay ko lang namang sabihin mo yun eh..." saad naman ni Sadie na nakapulupot na ang kamay kay Cleo. Natuloy na kami sa paglalakad at dumeretso sa court.
"Coach... Nandito na kami... Anong sasabihin nyo??" saad naman ni Vinnie;Captain ball sa Volleyball.
"Dito na kayo umupo...Z-zyphire... " saad ni Sam at tumango na pamang ako. Umupo kami kung saan katabi namin si Sam.
"Sila din pala ay part nang team natin... Dalawang bakla yan hihi" saad naman ni Sam at napatingin ako dun sa dalawang kasama namin.
'Bakla?? Halo halo kami ganun??'
"Hi mga beshiwap... Captain... Kami yung dalawa pang membership nyo hihi..." saad naman nung bakla at yung isa naman ay namumukhaan ko.
'Sya yung sa ospital kung hindi ako nagkakamali'
"Ikaw yung humingi nang tulong samin tama?? Naaalala kase kita..." saad ko at tumango naman ako.
"Miguel nga pala... Migi in short...at sya naman si Jessie... Jess nalanga ng itawag nyo sa baklang yan... " saad naman nito samin at tumango naman kami.
"Ako naman si Raze,Zyphire..."sigaw nung galing sa likod namin kaya napatingin lang ako dito at nginitian ko ito.
'Weird...'
"Ako rin... Ako si Brylle... Captain ball nang basketball..." saad naman nang kasama nito at naglakad pa papunta sa dereksyon namin. Nginitian ko lang din ito na parang hindi naweweirduhan.
"Tama na yan... Nandyan si Coach oh..." saad naman ni Walt at natahimik naman kami.
"So yun... Nandito tayong lahat dahil sa... Icacancel muna ang training natin... Baka next week na ituloy alam nyo naman Tuesday ngayon at 2 days school days at 1 day pahinga before yung Acquaintance Ball nyo... Yun lang naman... Do you have any question??" saad ni Coach at nagtaas naman ako nang kamay.
"Yes,Zyphire??" saad nito.
"Ahmm halo halo po ba yung gender sa volley at basket??" saad ko.
"Oo, Zyphire... Halo na ang gender pero sa basket kase ay wala kaming nakitang marunong tsaka eksakto naman kami kaya ayus lang... Yun lang ba??" tanong ni Coach at tumango na lamang ako.
"So, un... Yun lang sige na magsiuwian na kayo mukhang bibili pa kayo nang mga susuotin nyo..." saad naman ni Coach at nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Ano??Deretso ba tayo sa sapatos??" saad ni Vinnie sakin at nginitian ko lamang ito.
'Excited much??'
"Saan ba tayo, Zyphire?? Dun sa bahay or sa isa pa... Diba kese sa isa pa nandun lahat nang shoes mo..." saad naman ni Sadie at napaisip din ako.
"Dun nalang tayo sa mansion... Mas madami yung sapatos dun na bago pa... Dun nalang tayo..." saad ko at nagpunta na kami sa parking lot.
"Wag na kaya... Nakakahiya naman sa parents mo, Zyphire..." saad naman ni Cleo sakin.
"Wala sila dun... Out of town lagi yung mga yun kaya siguradong yung mga ugok lang at guards ang nandun..." sagot ko naman sa kanila.
"Eh wala kang sasakyang dala, Nerdy baka nakakalimutan mo??" singit naman ni Kyan.
'Oo nga noh?? Ayts...'
"Edi ikaw nalang ang magdrive nang kotse ko... Wala namang problema sakin..." saad naman ni Walt na kinagulat ko.
"Hoy Walt Grisson... Bakit samin hindi pwede at kay Zyphire ay pwedeng pwede??" saad naman ni Cleo.
"Tch oo nga... Ferrari LaFerrari yan erp... Bago mong kotse tapos ipapagamit mo... Ano kaba naman..." saad ni Kyan.
Tiningnan ko si Walt nang nag-aalinlangan kese tama sila Cleo pero nginitian lang ako nito. "She is special kaya pinapaubaya ko sa kanya ang kotse ko... Here you can drive..." saad naman ni Walt at hinagis sakin yung susi.
"T-thank yoouuuuuu" napasigaw na lamang ako sa tuwa at napayakap dito.
'Yung matagal ko nang pinangarap na sakyan ay masasakyan ko nang dalawang beses at imamaneho kopa'
"Hmmm... Tama na yan... Sumakay nalang kayo at ikaw magdrive..." saad naman ni Vinnie na pinaghiwalay kami ni Walt sa yakap.
Sumakay na lamang ako at umupo sa driver's seat. Hindi parin ako makapaniwala. "Hoy, Cleo!? Gusto mo ba nang tuxedo nadin?? Ipapatawag ko yung designer ko para sayo... Kayo narin... Ano game??" saad ko at halat ang gulat sa mata nila kahit si Sadie.
"Aba't bakit hihindian ko ang isang Zyphire Typoon?? Arat naaa" sigaw ni Sadie na kinatawa namin.
"Ikaw, Stickman?? Kasama kadun ah.." sigaw ko sa kanya.
"O-oo na!! Sabi mo eh..." tugon naman nito sakin. Pinaandar ko na yung kotseng toh at tama nga maganda ang quality sobra.
"Kasama ka dun, Mr.Grisson...thank you ko nadin sa pagpapagamit mo sakin netoh..." saad ko dito at nginitian ko ito.
"It's my pleasure panga eh... Sorry nadin dun sa teammates namin ang kukulit..." saad ni Walt na sakin na kinatawa naming dalawa.
Nang makita ko na ang pasukan ay binukas ko na agad yung window. "Sadie!? Vinnie!? Siguraduhin mong hindi magsasalita yung dalawa!?ako na bahala!?" sigaw ko sa dalawa na nakamotor naman.
Tiningnan ko tong mga ito at tumango naman. Pagtapat sa poste nang mga security ay tinigil ko na din. "Good evening, Miss... May nischedule po ba kayong meeting na sinabi nyo sa pamilya ito??" saad nito sakin.
'Ayts lahat nalang hindi ako nakikilala'
"May bibisitahin sana kami eh..." saad ko dito at tinanggal yung makapal kong salamin.
"Pasensya na po pero wala kayong sched nang meeting at wala rin kayong pass sa kotse..." saad naman ulit nito at tumingin sakin ito na parang nakakita nang multo.
"F-fire... Ikaw pala yan..." saad nito sakin nang mamukhaan ako.
"Ahh oo, Ryle... Kasama ko kase yung friends ko..." saad ko dito.
"P-pasensya na ulit, Miss Fire... Ipapabukas ko napo yung gate... At may dumating nga po pala yung designer nyo tsaka yung girlfriend ni Sir. Thunder... " saad ni Ryle at tumalikod na sakin. May sinenyas sya dun sa mga kasama nya na biglang gumawa nang dalawang linya na may daanan nang sasakyan sa gitna.
"Andyan na ang bagyo!! Magsihanda kayo!!" rinig kong sigaw nang kung sino at sinenyasan ko na sila Sadie na kami ang uuna.
"Kakaiba... And weird... Sinong bagyo naman ang sinasabi nila..." saad ni Walt sakin.
"Zyphire Typoon... Bagyo ang tawag nila sakin pag ganyan ang gagawin tch..." saad ko na kinatawa nanaman namin.
Pinaandar ko na ito dere-deretso hanggang sa marating ko ang malaking pinto namin syempre pumreno ako. Malaki laki ang daan namin dito siguro kasya ang dalawang sasakyan na magkapantay.
Naptingin naman kami ni Walt sa kaliwa namin at nandun si Sadie nasa gitna namin ni Cleo. "Ang astig naman netoh, Zyphire kaya lang ang layo pala nang village nyo... Private pa... Tsaka mukhang wala kayong kapitbahay..." saad naman ni Cleo na kinatawa namin.
"Baliw ka talaga Cleo ko... Sila lang buong pamilya ang nandito sa private private village natoh... Sobrang pribado diba??" saad naman ni Sadie na kinatawa ko.
"Oh sige na tara na daw..." saad ni Walt at bumukas na yung malaking pinto namin. Sumilaw naman yung hardin medyo gumanda panga dahil sa mga ilaw na nakalagay rito.
Pinark ko na lamang ang sasakyan ni Walt sa parking namin. "Wait lang... Hintayin moko dyan..." saad naman ni Walt at bumaba.
'Nue ginagawa mue??'
"Labas na... Yung ulo mo" saad nito na inaalalayan pako tsk.
Pagbaba namin ay sumalubong samin sila Kyan. "Kakaibang bahay toh... Mansyon talaga... Pasok na kaya tayo??" suwestyon ni Cleo.
"Dito kayo nakatirang tatlo??As in wow..." saad ni Kyan.
"Hindi noh... Dito nakatira ang family ni Zyphire... Sa iba kami nakatirang tatlo tch..." saad naman ni Vinnie.
"Tara na... Baka nagdidinner na sila... Sabay nalang tayo..." saad ko at hinila na si Walt.
"Nakakahiya naman kila Tita at tito pagnalaman nila yung sa sapatos at yung suot..." saad naman ni Cleo na kinatawa namin habang papasok.
"Boplaks ka pala eh... Kung kailan nandito na tayo tsaka ka umatras tuleg..." saad ni Kyan na kinatawa nanaman namin.
Pagbukas ko nang pinto ay bumungad samin ang hagdan na tulad dun sa Beauty and the Beast na hagdan at may dalawang elevator magkabilaan. Hindi ko na pinakinggan yung mga komento nila.
"Welcome back my beloved sister..." salubong ni Zyrille na deretso yakap sakin mukhang galing sya sa dining room.
"Tumigil ka nga, Kuya Thunder... Nasan si Kuya Rain??" saad ko sa kanya at tinulak ito.
"Nandito ang princess ko... Give me a huugggg" saad ni Rain bigla at lumapit sa akin na nakaspread ang arms.
"Hands off, Kuya Rain... Ang bango naman... Nasan sya??" saad ko sa kanila na hinahanap ang girlfriend ni Kuya Thunder.
"Parang narinig ko ang boses nang princess... FIRE!!" saad ni ate Kyllie at nakipagyakap sakin.
"Ikaw nagluto noh?? Ang bango..." saad ko dito at tumango naman ito.
"Ah tinuruan ako ni Zyrille... Kanina mukhang may kasama ka..." saad naman ni Ate Kylli at tumingin kila Sadie at Vinnie mukhang di nya napansin sila Cleo.
"Ate Kyllie!! It's been a while!?" sigaw nang dalawa at sila naman ang yumakap kay Ate Kyllie.
"Ang tagal nadin simula nang hindi pumunta tong si Zyphire dito..." saad ni Ate Kyllie at bumitaw na sa yakap nang dalawa.
"Ikaw ba naman kase diba?? Atleast nagkita ulit tayo hihi" saad naman ni Vinnie
"Ah may kasama pala kami ate Kyllie..." saad naman ni Sadie at dun na nya nakita sila Cleo. Makikikita nyo yung gulat sa mukha nito.
"Noona Kyllie?? A-anong ginagawa mo dito??Kala ko nasa bahay ka nang boyfriend mo..."