Chapter 6-Revelation

1772 Words
Ilang beses akong nag dial sa number ni Jaz pero hindi nito sinasagot ang mga tawag ko. Alam ko namang masama ang loob nya sa nangyari dahil kahit hindi nya sabihin ay alam kung nagkaka tampuhan sila ni Kyline dahil sa ginawa ko. That was the most stupid thing I did in my entire life. Kung sana ay nalaman ko kaagad na may girlfriend si Jaz hindi ko na sana ginawa pa ang challenge na yun. Kasalanan ko talaga ito. I keep on dialing Jaz’s number but he never answered. Iniisip ko, siguro dahil sa nangyari ayaw pa talaga akong kausapin ni Jaz. I went to our house right away hindi ko alam kung gaano ako kabilis tumakbo papasok ng bahay mula sa bahay nina Jaz. Tinawagan ko ulit si Jaz gamit ang landline he might answer but he is not really picking up. Ang masaklap ay hindi ko na sya ma contact ulit. Mukhang pinatay nya ang kanyang cellphone. Wala na akong ibang choice kundi sumunod na sa hospital alam kung dadalhin si tita Georgette sa pinaka malapit na hospital dito sa subdivision namin. I need to tell them that I cannot contact Jaz anymore. I called my kuya’s at last kong tinawagan ay si ate Eira upang ipaalam ang mga nangyari. “Ano ba naman yang si Jaz! Paano ba yan e kahit ako hindi ko rin ma contact!” reklamo naman ni ate Eira. Sige ate Eira balitaan mo nalang ako if ever ma contact mo si Jaz. I already called kuya Zin and kuya Liam para aware din sila about what happen to tita Gette. I’m almost in the hospital ate. Sabi ko naman I called them while driving naka Bluetooth headset naman ako so I’m fine. “Okey Zey. No problem. Bibisita rin ako jan para kamustahin si tita Gette. Sasabay nalang ako kina Liam later after work okey?” sabi naman ni ate Eira. Okey ate. Bye! I’m here now in the hospital looking for a parking space. See you! At nag end call na rin ako. After kong makahanap ng parking space ay dali-dali na rin akong pumunta sa nurse station to ask. Good evening nurse, tanong ko lang po if you have a patient here na Georgette Cas ang pangalan? “Wait lang po ma’am e chechecked ko po”. Sabi naman nito while looking in the record I assume it’s a patient log book. I am really sure na dito ang hospital pinagdalhan kay tita Gette dahil ito ang pinaka malapit sa subdivision. “Ay ma’am I think new patient sya. Yung kanina lang po dinala dito. Nasa ER pa po ang patient, kamag-anak po kayo ng patient?”. Sabi naman nito. Not blood related but family friend. Yung parents ko po ang nagdala sa kanya kanina po. Where can I find the ER nurse? sabi ko naman. “deretsuhin nyo lang po itong way na ito tapos kanan po kayo pagdating sa dulong private ward. Makikita nyo na po ang signage ng ER”. Demonstration nito. Thank you nurse. Tugon ko at sinundan ko na ang way na tinuro niya sa akin. Malayo pa ako ay tanaw ko na sina mommy, daddy at tito Sam na nakaupo isang mahabang bench sa labas ng ER. They look so frustrated. Kaya biglang bumangon ang pag-aalala ko. Ng malapit na ako ay na pansin agad ako ni daddy. Tumingin ito sa akin na tila may hinahanap. Mom, dad, tito Sam, kamusta po si tita Gette? Tanong ko naman. “Hindi pa lumalabas ang attending doctor. Nire-revived pa nila ang tita mo”. Halos nanginginig ang mahinang boses ni tito Sam. Hindi ako halos makapag salita sa narinig ko. Tumambol bigla ang dibdib ko at napaupo na rin ako katabi nila. Ngnit nagtanong ulit ito. “Si Jaz ban a kausap mo na nak? Where is he?” tanong naman nito. Tito. . Hindi po kasi namin ma contact si Jaz pero sina kuya na raw po ang bahalang mag contact kay Jaz. Hindi ko nalamang sinabing nakapatay ang phone nito. Baka mag-alala lang lalo si tito Sam. “Thank you sa tulong nyo—“ naputol ang anong mang sasabihin ni tito Sam ng may lumabas na doctor sa ER. “Doc, how’s my wife?” dali-daling lumapit si tito Sam sa Doctor. “She’s now back. Pero Mr. mahina ang pulso ng iyong asawa. When you got a little delay, baka hindi na namin sya naisalba. She is still under observation pero gusto ko lang po kayong unahan na please be ready to an unexpected possibility She will be transfer to the ICU later because she is still under observation Mr. Maiwan ko muna kayo”. Malumanay na sabi ng doctor. Para namang nauupos na kandilang napaupo si tito Sam sa bench. Halos nakatulala ito. Tahimik nalang kaming naupo sa bench nakita naming ililipat nan g ICU si Tita Gette sumunod na rin kami. Hindi ko alam yung mararamdaman ko ng Makita kung maraming naka kabit na apparatus kay tita Gette. What is really happening? Parang kahapon lang nagtatawanan kami tapos kanina nag-uusap lang kami and she’s very healthy and cheerful tapos ngayon biglang critical ang lagay ni tita Gette. That’s real quick. They are like family at ayaw na ayaw kong nakikitang may sakit o nasa hospital ang mga mahal ko sa buhay. Para kasi sa akin, kapag na hospitalize ay lalong nanghihina dahil sa mga gamot. That’s since I was a kid, I really don’t like hospitals kaya mahilig akong kumain ng healthy food unless occasional. “Anak, continue to contact Jaz for a while okey? Sasamahan namin ang tito Sam mo dito habang wala pa si Jaz, Kailangan kami ng tito Sam mo dito. Maybe later we will go home. We will just get back here tomorrow morning”. Sabi naman ni Daddy. Sige po dad. Papunta narin daw sina kuya dito. Nagtext nap o si ate Eira that they are on their way here. Tugon ko naman. I continue to call Jaz pero patay parin talaga ang phone nya. Hindi ako mapakali. I know I did something stupid but his dad need him here. Palakad lakad ako while waiting, baka sakaling e on ni Jaz ang phone nya. Ngunit bigo parin akong ma contact ito. Maya-maya pa ay namataan ko na sina kuya Liam, kuya Zin at ate Eira sa di kalayuan. Kumaway naman ako para mapansin nila. “Kamusta si tita Gette bunso?” tanong naman agad ni Kuya Liam sa akin. She’s already in ICU. Andon din sina mommy and daddy. Na contact nyo na ba si Jaz? Tanong ko naman. “Hindi nga e, nakapatay parin ang phone nya. Di ko alam sa tao nay un kung saang lupalop nagpunta, tinawagan ko na lahat ng tropa naming baka nasa kanila pero ni isang tinawagan naming, wala din sya”. Sabi naman ni kuya Zin. Hindi pa rin kasi alam ni tito Sam na hindi natin ma contact si Jaz dahil nakapatay ang phone nya. Ayaw kung madagdagan ang alalahanin nila. Mahinang tugon ko. Hindi nalang din sila umimik. Peron a se-sense ko na alam nila ang dahilan ng lahat. Alam ko, hindi ko dapat sisihin ang sarili ko dahil pinakawalan ko lang ang feelings na gusto kung pakawalan. Pero ngayon parang unti-unti akong nilalamon ng kosensya ko na parang ang selfish ko naman sa ginawa kong yun. Hindi ko maiwasang isipin na ako talaga ang punot dulo ng lahat ng ito. Sa ginawa ko doon nag-ugat ang lahat from Jaz’s behavior towards me, to the arrangements and to tita Gette’s heart attack. Sana bangungot lang to at magising na ako. Hindi maiwasang rumagasa ang mga luha ko. Napansin nman agad ni ate Eira na naiiyak na ako. “Guys, rest room lang kami ni baby Z ha”. Sabay akbay sa akin ni ate Eira at iginiya ako palayo kina kuya Liam at Kuya Zin na parehas na may kinakausap sa phone patuloy parin nilang kino-contact ang kanilang mga kaibigan. Naglakad kami ni ate Eira habang naka-akbay parin siya sa akin hanggang makarating kami sa exit. Ate Eira just pat my back at parang nagging automatic ang mga luha ko na nag-unahan sa pagbagsakan. Naiinis ako sa sarili ko at the same time naawa ako, para kasing kasalanan ko pa na nagmahal ako. Mabuti nalang anjan si ate Eira sa tabi ko na nakakaunawa sa akin. She just let me cry on her shoulder. Mabuti nalang naka black coat sya kung hindi, halatang-halata talaga ang basa sa balikat nya. “Baka naman gusto mo ng tapusin yung pag ngangalngal mo baby Z halo-halo na kasi yung sipon, luha at laway sa coat ko e” kunyaring reklamo nito. Bahagya naman akong natawa sa sinabi ni ate Eira. Ang sarap lang sa feeling na may taong anjan para sayo, yung hindi ka tatanungin kung bakit ka umiiyak pero dinadamayan ka dahil alam nilang may pinag daraan anan ka. “nakokonsensya tuloy ako dahil sa akin nagawa mo yung challenge nay un. Di ko naman alam kasi na hindi sya mag wowork sa inyo”. Basag ni ate Eira sa pananahimik ko. Ano ka ba ate, wag mong sabihin yan. May sarili na akong isip. It’s just that I’m so reckless and adventurous kaya siguro nagawa ko yun. Sarili ko dapat ang sisihin sa mga nangyayari sa amin ni Jaz ate. Hindi sana sya nasasaktan ngayon sa mga nangyayari. Gad! I’m so stupid to do something crazy like that. Nasapo ko nalang ang noo ko. Ngunit hindi sumagot sa akin si ate Eira nakatitig lamang ito sa akin. Yung titig na parang tinatancha ako. “Be honest with me Zey, are you inlove with your bestfriend? Kasi sa tuno mas inaalala mo pa ang nararamdaman ni Jaz kesa jan sa hitsura mo at sa sitwasyon”. Titig ni ate Eira. I am the kind of person na kapag kaya kong mag deny, mag dedeny ako to death, pero this time gusto kong maging honest kay ate Eira. Feeling ko kasi kung wala akong mapagsasabihan ng feelings ko, para na akong sasabog. Naipon na kasi ng naipon. Kaya hahayaan ko ang sarili ko maging honest this time kasi, sino pa ba namang niloloko ko kundi sarili ko lang din kung magdedeny pa ako. Yes ate. I like him. No, I think the right term is I love him so much. I don’t know Kaylan nagsimula pero bigla ko nalang syang naramdaman ate. Ate pinagsisihihan ko yun. Para ulit may auto start yung mga luha ko at nagsibagsakan na naman. Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD