Chapter 5-Arrangement

2074 Words
Hindi ko na alam kung paano natapos ang pag-uusap namin ni Jaz sa cellphone. Para akong nauupos na kandila na napaupo sa aking kama. Hindi ko alam ang aking mararamdaman sa mga narinig ko mula kay Jaz. This is not what I wanted to happen. Oo ngat mahal ko sya pero hindi sa ganitong paraan ko gusto na maging kami. Aaminin ko pinagpapantasyahan kong maging kami pero hindi naman yung ganito. Mayroong ga tuldok na saya akong nararamdaman at excitement ngunit wala pang sinasabi sina mommy at daddy tungkol sa bagay na ito. Noong nag uusap kami kanina, wala naman silang nababanggit na kasal. Ang g**o ng isipan ko, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na to. Paano ko haharapin si Jaz? Gusto kong sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari. Lumaki lalo ang problema. Bakit naman ganito. Napaiyak nalang ako. Ibinaon ko ang aking mukha sa kama at nagsimulang mag landasan ang aking mga luha. Ng dahil sa kahibangan ko, ito na ang naging resulta. May girlfriend si Jaz at hindi ako yun. May mahal sya at mas lalong hindi din ako yun. Hindi ako nakatulog sa mga nangyayari at nanghihina ako sa kaka iyak. Tumingin ako sa aking relo, 6:45 na pala ng umaga pero hindi pa ako dalawin ng antok. Magdamag kung inisip kong anong paraan pa ang pwede kong gawin. Kung talagang kinausap si Jaz ng parents nya na ipapakasal kami, kailangan kong makausap sina tita Georgette at tito Sam upang kumbinsihin sila na wag ituloy ang planong iyo. Hindi ako mahal ni Jaz at tanging friendship lang ang pinanghahawakan ko sa relasyon namin. Ayaw kong lumabas na kontrabida sa lovelife ni Jaz at mas lalong ayaw kong ipilit ang aking sarili sa kanya. Hindi pa ako ganon ka desperada. Pupuntahan ko sina tito Sam at tita Georgette kailangan kong makumbinse sila. Nakailang doorbell na ako ngunit wala paring sumasagot. Asan kaya sila? Bumalik na lamang ako sa bahay. Advantage ng malapit lang ang bahay walking distance lang kaya kung kalian ko gustong pumunta ay nagagawa kong pumunta sa bahay nina Jaz. Ganon din si Jaz pero nitong mga nakaraang araw ay madalang na siyang pumunta dahil siguro sa busy sa trabaho at mas lalo ngayon na may ganito kaming problema. Habang naglalakad ako pauwi sa bahay ay namataan ko ang paparating na sasakyan. Kilalang-kilala ko ang sasakyan dahil kay Jaz yun. Tumungo naman ako at hindi nagpahalata ngunit pumara ang sasakyan sa mismong tapat ko kaya nag-angat nalang din ako ng tingin. Hindi ko alam kung may karapatan pa akong tawagin syang “bess” dahil sa nangyari. Mas pinili ko nalang na itikom ang aking mga bibig. “Did you went to our house?” tanong naman nito. Yeah. . Mahina ngunit sapat na para marinig nya ang sagot ko. I want to talk to tito Sam at tita Georgette about what you have told me. Sayo ko lang kasi nalaman na may ganon pala silang plano. I want to convince them to take back their plans. Sabi ko naman. Hindi naman ito umimik at mariin lang akong tinitigan ni Jaz. Nag-iwas lang din ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang titig ni Jaz. “You cannot convince them, they are firm when they decide on something Zey. Thank you for your effort”. Sabi nito sa matamlay na tuno. Pero gagawin ko parin. Kasalanan ko naman to e, saka di mo naman ginusto. Kung kailangan kong lumuhod gagawin ko. “Don’t waste your time. Sana naisip mo yung consequences bago mo ginawa tho, lasing ka ng ginawa mo pero sure naman akong nasa matino kang pag-iisip. Either it’s a sudden decision or you plan for it Zey, I hope it’s the first one”. Deretsahang sabi ni Jaz. Nakagat ko nalang ang aking pang-ibabang labi. Hindi ko alintana ang init na tumatama sa aking balat. Tapos yung kausap ko nasa loob ng kotse pero wala akong karapatang magreklamo. Tama naman ang mga sinasabi ni Jaz e. Ang hindi lang tama ay yung part na “sudden decision” dahil hindi lang sudden yun konde “plan” ko na disaster ang kinalabasan. Sorry. . Yun nalang talaga ang tangi kong nasambit. Tama nga ang sabi nila, nasa huli lagi ang pagsisisi. Napaka awkward na namin sa isat-isa. Bumuntong hininga ito ng malalim. Kaya nagpaalam nalang ako. Sige, be--- Jaz, I will just return later. Sabi ko nalang na laglag na balikat ko dahil stress na ako. Parang kumuha ako ng baton a ipu-pukpok sa ulo ko. Hindi na kailangan pa ng maraming paliwanag mula sa akin dahil ako naman talaga ang mali dito. Ano pa bang drama ko diba? Tumambay na lamang ako sa may veranda ng aking kwarto. Inaabangan ko kung dumating na ba sina tito Sam at tita Georgette. Maya-maya lamang ay nakita ko na may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Napatayo ako bigla dahil sina tito Sam at tita Georgette and dumating at kasama si Jaz. Ito na naman, makikita ko na naman si Jaz, linalamon ako ng konsensya. Nag-ayos na lamang ako ng sarili dahil panigurado ipapatawag na ako nina mommy. Siguro ngayon nila sasabihin sa akin ang tungkol sa kasal na sinasabi ni Jaz kagabi. Inihanda ko na ang aking sarili sa mga dapat kung sabihin. Makikiusap din ako sa kanila na wag ng ituloy ang arrange marriage naming ni Jaz. Bumaba na ako ng room at nabungaran ko sina Kuya Liam at Kuya Zin san a nanonood ng basketball. Nakita naman nila akong bumaba naka tingin naman sila sakin ng mariin saka nagsalita si kuya Liam. “Mukhang uunahan mo pa kaming magpakasal bunso ah? Very nice! Lugi tayo Zin no?” Sabay tingin kay kuya Zin. Nang-aasar talaga tong si kuya Liam! Na stress na nga ako e, sila mukhang tuwang-tuwa pa. “Bunso lang sakalam! Pero tama lang yan para magka-apo na sina mommy at daddy” Sabay kindat naman ni Kuya Zin. Inirapan ko lang sila parehas at nagpalinga-linga ako. “Nasa Library sila, pumunta ka nalang doon bunso” sabi naman ni kuya Liam. Tuloy-tuloy na rin ako sa library, bahagya namang nakapinid ang pinto kaya medjo naririnig ko ang pinaguusapan nila sa loob. “We should ask for Zia about this matter Tito and Tita. Wala pa syang idea about your plans”. Tinig naman ni Jaz ang naririnig kong nagsasalita. Kumatok nalang naman ako para pumasok at magjoin sa kanilang usapan. Tahimik lang ako at naka halukipkip. “Well maybe it’s time for us to tell you sweetheart the plan that we have about you and Jaz” panimula ng mommy ni Jaz. Ito na nga ang malalang problema na pinasok ko. “We are going to arrange the marriage since pangarap naman namin ito para sa inyo. We are so happy for what happen because we are just waiting for you both and viola! Sa wakas may nag-initiate na rin sa inyong dalawa”. Sabi naman ng mommy ni Jaz. Please let me speak out about it tito Sam, tita Georgette, Mom and Dad. . I believe that I have the right to decline this arrangement. I’m so sorry for what happen and for what I did but please let’s not do this. Jaz and I are bestfriends and I hope you will give us the freedom to choose anyone that will have in the future. “But hija, don’t you like our son? We will be very happy kung kayo ang magiging mag-asawa. Matatanda na kami at sooner or later mawawala na kami sa mundong ito, kayo nalang ang magdadamayan. It is really nice also because our family are close” sabi naman ni tito Sam na may tunong pangungunsensya naman nito. But tito----- I really regret---- hindi ko na natuloy ang sasabihin pa dahil sumagot na si daddy. “Because of what happen, some people are already judging our family about that video especially to you Zia. Ikaw pa naman ang babae at taga pagmana ng isa sa malalaking Business dito sa pilipinas tapos magkakaroon ka ng issue na ganito? Conservative ang mga investor natin dahil nererespeto nila ang pamilya natin. If you don’t want to be arrange then why did you do it? ”. Sabi naman ng kanyang daddy sa seryusong tuno. It was just a t****k challenge dad, and Jaz had a girlfriend and its Kyline Vicente. Please I don’t wanna ruin his happen just because of what I did. . Pakiusap ko. “Is that true Jaz? That you have a girlfriend is that the Vicente we are in mind?” Matalim na tanong ni tito Sam. Is that mean hindi alam ng mga ito na may girlfriend si Jaz? Pero bakit naman tinago ni Jaz sa parents nya ang totoo. Tumingin naman ako kay Jaz ng may pag-tatanong. “Yes Dad. She is a good woman and actually I am planning to introduce her to you and mom”. Sabi naman ni Jaz. “No way! We like Zia for you Jazter, and don’t you dare bring that girl at home kung ayaw mong tanggalan ka namin ng mana. We don’t like anyone for you except Zia! Ayaw naming ng ahas sa pamilya natin Jazter. We know exactly what they did in our company alam na alam naming pera lang ang habol nya sayo Jazter”. Mariing sambit ng mommy ni Jaz. “Mom, how will you know if you will not get to know her-----“ pinutol namanni tito Sam ang kanyang line. “No need to! Sa laki ng kasalanan nila sa pamelya natin. Kung hindi dahil sa tito Zandro at tita Sandra mo baka sa kangkungan na tayo pinulat Jazter! “ sabi naman ni tito Sam. Medjo nagkakainitan na sila. Kung hindi sana nangyari ang kagagahan ko e di sana wala kaming ganitong problema. “Teka lang Sam, kalma lang kayo, hayaan nating magsalita si Jaz”. Sabi naman ni Mommy. “No, Sandra. We know very well the game that the Vicente are playing, I will never let her ruin our family and our relationship”. Sabi naman ng mommy ni Jaz. “Okey then, I will agree to this wedding if that’s what you want! I’m sorry tito Zandro and Tita Sandra but I have to go. .” at lumabas na si Jaz ng library at tuloy-tuloy na sa gate ng bahay naming palabras. Kaya minabuti kong sundan si Jaz. Jaz! Wait lang sandali! hinabol ko sya hanggang sa labas ng gate. Huminto naman sya sa tapat ng kotse at humarap sa akin, this is the first time I heard Jaz talking back to his parents. Knowing him, He is very respectful to his parents. “Look Zia, I am not in a mood to hear anything from you now. Please lang! kung ayaw mong makarinig ng masakit na salita mula sa akin, dumistansya ka na muna because seeing you is not really helping right now. I still did not hear anything from Kyline at nag-aalala ako sa kanya, Just make something useful that will atleast ease this situation Zia dahil total naman wala na akong kawala sa sitwasyon na pinasok mo so gawin mo nalang yung mga gusto nila dahil wala naman na rin akong magagawa when it comes to my parents”. Sabi nito sabay sa kotse nito at pinaharurot ito. Naiwan naman akong parang nauupos na kandila sa labas ng gate. Lumalala lang lalo ang sitwasyon at first time kong nakarinig ng ganong salita mula kay Jaz na pakiramdam ko ay itinataboy ako. At wala akong ibang pwedeng gawin konde sundin na lamang ang kanya sinasabi. Wala e, pinasok ko na to. Hindi ko alam kung anong naghihitay sa amin sa mga susunod na araw. Pabigat ng pabigat ang sitwasyon at ang tanging pwede kong gawin ay gumawa ng bagay na magpapagaan ng sitwasyon. Naputol ang aking pagmumuni-muni sa labas ng gate ng makita kong nagmamadaling lumabas si tito Sam at buhat buhat niya si tita Georgette. Biglang nagpanic ang utak ko dahil walang malay si tita Georgette. “Bilisan mo Zandro! Kailangan nating magmadali!” dinig kong sigaw ni mommy. Mom! What happen to tita?! Nagaalalang sambit ko. “Please call Jazter, tell him na dinala naming sa hospital si Georgette!”. At pinaharurot na ni dad ang sasakyan kung saan nakasakay si tito Sam, tita Georgette at si mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD