Chapter 4- Consequence

3146 Words
Ang saya-saya pa namin ng pumunta kami dito tapos ngayon, nagkakaayaan na kaming tatlong umuwi nina ate Eira at ate Alliah. Siguro dahil nga sa mga nangyari pareparehas kaming nawalan ng gana. Kung sila problemado, ako naman disaster ang pinasok ko at hindi ko alam kung paano ko lulusutan. Ang pinakamahirap lusutan na problema ay ang kasinungalingan na tatapalan pa ng isa pang kasinungalingan. Pero kung hindi ko naman gagawin yun ay maslalong lala pa ang problema. Ano nalang kung aamin akong mahal ko si Jaz? E di finish na mas lalong magagalit yun. Andito palang kami sa Batangas pero parang mababaliw na ako sa kakaisip anong dapat kung ipaliwanag ginawa ko kalukuhan. Gusto ko na iuntog nalang sa pader yung ulo promise! “Zey, ano okey na ba mga gamit mo? Bahala na sila kung ayaw nilang masi uwian, basta tayo uuwi na! Lintik na mga babaero yan. Magsama-sama sila”! Maktol naman ni ate Eira na padabog na hinahakot ang kanyang mga gamit papunta sa kotse na di naming alam saan nya nakuha. Si ate Eira talaga yung tipo ng tao na kapag gusto maraming paraan. Boys lang kasi ang nagdala ng kotse kaya kaming mga girls kahit gustuhin naming umuwi di naman papayag sina kuya Liam. Kaya si ate Eira napaka aga pa ay naghagilap na ng kotse na gagamitin naming pabalik ng Manila dahil ayaw pang umuwi nina kuya Liam mag scuba diving pa raw sila. Mukha ding hindi nagkakasundo sila ate Alliah at kuya Zin dahil mukhang walang pake naman ito kahit nagpaalam na kaming babalik ng Manila kanina lang. Yes ate. Konte lang naman ang gamit kong dala, isang backpack lang saka isang sling bag ang dala ko. Sagot ko naman. Si ate Eira kasi ang may pinaka maraming gamit. Yung tipong 2 days and 2 nights lang naman ang plano naming mag outing pero si ate Eira ang dalang gamit ay pang isang linggo na yata. Damit palang yun, all in all halos buong bahay nga dala ni ate Eira e. Si ate Alliah naman sakto lang din ang dalang gamit kaya hindi na nahirapang mag pack up. “So tara na, ready na kayo? Ako ng mag dadrive! Lets go girls.” Pasakay na kami sa car ng marinig naming ang galit na boses ni kuya Liam. “Ano ba Eira! Tigas din naman talaga ng bungo mo e no?! anong problema mo! Saka bakit pati kayong dalawa kasama na?!” madilim na turan ni kuya Liam. “Simple lang Liam, uuwi na kami! Total naman di na kami natutuwa sa mga pinag gagawa nyo e. Saka kaya naming maging masaya at e celebrate ang birthday ni Zia ng kami kami lang! di kayo kasama!” padabog na sinarado ni ate Eira ang pinto ng kotse at dali-dali na rin kaming pumasok ni ate Alliah. Narinig pa naming nag sisigaw si kuya Liam ngunit bahagyang binaba ni ate Eira ang side mirror at nag dirty finger ito kay kuya Liam sabay “F*ck you ka! Mag-enjoy ka sa paglalandi mo jan! sigaw pabalik ni ate Eira. Wala na ring nagawa ang mga ito. Dahil pinaharurot na ni ate Eira ang sasakyan paalabas ng resort na tinutuluyan namin. Tahimik lang naman kaming tatlo sa byahe, wala halos umiimik dahil siguro sa kanya-kanya naming iniisip. Si ate Alliah, ay nakapangalungbaba habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Si ate Eira naman ay naka pinid ang ulo sa side mirror at naka rest ang isang kamay habang ang kanang kamay naman nito ay nasa manubela. Ako naman ay nag-iisip na kung anong mga dapat kong sabihin kay Jaz at ipaliwanag dahil hindi maganda ang nangyari. Ang masaklap ay umalis pala siya ng resort ng hindi manlang kami nag-uusap tungkol sa nangyari. May kutob ako na isa sa mga dahilan kung bakit siya lumuwas agad kagabi ay dahil na rin sa nangyari. Nanlumo ako kaninang umaga paggising ko ng malaman kong may girlfriend nap ala si Jaz at yun ay si Kyline Vicente ang aking kaklase mula pa noong elementary. Hindi naman sa insecure ako pero ano naman ang laban ko kay Kyline? Beauty queen yun, magaling sa sports, matalino din at higit sa lahat popular sa school. E ako? Ni isang beses nga di ko pa nasubukang tumugtog ng guitar at piano sa school o kaya kung saan. Wala nga yatang nakakaalam na may talent ako e kahit ang bestfriend ko. Nahihiya kasi akong ipakita yun sa iba. Lalo na sa bestfriend ko na mahal ko baka mapahiya pa ako e napaka talented kaya ni Jaz. Parang gusto kong umiyak sa mga nangyayari. Habang nagmumuni-muni ako ay bigla akong napakislot dahil nag vibrate ang aking cellphone. Tumatawag si Jaz?! Bakit kaya? Tanong ko sa isip ko. Galit ba sya? Sisigawan ba nya ako or kokomprontahin? Hindi ko alam. Nanginginig ang mga kamay ko na sinagot ang tawag ni Jaz. Hello? Bess? Pilit kong pinapanormal ang aking boses. Nagsitinginan naman sina ate Eira at ate Alliah sa akin habang nasa phone si Jaz. “Bess, asan na kayo ngayon? Tumawag kasi ako kina Liam sabi nila paalis na rin naman daw sila sa resort dahil umuwi na raw kayo?” sabi nito. Ah. Oo bess. Nasa car na kami malapit na kami sa Manila Area. Sabi ko naman. Medjo naka silip naman ako ng pag-asa na magiging okey kami ni Jaz. Hindi ko na talaga uulitin yung ginawa ko kagabi. “Bess, tatawag nalang ako ulit kapag nasa bahay ka na”. Bye! See you later. Ingat kayo”. Sabi naman nito. Thank you bess. Sige, mamaya nalang etetext kita kapag nasa bahay na ako. Sabi ko naman. Medjo gumaan konte ang aking nararamdaman. “Sige bess, Bye!” sabi naman nito. Bye! At binaba ko na rin ang tawag. “Anong sabi ni Jaz bebe Z?” tanong naman ni ate Eira. Mag-usap daw kami mamaya sabi nya. Di naman sya galit sa tuno nya ate. “Good thing yun Zey, atlst hindi ka naman magpoproblema na di ka nya papansin” saad naman ni ate Alliah. Kaya nga mga ateng e. Atlst medjo nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Sana lang ay maayos koi to. Nakakahiya talaga yung ginawa ko. Ano nalang sasabihin ng girlfriend nya? Na nilalandi ko si Jaz? Gusto kong ipaliwanag na challenge lang talaga ang lahat saka sinubukan ko lang yun at nakainom din ako non. Pagtatakip ko sa guiltness na nararamdaman ko. “Oo Zey, saka halata naman na nakainom ka talaga dahil pag dating mo sa cottage plakda ka na sa kama” sagot naman ni ate Alliah. “Kaya nga nagtaka kami anong tinira mo bebe Z! grabe ka! Ikaw ba naming mag pa times 4 ng Negroni kahit ako na expert sa inuman at party-party tatalaban non e”. sabad naman ni ate Eira. Kahit papano ay naibsan ang katahimikan sa loob ng kotse dahil panaka-naka na kaming nag-uusap ng tungkol sa mga bagay-bagay. Pati ang mga hot boys na nagpapa cute kina ate Eira sa resort ay napagkwentuhan na rin namin. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin kami sa Manila. Hinatid naman ako ni ate Eira sa bahay dahil dederetso na sya sa condo niya. Pagdating ko sa bahay ay katahimikan lang ang bumungad sa akin. Wala pa sina kuya pero pauwi na daw sabi ni Jaz kanina noong tumawag siya. Hindi ko rin alam kung saan sina mommy at daddy nagpunta. Panigurado nag relax-relax din somewhere ang mga yun. Dumeretso nalang ako sa aking kwarto, naisipan kung e text si Jaz. Na andito na ako sa bahay. Wala pang isang minute ay nag ring na aking cellphone at halata kong inaantay talaga ni Jaz ang text ko. Hello bess? Andito na ako sa bahay bess. Sorry talaga bess, gusto ko talagang e explain na talagang challenge lang yun saka bess nalasing kasi ako non kaya ko rin siguro yun nagawa pero I swear! Magsosorry naman talaga ako kaninang umaga kaso, lumawas ka na raw kagabi e. Kaya di na kita naabutan. Bungad ko sa pagtawag niya. “Bess, alam ko naming challenge lang yung ginawa mo at lasing ka ng ginawa mo yun aaminin ko nagalit ako, hindi naman kita sinisisi, pero kasi bess may problema ako, ayaw ni Kyline makipag usap sa akin mula ng makita niya ang nangyari kahapon, yung ginawa mo, naka video call pa kami non at nakita nya yung ginawa mong paghalik sa akin”. Mahabang paliwanag nito. Para naman akong nailing sa pagkakabangit ni Jaz ng “paghalik” pakiramdam ko normal nalang sa kanya na banggitin ang ganong bagay, samantalang ako ay subrang affected na. First kiss ko yun at palagay ko hindi ako ang first kiss ni Jaz dahil nga may girlfriend na ito. Lalo lamang ako nanlilit sa kahihiyang ginawa ko. I’m so sorry talaga bess. Alam ko namang mali yun kaya kahit ano gagawin ko para lang mapatawad mo ako sa ginawa ko sayo. Desperada na kung desperada pero kahit friendship nalang ay sana maiahon ko. Nakapag desesyon na ako ngayon din na hinding-hindi ko na ipapahiwatig ang aking nararamdaman. Itatago ko nalang kung iyon ang tanging paraan na maibalik sa dati ang friendship namin sa kabila ng kabulastugan kong ginawa. Sana lang talaga hindi nakita nina mommy at daddy pati na rin nina tito Sam at tita Georgette ang video na yun sa t****k dahil binura ko na rin naman e. Ipapanalangin ko nalang na walang nag save non kung saan para wala ng ebedensya at makalimutan na ng lahat. “Bess gusto kung humingi ng favor sayo, please help me, kausapin mo naman si Kyline para sakin bess please? Parang awa mo na. Mahal na mahal ko yun, kahit ganto ako na ma chicks sya lang love ko bess, explain mo naman sa kanya na challenge lang yun na wala talaga akong kinalaman please?” pagsusumamo ni Jas. Ito ang unang beses na humingi ng pabor si Jaz sa akin. Isang pabor na tagos na tagos sa puso ko. Parang gusto kung isigaw kay Jaz na napakamanhid nyang nilalang! Subrang sakit naman. Yung salitang “mahal na mahal” alam na alam kong wala ako don kahit 00.0001%. Kung masakit yung titig ni Jaz kahapon sa akin nong ginawa ko yung t****k challenge mas masakit yung sa bibig mismo nya manggagaling na mahal na mahal nya si Kyline. Wala na, finish na. . . Para naman akong sinaksak ng kutselyo. Ganto pala kasakit na malamang yung taong mahal na mahal mo ay may mahal na mahal na iba. Tumulo na ang luha ko, di ko na napigilan. Ngunit ayaw kung ipahalata kay Jaz na umiiyak ako kaya kinalma ko ng mabilisan ang dibdib ko. Sige bess. Paano ko ba sya makakausap? Saka Kaylan? Tanong ko nalang kahit hirap na hirap akong magpigil ng hininga at iyak ko. Gusto ng kumawala ng sakit. “Thank you bess! Subra! Bestfriend talaga kita! First time mong gumawa ng kalukuhan kaya kakalimutan ko na yun. Alam ko namang challenge lang yun dahil may napanood din akong ganon dati, Tatawagan nalang kita ulit kapag nagkita na ulit kami ni Kyline ha?” sabi naman nito. Sige bess. Ako naman ang may kagagawan nito e. don’t worry eexlpain ko sa kanya para hindi na kayo mag-away. Sorry bess ng dahil sa akin ay nag away kayo. Sabi ko naman, naghalo na yung emotion ko sa pagiging guilty at emotion ko na subrang nasasaktan. “Thank you so much bess! Sige bye na may meeting pa ako ngayon e, See you! Kalimutan mo na yun bess ha, okey lang ako, tho di ako makapaniwala na nagawa mo yun pero gaya nga ng nasabi mo nakainom ka alam ko namang mahina ang resestance mo sa alak e, Bye bye! See you!” sabi naman nito. Bye din bess, thank you. . ako na ang nag end button dahil kumakawala na yung mga luha ko. Ibinaon ko nalang sa bed ang mukha ko at doon ako nag ngangalngal. Yung pinagipunan ko ng lakas para gawin ay napunta sa mas masakit na scenario. Bakit ganon? Napaka unfair ng buhay, may mga taong mahal sila pero di nila mahal. Ako, mahal ko si Jaz pero bestfriend lang talaga ang turing nya sa akin. Sa kakaiyak ko ay nakatulugan ko na. Nagising lang ako dahil naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko sa ibaba. Tiningnan ko ang side table clock ko at nakita ko alas 7 na pala ng gabi. Bumangon na rin ako at dumeretso sa banyo para maligo. Napadako ang tingin ko sa salamin at nagulat ako sa itsura ko, mukha akong Zombie! Yung mata ko ay bahagyang namamaga dahil na rin siguro sa kakaiyak. Baka mahalata nilang umiyak ako kung ganito ang itsura ko. Nagbabad nalang ako konte saka naligo ng walang heater para kahit papano ay matanggal. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom kaya maliligo muna ako bago bumaba sa mga nag-iingay sa sala. After 1 hour. . . . . Ng matapos na akong magbihis at magpatuyo ng buhok bumaba na ako upang pumunta sana sa kusina ngunit laking gulat ko ng mabungaran ko sina tito Sam at tita Georgette ganon din sina mommy at daddy pati na rin sina kuya ang mga titig nila sa akin ay parang amazed na amazed. Nakakakilabot yung titig nila parang may-ipinahihiwatig. “Wow! Andito na ang princesa natin at aking magiging future daughter diba Sandra?”Sabi nito kay mommy. Tuwang tuwa sa galak si tita Georgette ah? Pati sina daddy at tito Sam ay may ipinahihiwatig sa kanilang mga ngiti. “Grabe sister! Hindi kami makapaniwala na ang lakas pala ng tama mo! Imagine! Nilapa mo si Jazter online! Wow! Amazing” sabi ni kuya Liam at sabay palakpak kasama si kuya Zin. “Naku! Wag nyo ng asarin si bunso! Kayo talaga!” saway naman ny kanyang mommy na tudo din ang ngiti. “Well, saan pa ba magmamana konde sa hon, tahimik lang ako sa sulok tapos bigla mo nalang akong hinalikan noong college tayo, di ko alam na dare pala yun ako naman ay feel na feel kaya sinunggaban din kita”, sabi naman ng daddy ko sabay tawanan nilang lahat. “Naku Sandra, binubuking ka na ng iyang magaling na Zandro!” sabi naman ni tito Sam. Samantalang ako ay gusto ko nalang matunaw sa kahihiyan dahil sa nangyari. Tita Georgette, tito Sam, I’m so sorry for what happen. Mom, dad I’m sorry. Nakakahiya ako”, sabi ko naman. Alam ko kahihiyan yun nina Mom and Dad. Nagiisa nilang anak na babae ay bigla na lamang nang halik sa t****k. First move! Check mate dahil si Jaz pa yun! Naguiguilty talaga ako ng sobra sobra sa ginawa ko. Magkakaibigan pa naman ang family naming tapos nagawa ko yun sa kinakapatid ko. “Naku! Hija! Wag kang mag sorry! Si Jaz ang dapat sisihin dito, napaka bagal mag move! Inantay pa ang babae ang unang mag move, sobrang saya naming dahil sa wakas ay natupad na rin an gaming hinihiling sa langit na maging anak ka na naming tunay” saad naman ni tita Georgette. Po?. . pagtataka ko. “Mamaya kapag dumating na si Jaz ay mag-uusap kami tungkol sa bagay na yan” sabi naman ni Tito Sam. Bakit ganon? Kakaiba yung kaba ng dibdib ko? Bakit kakausapin nila si Jaz, para saan? Ako naman ang punot dulo ng nangyare e. Hindi ako mapakali sa narinig ko kanina at dahil na rin sa kabog ng dibdib ko. First time kong makaramdam ng ganito. Hindi naman ako yung mahilig sa kape pero bakit parang nakakaramdam ako ng nerbyos? Ano kaya ang pag-uusapan nina Jaz at ng parents nila. Mukha kasi talaga my parent’s and Jaz parents are frying something that will surely become a big revelation. Hindi ako inaantok, hindi dahil 7 pm na ako nagising kundi dahil panaka-nakang kumakabog ng subrang dibdib ko. Yung feeling na parang may mangyayari na hindi maganda, ganon ang nararamdaman ko. Dahil hindi na ako mapakali ay naisipan kong sumilip sa bahay nina Jaz, kita ko kasi dahil ang bandang gate nina Jaz, ang kwarto ko kasi ay mejo nakaharap sa gawi nila kay kung sakaling may papasok o lalabas sa bahay nina Jaz. Saktong-sakto nakita kong lumabas si Jaz ng gate at deretso sa kotse na nakaparada sa labas ng bahay nila. Bakit parang galit si Jaz? Anong nangyayari? Mukhang magkaka mental breakdown na ako sa kakaisip ng mga nangyayari. Nilibang ko nalang ang sarili ko para medjo makalimutan ko ang mga tumatakbo sa isip ko. Nanood nalang ako ng Let’s fight ghost sa Netflix dahil hindi ako makatulog. Panaka-naka akong tumitingin sa aking relo, naisipan kong tumambay sa veranda ng kwarto ko para abangan si Jaz kung dumating na ba sya. Sinisilip-silip ko pero wala pa yung car nya. Mga kalahating oras na akong nasa ganong huwesyo ng biglang mag vibrate ang aking cellphone. Kaagad ko namang kinuha ang aking phone. At nakita kong si Jaz ang tumatawag. Kaagad ko namang sinagot ito. He-Hello bess? Mautal-utal kung sambit. Tinangnan ko ang oras quarter to 1 am na pala. “Hello! Zia! Bakit gishing ka pa. . .anong oras na!. . “ ang ingay ng background ni Jaz, ang lakas ng music at parang ang dami-daming tao at mukhang naglalasing ito dahil buhol buhol na ang pananalita. Nagulat ako sa paraan ng pagtawag nya sa akin, never pa nya akong tinawag ng deretsahan sa pangalan ko. May tawagan kami mula pa noong bata pa kami at yun ay “bess”. Kinabahan ako bigla sa asta ni Jaz pero ayaw ko paring mag assume. Oo. . asan ka bess? Nag-aalala ako sa kanya, mukhang alam ko na kung nasaan si Jaz pero gusto ko paring makasigurado. “Wala! Gusto ko lang sana itanong, bakit ba ginawa mo yung lintik na challenge na yun?! Ang dami namang pwedeng e content bakit yun pa Zia?” May tuno ng paninisi ang salita ni Jaz kaya ito na naman sya nilalamon ng guiltness. Hindi tuloy sya naka imik. Nagsalita ulit si Jaz. “Alam mo Zey, 1 year na kami ni Kyline, subrang mahal ko yun Zey! Pero mukhang Malabo na kaming makakaayos ngayon!”. . sabi nito. Bess, kasalanan ko, kaya tutulungan kita na magkaayos kayo kahit anong mangyari. Gagawin ko lahat bess promise! Sabi ko naman sa kanya. Alam ko ako ang puno’t dulo nito kung hindi dahil sa t****k challenge na yun ay hindi makakanda letche letche ang sitwasyon ngayon. “Hahaha nagpapatawa ka Zey?! Alam mo ba kung bakit ako umiinom ngayon? Ha?!” medjo tumataas na ang boses nito. “Kasi arrange na lahat, o mas tamang sabihin na enarrange na lahat ng parents natin ang mga plano nila para sa KASAL natin”. Pagak na tawa ni Jaz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD