"OH MY GOD!" Natulala nalang ako habang nakatitig sa kanya. Hindi ito ang inaasahan kong dadatnan ko. I thought my husband was shot at nag-aagaw buhay. Not that I want him that way. Pero ano ito? Andres, is standing proudly while waiting for me. At ang ICU ROOM. Its not full of hospital stuff na kala mo mamamatay ang nasa loob kung magkakamali ka ng hawak sa taong nasa loob. The room is filled with heart shape balloons, rose petals, scented candles at ang kisame nito puno din ng balloons na may nakapalawit na mga paper foldings. "Mahal kong Reyna, tutunganga ka nalang dyan? Di ka papasok" Nafocus sa kanya ang paningin ko. Nakapolice uniform siya. Kompleto mula ulo hanggang paa. Pero naka-arm support ang kanang kamay niya. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang nakauniform.

