KULANG NALANG murahin ko lahat ng pwede kong murahin sa araw na ito. Bakit sa dinami dami pa ng araw na pwedeng abutin ako ng kamalasan ngayon pa nangyari. Kung kailan birthday ng anak ko at inaasahan ako ng mag-ina kong darating ako. Five o'clock na natapos ang emergency meeting namin. Sinabihan ko naman na lahat ng tauhan ko maging ang mga nakatataas na halfday lang ako ngayong araw dahil birthday nga ng anak ko. May biglaang nangyari kasi na tungkol sa trabaho kasong hawak namin kaya wala akong nagawa kundi ang sundin ang nakatataas. Sa pag-uwi ko naman naipit na ako s atraffic. Rush hour, friday uwian, pay day at maraming sale sa mall. Dagdag pang Christmas season. Galing gigil na gigil ako habang busina ako ng busina. Nang nakausad naman ako at malapit na sa bahay namin siya nama

