“Sol? Are you still awake?” Hindi siya umimik. Madilim ang silid at ang tanging ilaw lamang na tumatanglaw sa kuwartong kanyang kinaroroonan ay ang ilaw na nanggagaling sa lamp post sa labas ng kanilang bahay. Nagsumiksik siya sa gilid ng kama at hindi niya nilingon ang pinanggagalingan ng mga mabibigat na yabag ng kanyang asawa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nagkunwari na tulog na. Umalingawngaw ang mahinang tunog ng bag nitong inilapag nito sa tabi ng kanilang kama. At ang bahagyang paglundo ng gilid ng kutson na kanyang kinahihigaan. Dumaplis ang mga dulo ng daliri nito sa kanyang pisngi at buhok bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Sol… I know you’re awake…” Hindi siya umimik muli. Nagpupuyos ang kanyang damdamin at hindi niya kaya na kaharapin ang lalaki ngayon

