Hindi siya pumasok kinabukasan. Soleil knew what she had to do. Hindi naman siya makakapayag na palagi na lang silang ganoon ni Carter. At kung totoo man na nangangaliwa ito, isa lang ang naiisip niyang solusyon: pakikipaghiwalay. Hindi niya yata maaatim na tumira sa ilalim ng iisang bubong kasama ang lalaki na hindi kayang maging tapat sa kanya. Na bumabali ng mga pangako nito sa kanya at mas lalong hindi niya kakayanin na tumira sa ilalim ng iisang bubong ang lalaking pinagmumukha siyang tanga. Ilang oras na siyang nakatulala sa harapan ng salamin. Simula nang magising siya noong madaling-araw matapos nitong makipagtalik sa kanya nang paulit-ulit, hindi na siya nakatulog pang muli. Gulong-gulo ang utak at puso niya. Hindi niya malaman kung tama ba ang gagawin niya. O kung makakayanan ni

