Warning: Explicit scenes ahead. Not suitable for readers under 18 years of age. Tahimik lang si Soleil habang nakasandal sa dibdib ni Carter. Nasa loob na sila ngayon ng bathtub at marahang pinapadaan ng lalaki ang nakabukas na showerhead sa kanyang balat. Minamasahe naman ng kabilang kamay nito ang kanyang katawan, na tila ba pinapakalma siya. Ngunit kahit na ano pang paglalambing na gawin ni Carter, hindi niya mawaglit ang galit sa kanyang dibdib. Lalo na at ang dahilan niyon ay ang mga nakita niya kanina. Alam niyang hindi siya dapat naghihinala kaagad. Alam niya na dapat niya munang komprontahin ang lalaki. Ngunit paano niya ba iyon gagawin? Paano niya iyon gagawin kung mismong pati siya ay may ginagawa habang wala ang asawa niya? Kahit na sabihin niya pa na wala namang namamagitan s

