XLIII

1589 Words

Bahagyang nayakap ni Soleil ang sarili nang biglang umihip ang malamig na hangin. Naka-turtleneck na siya ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang panunuot ng lamig sa kanyang balat. Kaagad namang napalis ang lamig na kanyang nararamdaman nang ipatong ni Gio ang suot nitong jacket sa ibabaw ng kanyang balikat. Ngumiti lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi umiimik habang nakatanaw sa kalangitang nalalatagan ng mga maliliit na bituin. Nang makatapos kumain ay nag-aya ito na maglakad-lakad sa may liblib na lugar ng X, malapit sa dalampasigan. Dahil alas siete pa lamang ng gabi ay pinaunlakan niya iyon. Isa pa, ayaw niyang maiwan sa bahay nila. Mas lalo lang siyang nalulungkot. Mas lalo lang siyang nakakaramdam ng inis at galit at ang damdamin na tila ba nagpapaalala sa kanya na nakalimut

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD