XXXVII

1573 Words

“Ipaghihiganti kita, Ava. Tandaan mo ‘yan,” bulong ni Aries habang nakaluhod sa harapan ng puntod ng nobya nitong kapapanaw pa lamang. Bumubuhos ang tubig-ulan sa kanya noong hapong iyon ngunit hindi nito iyon alintana. Hinagkan nito ang kuwintas na hawak nito at muling bumulong, “Mahal na mahal kita… At hindi ko hahayaan na hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay mo.” “And... Cut! Good job, Carter!” sigaw ng direktor kasunod ng pagtigil ng tubig na bumubuhos mula sa rain machine ng crew. “Scene 36, ready na kayo!” Mabilis na nagtatatakbo si Carter papalapit sa kay Soleil. Basang-basa ang suot nitong puting t-shirt na dahilan para bahagyang bumakat sa basang tela ang katawan nitong tila inukit mula sa bato. Ngumiti ito sa kanya bag inabot ang tuwalyang kanyang hawak-hawak. Iningusan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD