“F*ck!” inis na bulalas ni Carter nang hindi sagutin ni Soleil ang kanyang tawag. Siya rin naman ang may mali. Hindi niya iyon ikakaila at mas lalong hindi niya ito sinisisi. Masama talaga ang tabas ng bibig niya kapag galit at nahaluan pa iyon ng pagod sa pagsu-shooting buong maghapon. Ngunit kahit na ganoon ay alam niyang hindi tama ang mga sinabi at inakusa niya sa asawa niya. Ang Gio na iyon ang naunang tumawag, hindi si Soleil. God knows what that man wanted from his wife and yet, he lashed out on her. Mabilis siyang nagpalit ng damit. Pagkatapos ay tinawagan si Caleb na kailangan niyang umalis kaagad dahil nagkaroon lamang ng emergency. Sinabihan naman nito ang direktor na ihinto muna sa pinakahuling eksenang kanilang ginagawa ang shooting at hinayaan siya na makaalis kaagad. Bilan

