Soleil sighed as she leaned on her swivel chair. May mga inaasikaso siya ngayon sa production ng mga bago nilang produkto at tuluyan na siyang nawalan ng oras para dalawin si Carter araw-araw sa set. Ayos lang naman daw para sa lalaki. Abala rin kasi ito lalo na at pumatok ang telenovela nito sa unang buwan na umeere ito sa mga telebisyon. Ang dapat ay dalawang buwan na telenovela ay napagkasunduan na pahabain ng mga producer at direktor. Ayos lang naman sana sa kanya, kung hindi lang nakakalimutan ni Carter na may inuuwian pa itong asawa. She sighed as she stared at her smartphone. Lunch break niya na. At kung noon ay madalas ang pagtawag ng kanyang asawa lalo na kapag wala itong eksena na kinukuhanan, ngayon e halos hindi na yata siya nito naaalala. Magkakausap lang sila kung siya ang u

