“Hey, sunshine…” Napalingon si Soleil sa pinanggalingan ng tinig ni Gio. Nakatanaw kasi siya sa malaking bintana ng condominium unit nito kung saan siya nito dinala. Malapit nang lumubog ang araw dahil nakikita niya na ang ginintuang liwanag na bumabalot sa kapaligiran. Bahagya niyang nayakap ang kanyang sarili nang maramdaman ang malamig na hangin ng air conditioning ng lugar. Kaagad naman iyong napawi nang maramdaman niya ang papalapit na presensiya ni Gio. “Hey…” “You good?” he inquired before handing her a cup of hot chocolate that she declined. Tipid siyang ngumiti at tumango. “Yeah, I am. Why wouldn’t I be?” Hinaplos nito ang kanyang buhok at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Look, you can cry to me, Sol. Stop pretending you’re alright. Kitang-kita ko ‘yong pamamaga n

