Lumitaw ang pagtataka sa mga mata ni Carter nang marinig ang sinabi niya. Humakbaang pa ito papalapit sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi ngunit iniiwas niya na ang kanyang mukha. Kagat ang labi na marahan niya itong itinulak papalayo. “Sol, what--” Sinulyapan niya ito. “Please, leave…” Pagak itong tumawa. “Why don’t you tell me what’s the problem, Soleil? Hindi makuntento? Hindi kita maintindihan! Hindi na naman kita maintindihan…” garagal ang tinig na saad nito. Sinubukan nitong hawakan ang kanyang pisngi ngunit umiwas siya. Napapitlag ang babae nang suntukin nito ang pader ng sauna room, tila ba nagpipigil ng galit. “Iniwan mo ‘ko na mag-isa sa hotel no’n, Soleil! Iniwan mo akong mukhang tanga kakahanap sa ‘yo, kakaisip kung anong nagawa kong mali, kung sino kasama mo pero p*tan

