As per her parents’ request, Soleil went back to her job in Alcantara Corporation as the head designer and acting COO. Hindi naman siya nagprotesta dahil sa totoo lang, nami-miss niya na rin ang trabaho niya. Her tailoring business back in France was different from what she used to do, anyway. Besides, that business was still under Gio’s company. Ito ang nagsu-supply sa kanya ng mga tela at ibang fabric na ginagamit nila sa pananahi. She felt as if she regained her career freedom by going back to her old job in their company. Madilim pa lang ay lumabas na siya ng condo nila. Dumating na ang bagong yaya ni Cyrus na siyang magdadala sa bata patungo sa bahay ng kanyang mga magulang pagkagising nito. Siya naman ay magko-commute patungo sa kanilang kompanya. Alam niyang naroroon pa rin ang sas

