Soleil sighed as she put Cyrus on bed. Nakatulog na ang bata sa pagod sa biyahe. Kanina lamang ay lumulan silang tatlo sa eroplanong maghahatid sa kanila pabalik sa X at ngayon naman ay nasa loob na siya ng bagong condo unit na kanyang binili. Doon na muna sila mamamalagi ng kanyang anak. Hindi niya kasi alam kung tatanggapin siya ng kanyang mga magulang at mas lalong wala naman siyang lakas ng loob na umuwi sa dati nilang bahay ni Carter sa takot na baka magkrus muli ang kanilang mga landas. Ayaw niyang ipaalam sa lalaki na may anak ito sa kanya at mas lalong ayaw niyang makita kung kumusta na ito. “Hey, sunshine… Is your little man already asleep?” bungad na bati sa kanya ni Gio nang sumilip ito mula sa pintuan. Ngumiti siya at tumango. “Yeah, the little guy’s asleep now. You have any

