Pagkalipas ng tatlong taon… “Levi Cyrus Alcantara! It’s bath time now, stop watching TV!” tawag ni Soleil sa kanyang dalawang-taong gulang na anak na wiling-wili pa rin sa panonood sa cartoons na nasa telebisyon. Siya naman ay nasa banyo ng kanilang 18-room apartment at inihahanda ang papaliguan ng kanyang anak. Makailang ulit niya pa itong tinawag bago ito nagtatatakbo papalapit sa kanya. Malungkot siyang napangiti nang hagkan siya nito sa pisngi at tumayo sa height chart na nasa loob ng kanilang banyo. Hindi maikakaila na kamukhang-kamukha ito ng ama nito. Maliban sa may pagka-brown blonde na buhok nito na katulad ng kanya, lahat yata ng aspekto nito at katangian ay namana nito kay Carter. Singkit na mga mata. Maliit ngunit matangos na ilong. Mapupulang mga labi na palaging may pilyon

