Soleil blankly stared at the scenery out of the window. Maganda ang pinaghalong asul at luntiang kulay ng katubigan at ang mga punong kanyang natatanaw na nakatanim sa may pampang. Totoo nga na mayaman si Gio maski sa France. In terms of net worth, siguro ay halos ka-lebel na rin ito ng ibang mga kaibigan ng kanyang asawa. Speaking of the devil, he was fast asleep beside her bed. Nakayukyok ito sa paanan ng kanyang kinahihigaang kama habang nakaabot naman ang kamay nito sa kanyang binti. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog o kung ilang oras na itong naroroon. Ang huli niyang natatandaan ay nakasakay sila sa taxi patungo sa tinitirahan nitong bahay. Hindi niya naman inakala na pagbukas pa lamang ng kanyang mga mata ay ito ang mapagmamasdan niya. Marahan niyang inalis ang

