“Ge ge, tama na ‘yan, umuwi na tayo,” pang-aaya ni Caleb sa kanya habang hatak-hatak nito ang manggas ng suot niyang polo na kanina pa gusot. Nasa Red Angel siya ngayon at hindi niya mapigilan na hindi maglasing. Vlad has already left since he told him that Lana was pregnant. The other boys were busy taking care of their wives. Lahat sila ay may uuwian. Maliban sa kanya. Wala naman na siyang dahilan para umuwi nang maaga dahil wala namang naghihintay sa kanya. Wala nang tumatawag sa kanya para lang pabalikin siya, o tanungin kung nasaan na siya. Wala na. Iniwan na siya. Wala man lang ibinigay na dahilan. Parang bula na naglaho si Soleil sa buhay niya. At wala ‘ni isa sa kanila ang nakakaalam kung nasaan ito. Mahina siyang tumawa habang nagpapahatak kay Caleb. Hinila niya pabalik ang kan

