VIII

1549 Words
“Ma’am Soleil, may nagpapabigay po.” Napatingala si Soleil na noon ay abala sa pagtingin sa mga bagong disenyo ng damit na ilalabas ng kanyang clothing line para sa buwan na iyon. Simula pa kaninang umaga ay wala nang humpay ang kanyang pagtatrabaho na nakalimutan niya nang kumain ng agahan. Nang makaalis siya sa kanilang bagong bahay ni Carter ay tulog pa ang aktor. Wala naman siyang pakialam sa kung anong ginagawa ng kanyang asawa as long as hindi ito nambababae habang nakatalikod siya. Beisdes, that man was just going to pester her even more if he learns that she was busy. Alam niya ang karakas ng unggoy na iyon at hindi niya hahayaan ang sarili niya na mas mai-stress pa sa kanyang asawa. Napakunot ang noo niya nang makita ang bouquet ng mapupulang rosas at isang box ng egg pie na nanggaling sa paborito niyang bakery. Sinenyasan niya ang kanyang assistant na ilapag na lamang iyon sa kanyang lamesa at pinaalis na ito. Wala siyang ideya kung sino ang nagpadala niyon. Kaagad niyang ibinaba ang kanyang hawak na lapis at nag-inat bago tinungo ang lamesa na kinapapatungan ng mga iyon. Sinipat. Hindi naman mukhang kahina-hinala ang kahon. Pero sino naman ang makakaisip na magbigay sa kanya ng ganoon? Wala namang okasyon. Iilan lang ang nakakaalam na paborito niyang pagkain ang egg pie. Napansi niya ang nakasuksok sa bouquet. Parang nais ni Soleil na humagalpak ng tawa nang makita ang sulat-kamay ni Carter na parang kinalahig ng sampung T-Rex sa maliit na card na nakasuksok sa loob ng bouquet. Mukhang ilang oras din nitong pinag-isipan ang isusulat nito bago nakapagdesisyon na buskahin na lamang siya. “Hey, do witches eat lunch? Curious kaming mga taong-imburnal.” She grinned before folding the card and pushing it back inside the bouquet. The roses were fresh, and they smelled good. Binuksan niya ang kahon ng mainit-init pang egg pie at kumuha ng isang slice niyon bago iyon kinagatan. Kinilig pa siya nang tumama ang lasa niyon sa dila niya. She felt energized. Kung ang egg pie man ang dahilan o ang bulaklak na galing kay Carter, hindi niya alam. Ang tanging alam niya lang ay inspired na ulit siya at maaari na ulit na magtrabaho. Bumalik si Soleil sa kanyang desk at sandaling ipinahinga ang kanyang mga mata. She sighed as she stared at the ceiling. She still could not believe that she was now married to Carter. Mas lalong hindi niya kailanman pinagpantasyahan na makasal sa tukmol na iyon. She loathed the thought of being Mrs. Chen, but here she was, wearing that expensive diamond ring from Carter, bearing his name. Hindi magtatagal at makakatanggap sila ng pressure mula sa kanilang mga magulang na mag-produce ng apo. Hindi lang iyon, maliban pa sa daan-daang problema ni Soleil ay dumadagdag pa ang kanyang mga nararamdaman sa tuwing nasa malapit ang damuho niyang kababata. Kaya siya nago-overtime nitong mga nakaraang mga araw ay hindi niya mapigilan ang pintig ng kanyang puso sa tuwing nakikita niya ito na nasa malapit. The mere sight of his ripped torso was enough for her to drool. Not that she was obsessed with his and his s****l experience, though. There was really something off about her feelings for Carter that she could not point out. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang smartphone. Speaking of the devil, sa isip-isip niya habang sinasagot ang tawag. Kinain niya muna ang crust ng egg pie bago nagsalita. “Anong problema mo, tukmol?” Bagaman nasa kabilang linya ay nai-imagine niya ang pagnguso nito. “Grabe ka talaga sa asawa mo, Luna Soleil.” He cleared his throat. “Anyway, nakuha mo ba ‘yong regalo ko?” Isang maikling oo lang ang isinagot niya. Naglakad siya muli pabalik sa kahon at kumuha pa ng isang slice. Hindi pa siya nag-aagahan at ngayon ay nararamdaman niya na ang pag-epekto ng gutom sa kanyang sistema. “Why did you call, by the way?” There was hesitation in his voice. “Want to have lunch with me? I learned from the maids that you didn’t eat breakfast. Baka magkasakit ka.” Napakunot ang noo niya at mahinang tumawa. “Nilalagnat ka ba? Bait mo ngayon sa ‘kin, a.” “Ayoko lang mabunganga ni Mama kapag nalaman niya na hinahayaan kitang umalis ng bahay na walang kain,” depensa nito. She shrugged. “I’m busy, you jerk. Go find somebody else to bother. Ask your male friends if they want to have lunch with you.” “Busy ‘yong mga ‘yon sa mga asawa at girlfriend ng mga ‘yon,” reklamo nito. “Come on, Soleil. Lunch lang naman. Kung gusto mo, susunduin at ihahatid pa kita para hindi hassle sa pagda-drive mo.” “Bakit angkulit mo?” natatawang usisa niya. “If your friends are busy with their partners, then go look for your own. Stop pestering me.” “Uhm, hello, asawa po kaya kita? Okay ka lang, Luna Soleil Chen? Pasalamat ka nga, inaaya pa kita mag-dinner. Andaming makikipagpatayan mahingahan ko lang.” She fake-gagged. “Ugh, the smell.” “Pucha,” mahinang pagmumura nito sa kabilang linya. “Bahala ka d’yan. Basta susunduin kita d’yan sa Alcantara Corp. Be there in thirty minutes. Kapag hindi ka nakipag-lunch sa ‘kin, matutulog ako sa master’s bedroom mamaya.” Tumaas ang kilay niya. “Sino namang may sabi na hahayaan kita, aber?” “Ako, bakit? May angal ka, ha?” “Oo, meron-- dep*ta,” inis na turan niya nang ibaba nito ang tawag. Sa inis ay sumalampak siya sa kanyang swivel chair at dinala ang bouquet ng mga rosas patungo sa kanyang ilong. Sininghot niya ang amoy niyon hanggang sa kumalma ang kanyang kalamnan. No one could really get into her nerves like Carter does. Kaya tuloy napapaisip siya kung kakayanin ba nila na tagalan ang kanilang pagsasama lalo na at ganito na para silang aso at pusa kung mag-away. Hindi naman sila puwedeng forever na lang na ganoon. Kung walang magbabago sa kanilang relasyon ay baka mas lalong makialam ang kanilang mga magulang. Ayaw niya naman na pag-isipan ng masama si Carter ng kanyang Uncle Chris at Auntie Cuifen kapag nalaman ng mga ito na hindi sila nagkakasundo. Problema lang ang maidudulot niyon kung sakali at ayaw niya na ma-stress pa lalo dahil lang doon. May naglarong ngiti sa mga labi ni Soleil nang mapagtanto na hawak niya ang bouquet na bigay ng kanyang asawa. Now, she looked like a lovesick fool. And it was annoying, at least that was she thought. Come to think of it, Carter has always been like this when they were young teenagers. Kapag alam nito na naiis-stress na siya sa kanyang mga klase ay mag-aaya naman ito na kumain sa labas kahit na wala naman silang ibang ginagawa kung hindi ang mgbangyan nang magbangayan. Kung hindi man siya nito inaaya sa labas ay nagpapadala naman ito ng egg pie at mga bulaklak para gumaan ang mood niya. He has always been that caring to her, which makes her wonder sometimes if he still got some hidden feelings for her. He might be a jerk all the time but he never failed on showing up whenever she was having a bad time. Carter was there when her favorite rabbits Cho and Pho, which were his gifts to her on her eighteenth birthday, died. He was there when she received a failing grade on her quiz. He was also there when she got dumped by her first boyfriend, and so many other bad times. He never failed on turning her sadness into annoyance if not making her laugh. Naipiling niya ang ulo niya nang mapagtanto na napapangiti na naman siya ng damuhong iyon. F*ck it. Napabuntong-hininga na lamang siya at inayos muli ang kanyang mga papel at ginagawa. Panigurado na hindi iyon papapigil at susunduin talaga siya ano mang oras simula ngayon. Mabilis niyang inayos ang kanyang makeup at ang kanyang damit bago nagwisik ng kaunting pabango. Inaayos niya na ang kanyang mga gamit nang biglang kumatok ang kanyang assistant. “Ma’am, dumating na po ‘yong kliyente natin para sa bagong perfume line,” saad nito. Napapalatak siya at natampal ang kanyang noo. Sa dami ng kanyang iniisip ay nakalimutan niya na may lunch date nga pala siya kasama ang lalaking anak ng mga Garnier, isang sikat na mag-asawang nagtatag naman ng cosmetic line sa ibang bansa. Balak kasi ng mga ito na makipag-collaborate sa kaniya para sa perfume line at cosmetic set na ilalabas nila sa kasunod na buwan. Malaking proyekto iyon at hindi niya maaaring palampasin ang pagkakataon na iyon. “Sure, I’ll go there in a second.” Kaagad niyang inilabas ang kanyang smartphone upang tawagan ang kanyang asawa ngunit hindi ito sumasagot. Pagkatapos ng ikatlong tawag niya ay naapgdesisyunan niya na lamang na mag-iwan ng mensahe sa kanyang assistant na ipapadaan kay Carter kung sakali mang dumating ito sa gusali nang wala pa siya. Mabilis niyang inayos ang kanyang lipstick bago binitbit ang folder na kanyang naayos na noong nakaraang linggo. Dali-dali niyang tinungo ang lobby at sinalubong ang anak ng mga Garnier bago ito dinala patungo sa isang sikat na French restaurant sa loob ng siyudad na paborito nitong puntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD