“Direk, can you call again tomorrow?” nahihiyang turan ni Carter sa direktor na nakausap niya nang makapasok sa loob ng kanyang bagong silid.
Tumawa ang nasa kabilang linya. “And why is that?”
Pigilan niya man ay umarko ang mga labi ng aktor. “You kind of... interrupted something.”
Tila nakakaunawa na tinapos na nito ang tawag bago siya binati para sa kanyang kakatapos pa lamang na kasal. Kaagad niyang inihiga ang kanyang sarili sa kama, nagpapakawala ng mga malalalim na hininga. Kahit na ikaila niya, napakabilis ng pintig ng puso niya noong mga oras na iyon. The image of Soleil stepping out of the bathroom kept on repeating in his mind. He did not mean to stare earlier but how could he even stop himself? How could he even forget that his new wife was a head-turner? Mukha itong modelo sa ganda ng korte ng mukha nito at ang berdeng kulay ng mga mata nito. Hindi ito payat, hindi rin mataba ngunit malaman sa mga parteng gustong-gusto niyang nahahawakan at nahahalikan. Simula pa noong mga bata sila ay talaga namang maraming nagkakagusto kay Soleil dahil na rin sa kagandahan nito. Noon ngang nasa highschool sila ay hindi niya na mabilang kung ilan sa mga kaklase nila ang lumapit sa kanya para magpatulong na mapalapit sa kanyang kababata. Lahat ng mga iyon ay tinatanggihan niya o tinatakot dala na rin ng selos.
Damn it. Damn it, damn it, damn it! paulit-ulit na bulong ng kanyang isipan habang hinihimas ang kanyang puson. Why did he even had to do that? Bakit niya hinalikan si Soleil? Was that even counted as a make out session? Isa pa, bakit parang nagugustuhan iyon ng asawa niya? Akala niya ba, one meter away, no touching, no kissing? Ngayon tuloy ay puno ng katanungan ang kanyang isipan. Hindi naman sa umaasa siya na magkakaroon ng kakaibang ugnayan sa pagitan nila ni Soleil, pero sa takbo ng mga bagay-bagay ngayon, mukhang mahihirapan siyang magpigil lalo na kung tumutugon din ito sa bawat kilos na ginagawa niya. Her moans were making him frustrated to the core. Kung hindi lang tumawag ang direktor niya sa pelikula at may inaalok na proyekto sa kanya, malamang ay may umuungol na ngayon.
He sighed before turning to lie face-down. Carter buried his face on the mattress, hoping that the scenarios in his head would stop from playing. Dapat niya nang tigilan ang mga pantasya niya dahil hindi siya puwedeng mahulog sa asawa niya. Panigurado na sakit lang ang ibibigay niyon sa kanya. Isa pa, halata naman kay Soleil na napilitan lang ito sa pagsasama na iyon, dahil bigla na lang siyang nagdesisyon na pakakasalan niya ito para lang masagip ang mana nito. He did not even bother on asking her what plan she has in her mind. And last but not the least, bakit niya ba iniisip na may espesyal sa bawat pag-ungol at singhap nito sa tuwing nakakalimutan niya na magpigil? Natural lang naman na maging ganoon ang reaksiyon nito lalo na at may ginagawa siyang kakaiba sa katawan nito.
Ilang beses pang nagpabiling-biling sa higaan niya ang naturang aktor bago bumangon at nagtungo sa loob ng banyo. Ano kaya ang gayumang napainom sa kanya ng kanyang mga magulang dahilan para ngayon ay maging kakaiba ang epekto ni Soleil sa kanya? Kung totoo mang nakakapagpataas ng libido ang talaba at strawberries, normal lang din ba na matagal ang epekto niyon sa katawan? May gamot ba para sa mataas na libido? Samu’t sari na ang katanungan sa kanyang isipan. Maski ang puso niya ay ayaw siyang patahimikin. Kung noon na wala siyang asawa ay gustong-gusto niya iyon, ngayon naman ay halos isumpa niya na ang sarili niya sa tuwing naiisip na naaakit siya sa kanyang kababata.
Sandali siyang naghilamos bago bumalik sa kanyang kuwarto. Nahiga siya at inilabas ang kanyang smartphone. Itinipa ang numero ni Liam. Balak niyang tawagan ang mga kaibigan niyang alam niyang masasaya sa mga relasyon nito at baka may sagot ang mga ito sa problema niya. Pagkatapos ng ikalawang ring ay sumagot na rin ang lalaki. “’Sup? Anong kailangan mo, Chen? Oh, by the way, my wife wanted to congratulate you. She didn’t had the chance yesterday ‘cause you suddenly disappeared.”
“Hey... uhm, yeah, thanks.” He cleared his throat. “Liam, I think my parents drugged me.”
“And why is that?”
“I’m feeling weird whenever Soleil’s near and I can’t hold back myself--”
“Manyak. Magpatawas ka, sira! Or maybe you should have vasectomy. Ask Warren, baka bigyan ka ng discount.”
And with that, Liam ended the call. He sighed. Kunsabagay, ano pa nga ba ang aasahan niyang sagot? Alam ng mga kaibigan niya kung gaano siya kalikot at hindi na bago sa mga ito ang ganoong balita. Kung alam lang nila ang tungkol sa kanila ni Soleil...
Sunod niyang tinawagan si Damon ngunit hindi ito sumasagot. Siguro ay busy dahil marami raw itong inaasikaso sa opisina. Ganoon din si Vlad na nagpapagaling pa rin dahil kakagaling lang nito sa pagkaka-comatose. Si Warren na lang ang natatangi niyang pag-asa na sana ay may solusyon sa problema niya. Kung problema man iyon na matatawag.
“Doc Warren speaking.”
“Hey Doc, you got a minute?”
“Ibababa mo na ba ang tawag kapag sinabi kong wala?”
“Why are you guys so cruel to me?” saad niya na kunwari ay nagtatampo.
“Okay, fine. What’s your problem, Carter? Hindi ba dapat nasa honeymoon ka pa ngayon?”
He rolled his eyes. “Honeymoon my d*ck. Nasa bahay na kami.”
“So, anong problema mo?”
He sighed. “Warren, I feel strange. Baka may nakain ako na hindi maganda kahapon kaya ganito.”
“What do you mean? Ano bang nararamdaman mo?”
“I... s**t ka, huwag mo akong pagtatawanan,” banta niya. Carter let out a deep breath. “It’s just... it feels so wrong and strange that I’m kind of attracted to her. I always thought we hated each other to the guts and now I keep on trying to hold back myself whenever I’m near her. I know that our parents set us up and they even served us aphrodisiac foods yesterday. I don’t know why I feel these strange sensations whenever she is near. I feel my body heating up, you get the idea... Tingin mo nasa sistema ko pa rin ‘yong aphrodisiac sa oysters? Or is there a medicine for this...”
Humagalpak ng tawa si Warren sa kabilang linya. “Well, there’s no scientific research about aphrodisiacs on foods yet, so I can’t answer that question. As for medicine... pahinga mo na lang ‘yan. I don’t want to prescribe you meds when I haven’t checked you in person. In my opinion, I don’t think it’s because of the food, you know? I remember you telling us that Soleil was your first love. Maybe the feelings never went away?”
He scoffed. “Asa. Nawalan na ako ng nararamdaman para sa mangkukulam na ‘yon the moment na ni-reject niya ako. Ayaw niya sa ‘kin, e ‘di huwag! End of discussion.”
“Talk about defensive,” buska ni Warren. “But seriously, how are you going to do things now between you and Soleil? You told me that everything’s out of convenience only, but the two of you have some history that you guys never resolved.”
“Hindi ko alam,” he nonchalantly answered. “Is it bad that I’m kind of disappointed that she’s acting cold again? Damn, Doc. Maybe there’s something wrong with me. May therapy ba para rito? Am I having some sort of middle-life crisis?”
Mahinang tawa at mga salitang tumatak sa isipan niya ang isinagot ni Warren Saavedra sa kanya bago nito tinapos ang tawag. “Just admit it to yourself, Carter. You still love her. Stop being stubborn. Or act like a prick. Either of the two. The choice is yours.”
Nahilot niya ang kanyang sentido at inihagis ang kanyang smartphone sa isang gilid. Again, another useless response. Paano naman nito nasabi na mahal niya si Soleil? Siya, mamahalin iyong mangkukulam na iyon? E iyon nga ang dahilan kung bakit siya naging playboy. Kung bakit siya takot sa commitments. Paano naman siya magkakagusto sa isang babae na alam niyang hindi naman ibabalik ang nararamdaman niya?
Tumitig siya sa kisame bago hinayaan ang sarili na antukin. He did not even want to think that he liked Soleil before. Let alone the mere thought of him having feelings for her now. It was just plainly absurd. Siguro ay attracted lang siya sa katawan nito? Lalo na at simula pa noong ni-reject siya nito noong sixteen sila, inayawan niya na ang pag-ibig at ginawa na lamang iyong laro. Siguro nga. Baka nga.
For the love of god, Luna Soleil Alcantara-Chen! Get out of my head! Huwag mo na akong gayumahin, please! inis na bulong ng kanyang isipan bago nagtalukbong ng kumot.