Lumipad ang unan patungo sa pintong kakasara pa lamang ni Carter. Itago man ni Soleil ay sandaling huminto ang mundo niya nang biglang gawin iyon ng asawa niya sa kanya. Pagkatapos ba naman ng nangyari sa kanila kagabi, bato na lang siguro ang hindi makakaramdam ng kahit na ano. She sighed as she plopped herself on top of the bed. Hinahabol niya ang kaniyang hininga kanina pa at hindi niya maikakaila ang pamumula ng kanyang pisngi, pati na rin ang pag-iinit ng buo niyang katawan. Iba na ang epekto ni Carter sa kanya simula noong nangyari iyon sa kanila kagabi. Akala niya pa naman ay masisindak niya ang lalaki sa pagsasama nilang iyon ngunit mukhang may iba rin itong plano at epekto sa kanya. Lalo na ang mga huling sinabi nito. Was he really that serious about their sham marriage? Hindi naman talaga nila mahal ang isa’t isa. Higit sa lahat, hindi nga nila masikmura pareho na makita ang isa’t isa nang malapitan. Paano pa nila susubukan na punan ang pangangailangan nila?
Ipinikit niya na lamang ang kaniyang mga mata at sandaling nagpahinga. Hindi na siya pupunta sa Alcantara Corporation dahil pakiramdam niya ay ninakaw ni Carter lahat ng lakas na mayroon siya. There was something hidden in his chinky eyes that made her knees tremble. Sino ba naman ang mag-aakala na ang lalaking kinaayawan niya ang kayang makapagbagabag sa kanyang isipan nang ganoon? Sinusungitan niya ito simula pa noong magising ito dahil ayaw niya na makita nito na parang lumamalambot ang puso niya dahil lang may nangyari sa kanila kagabi. Alam niya ang karakas ng mga katulad ni Carter, isa itong tipikal na damuhong walang ibang ginawa kung hindi ang humanap ng babaeng maikakama gabi-gabi. Para itong naghahanap ng trophy na maidi-display nito, katulad niya. She has been an iron lady for as long as she could remember and Carter would definitely be happy if he could make her kneel in front of him, especially when everyone around them knew how much she hates his guts.
But how would she even deny that Carter was giving her sensations that no one ever has before? She could still feel his lips roaming around her body, his rough palms gliding over her skin...
Napadilat si Soleil nang maramdaman ang pamumuo ng tensyon sa kanyang katawan. She massaged her temple before heading to the shower and letting her thoughts get drowned by the warm droplets from the showerhead. Hinayaan niya ang sarili niya na sandaling makalimot habang kinukuskos ang kanyang balat. What has gotten into you, Sol? You have never thought of a man like that before, let alone Carter.
Mahina siyang natawa nang maalala na napakarami niya nga palang nakabinbin na trabahong naiwan dahil sa kanyang kasal. Wala siyang panahon para isipin si Carter at mas lalong dapat niyang hindi hayaan na bulabugin nito ang kanyang isipan. As long as she was working and keeping him far from her, then there should be no problem between them. Let hidden feelings be damned.
Kaagad siyang nagtapis ng tuwalya at lumabas ng banyo ngunit kaagad siyang napatili nang makita ang hubad-barong si Carter na tila may hinahalukay sa mga bag na binitbit nito kanina papasok sa kuwarto niya. Sa kabilang kamay nito ay ang smartphone nito. Napapitlag pa ito at napaupo sa sahig nang marinig ang kanyang tili. Awtomatikong naiyakap ni Soleil ang kanyang mga braso sa kanyang sarili at ipinikit ang kanyang mga mata.
“Jeez, you scared the s**t out of me!” bulalas ni Carter. Dahan-dahan siyang dumilat. Bahagya nitong hinihimas ang pang-upo nito habang kamot-kamot ng kabilang kamay ang ulo nito. He was only wearing a skin-tight black boxers and she could even see the bulge on it. Ngayong nasa tamang huwisyo na siya ay hindi niya pa rin maipagkakaila ang ganda ng katawan ng kanyang napangasawa. Kaagad siyang napaiwas ng tingin nang mapansin ang malagkit na tingin ng lalaking iyon sa kanya. Upang maisalba ang sarili sa pagkapahiya ay itinaas niya ang kilay niya at humalukipkip.
“Anong kailangan mo rito, Mr. Chen?”
He shrugged. “I was looking for my underwear. You were the one who arranged our things, so I thought that they got mixed in your things...”
Inirapan niya ito. “They’re not. Get out, kailangan kong magbihis.”
There was an obvious annoyance in his voice yet his eyes were still fixated on her. “Hindi ko pa natitingnan nang maayos...”
Was he pertaining to my things, or my body? Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Sa inis ay nagmamadali siyang tumalikod at maglalakad na sana patungo sa walk-in closet niya ngunit hindi niya inaasahan na madulas ang sahig dahil sa lakas ng tulo ng tubig mula sa kanyang katawan. Kaagad na nawalan ng balanse si Soleil. Naipikit niya na lamang ang kanyang mga mata habang hinihintay ang pagtama ng kanyang katawan sa sahig ngunit ilang segundo na ang lumipas at wala pa rin siyang nararamdaman na kahit na ano. Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Sinalubong siya ng malapad na dibdib ni Carter. Nang iangat niya ang kanyang tingin ay nakapikit ito habang sapo ang likuran ng ulo nito. Nakangiwi. Siguro ay tumama iyon sa tiles nang sinubukan nito na saluhin siya.
“Jeez, Soleil. You’re f*cking heavy,” he muttered under his breath before opening his eyes. “You alright, baby girl? You’re still as clumsy as before.”
But neither of them had the chance to talk again. She was out of her mind, so it seemed. Her eyes locked on his lips, as his fingers started to trail up her arm. Her palms rested on his broad chest, as something awakened in between his legs. She could feel it. The air conditioning must be broken because Soleil could feel the room temperature rising, along with Carter’s...
Napasinghap siya nang hawakan nito ang likuran ng kanyang batok. Lalo na nang hilahin siya nito papalapit. Strangely, her body did not even resist. It was as if Carter has the control over it, following each and every move that he does. His lips tasted more enticing now compared last night. Malambot iyon, bagaman pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga iyon. Mas lalong uminit ang paligid nang maramdaman niya ang paglapat ng balat nila sa isa’t isa. Ang tanging nakapagitan lang ay mga maninipis na telang pananggalang nila, tanging mga bagay na pumipigil sa kanilang dalawa na ulitin ang mga nangyari kagabi. Ramdam niya ang paglalim ng halik nila sa isa’t isa lalo na nang mag-umpisang maglibot ang mga kamay nito. Nang mapaungol ito sa sensasyong nararamdaman nito noong mga sandaling iyon. How could she even deny it? Carter was still... doing things to her mind and heart. She was well aware of that. Just like when she was a naive girl of sixteen, he was still sending a whole goddamned zoo in her stomach, making her all giddy and excited.
But still, things had already changed. He was no longer the same Carter that she knew, and if he keeps on stimulating her like this, using his experienced touch to make her give in, she would definitely fall head-over-heels, without even guarding her heart.
Naramdaman niya ang mga daliri nitong naglalaro sa itaas ng tuwalyang nakatapis sa kanyang katawan. Tila ba pinag-iisipan nito na alisin iyon. Bago pa man siya makapagdesisyon kung hahayaan niya ang kanyang asawa o hindi ay biglang tumunog ang smartphone na hawak nito. Tumatawag ang direktor na kasama nito sa isang pelikula.
Bagaman ramdam pa rin ang init ng paligid ay kumawala siya mula sa pagkakahawak nito sa kanya. They were both panting heavily as Carter stared into her green eyes, thinking of what to say.
“Sorry... That was uncalled for,” mahinang bulong nito.
Tipid siyang ngumiti. “I apologize. I was a little bit carried away.”
Nang muling tumunog ang smartphone nito ay umalis na siya sa pagkakadagan sa lalaki at naglakad papalapit sa kanyang walk-in closet. Pumasok siya sa loob niyon habang rinig niya naman ang papalabas na yabag ni Carter mula sa silid niya. Nang dumagundong ang mahinang tunog ng pagsara ng pinto nito ay tsaka lamang siya nakahinga nang maluwag. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod na kinailangan niya pang maupo sa harapan ng kanyang vanity desk upang makabawi ng lakas. That was unexpected. That shook her a little bit to her core. Kung hindi ito tinawagan ng direktor na katrabaho nito, God knows what could have happened. They might have finished what business they had left last night.
“Ugh, you’re such a dumb b*tch, Luna Soleil,” bulong niya sa sarili habang pilit na pinapakalma ang kanyang katawan. Nasapo niya na lamang ang kanyang noo. She should not fall for Carter. Not with that man. Not again. “Of all people, why do you have to feel this kinds of sensations to Carter? Alam mo naman na laro-laro lang ang s*x at pag-ibig do’n sa hinayupak na ‘yon... You’re in danger... Forget those emotions before it gets dangerous for you...”