Naalimpungatan si Carter nang maramdaman ang marahang pagtapik sa kanyang pisngi. Marahan niyang idinilat ang kanyang mga mata upang makita si Soleil na nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya. Mukhang hindi maganda ang gising nito. Kaagad siyang bumangon dahilan para mahulog ang kumot na nakatakip sa kanyang hubad na katawan.
Nagpakawala si Soleil ng nanghihilakbot na sigaw bago tinakpan ang kanyang mga mata. “I f*cking knew it! Magsuot ka nga ng damit, Levi Carter Chen! Jeez, are you a kid? Hindi ka ba natutong magsuot ng saplot?”
Dahil bahagyang nawindang sa maagang sermon at pagtili ng babaeng nasa harapan niya ay kaagad na nagsalubong ang kilay ni Carter. Mas lalong naningkit ang mga mata. Inis niyang kinamot ang kanyang ulo at tinapunan ito ng tingin. “What the hell is your deal, Sol? Ke-aga-aga, inaaway mo ako.”
Inirapan siya nito. “Alas dose na ng umaga. Dapat kanina pa tayo nakauwi sa bagong bahay natin. But look, our schedule got delayed because someone can’t even wake up early.”
Walang ibang nagawa si Carter kung hindi ang magpakawala ng malalim na buntong hininga. Pagkatapos nilang magsalo sa isang mainit na sandali ng unang gabi na mag-asawa sila, heto at halos kulang na lang ay ipabarang siya ni Soleil. Ayaw man niyang aminin sa sarili niya ay nakakaramdam siya ng kaunting pagkadismaya. Maayos naman ang pakikitungo nito kagabi sa kanya ngunit ngayon ay tila balik sila sa dati. Kung araw-araw silang magbabangayan, papaano nila matatagalan ang katotohanan na kasal sila sa isa’t isa?
He yawned before picking up his briefs. Kaagad niyang isinuot iyon at sunod na pinulot ang pantalon niyang nakakalat din sa sahig. Mukhang nakaligo na si Soleil dahil nakasuot na ito ng itim na bestidang hapit sa katawan nito at coat. Mukhang nagbabalak pa ito na sumaglit sa Alcantara Corporation kaya naman heto at mainit ang ulo sa kanya dahil lang tinanghali siya ng gising. His head was still pounding since he has not gotten any decent rest these past few weeks because of his wedding. Inaasikaso niya rin ang acting career niya. He might be the guy who loves to party and sleep around but he was a responsible person when it comes to work and other commitments.
“Bilisan mong magdamit at umuwi na tayo. Naiayos ko na ‘yong mga gamit mo, nag-iwan ako ng bagong polo at hayan, nasa kama. Isuot mo na lang. Napunit ko ‘yong suot mo kagabi. I’ll just have it repaired,” malamig nitong sabi habang inaayos ang dalawang maliit na bags na dinala nila noong mag-check in sila sa Astoria Hotel. Mga personal nilang gamit iyon. Carter just shrugged and followed what she has ordered him to do. Wala rin naman siyang ibang magagawa. Kung ayaw niyang makarinig ng sumasabog na tangke at armalite na bunganga, kailangan niya na lang talagang sumunod sa bawat gusto ng kanyang asawa.
Isa pa, ayaw niya na sumama pa lalo ang tingin ni Soleil sa kanya. Simula pagkabata ay kilalang-kilala niya na ito. Bossy. Mabait pero suplada. Iilan lang ang madalas na samahan nito, at kasama na siya roon hanggang sa umamin siya na gusto niya ito. Unti-unting lumayo si Soleil sa kanya dahil kapatid na raw ang turing nito sa kanya at para sa babae ay imposible para rito na magustuhan siya. He was sixteen back then. And since that fateful day, he has vowed to himself two things: never fall in love again and annoy the hell out of Soleil until his last breath.
Marami sa mga lalaking nagkakagusto kay Soleil ang hindi makaintindi sa ugali nito. Iilan lang yata ang mga naging karelasyon nito na naiintindihan ang kanyang asawa ngunit sa bandang dulo ay sinusukuan din ito dahil palaging gusto nito ay ito ang nasusunod. Mukhang iyon ang magiging setup nila ngunit hindi naman naaasar si Carter o nasisindak. Kilala niya si Soleil simula pagkabata at naiintindihan niya ang mga gusto nito. Kung saan ito masaya ay iyon na lang ang susundin at gagawin niya, para wala na ring gulo.
Nang makapagdamit ay kinuha niya ang dalawang bag na nakatabi sa may pinto ng hotel room na tinuluyan nila. He checked his wallet and phone to make sure that he did not forget anything. Nauna nang lumabas si Soleil ng hotel room kaya naman sumunod siya kaagad. Nang makasakay sa kanyang asul na Chevrolet ay pareho silang walang imik. Abala naman ang kanyang asawa sa laptop nito at mukhang may ginagawang report.
Nagsisinungaling siya kung sasabihin niya na natutuwa siya sa sitwasyon nila. Bagaman kasunduan lang ang lahat, hindi maalis ni Carter sa kanyang sarili na umasa na kahit papaano ay hindi na magiging bayolente ang kanyang kababata sa tuwing nakikita siya. Ngunit bagaman hindi na ito madalas makipagtalo, heto at itinuturing naman siya na parang hangin. Kung kagabi ay pinatikim siya nito ng langit, ngayon ay para na lamang siyang basurang dinadaan-daanan nito.
He sighed as he drove faster. Wala na rin naman na siyang magagawa. Kung ayaw siyang kausapin ni Soleil, e ‘di hindi. Basta hindi lang ito makikipag-usap o makikipagrelasyon sa iba habang kasal sila, masaya na siya roon. Kahit na alam niya naman na hindi sila hahayaang kumuha ng annulment ng kanyang ama.
Madilim ang kanyang anyo nang ipasok ang kanyang mamahaling sasakyan sa loob ng bagong bahay nilang dalawa. Isa iyong modern minimalist mansion na may dalawang palapag at may malawak na rooftop. Malalaki ang mga bintanang salamin niyon at halos kita na ang buong kabahayan kung hindi isasara ang mga kurtina. Ngunit dahil artista siya at gusto niyang pahalagahan ang privacy nilang mag-asawa, heavily tinted ang mga iyon. Gawa sa river rock bricks ang kabuuan ng bahay habang marmol naman ang sahig.
Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng garahe habang patingin-tingin naman ang kanyang asawa sa malawak na hardin. Nang maburyong ito ay iniwanan na siya nito at pumasok sa loob, bitbit ang laptop nito. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga bago sumunod kay Soleil, bitbit ang dalawang bag ng damit na iniuwi nila. Walang umiimik. Sa tingin niya ay nasa loob na rin ang mga wedding gift na natanggap nila sa kasal at wala naman siyang balak na buksan iyon kaya ipapaayos niya na lang kay Caleb bukas. Inaantok talaga siya maliban sa naiinis siya sa hindi maipaliwanag na dahilan at gusto niyang magpahinga.
Mabilis niyang dinala ang mga gamit ng kanyang asawa sa master’s bedroom. Tiyak niya na roon ito nagtungo. Nang mailapag niya ang mga gamit nito sa loob ng silid ay mabilis niyang ipinihit ang kanyang katawan palabas ng silid. Nakaupo lamang si Soleil sa kama at tahimik siyang pinapanood. Nang akmang bubuksan niya na ang pinto ng silid para lumabas ay pinigil siya ng tinig nito.
“Hindi ba natin pag-uusapan kung anong manyayari sa ‘tin? Wala ka ba talagang pakialam sa setup natin, Carter Chen?” malamig na tanong nito.
“Bukas mo na lang ako awayin, pagod ako. I haven’t slept properly for weeks at may mga shooting ako, Soleil.”
Hindi ito nagpatinag. “First rule. We’re not sleeping together unless my parents or your family visits us. Dito ako sa master’s bedroom matutulog while you’ll be using the guest room kagaya ng napag-usapan kagabi.”
Carter sighed. “Okay, fine.”
“Second rule. Bawal mo ‘kong hawakan, halikan, yapusin, o kahit akbayan lang unless required at kailangan. Stay one meter away from me at all times. Get it?”
Tumaas ang kilay niya. “Makaarte ka naman akala mo may nakakahawang sakit ako. Asawa mo ako, Soleil. Hindi ako kung sino lang.”
She sarcastically shot a smile at him. “Sorry, hun. As far as I can remember, this is just a marriage for convenience. So put up with my rules or ask your father for an annulment. That simple.”
Inis niyang kinamot ang likod ng ulo niya at humalukipkip. Isinandal ni Carter ang kanyang sarili sa pader at tiningnan ang kanyang kababata, ngayon ay mas madilim na ang kanyang mukha. Alam naman nila pareho na hindi papayag ang matandang Chen na kumuha sila ng annulment. Baka matuluyan silang mawalan ng mana kung ipipilit pa nila. Isa pa, takot siya sa kanyang ama. “Okay, fine, Lucrecia. Ano pang batas ang meron ka? Bilisan mo at nang makatulog na ako. A single second with you makes me go nuts and I can’t afford losing my brain cells over this argument.”
Nag-iwas ng tingin si Soleil. Ilang sandali pa ang binilang ngunit hindi ito nagsalita. Unti-unti nang nararamdaman ni Carter ang pag-epekto ng pagod at antok sa katawan niya ngunit hinintay niya pa rin ang sasabihin nito. Mayamaya ay bumuka ang bibig ng kanyang asawa. “Kalimutan mo na ‘yong nangyari kagabi. That’s my last rule. I don’t want to talk about it and--”
Pagak na tumawa si Carter. “Bakit? Hindi ka makapaniwala na natikman mo ang lalaki na sinasabi mong amoy imburnal at mukhang imburnal? I guess you now have a good idea why girls flock around me, Sol.”
Inirapan siya nito. “Oh, and I freaking regret spending the night with you, Carter Chen. It wasn’t satisfying and you’re the most annoying partner in bed--”
Natigilan ito nang sumeryoso ang mukha niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa pinto at naglakad papalapit sa kanyang asawa. Kahit sa may kalayuan ay nakikita niya ang paulit-ulit na paglunok nito, napaatras at tuluyang natumba sa higaan nang daganan niya ito. One of his knees nudged her legs apart, the other on her side. His hands traveled to her pulses, holding them tight and still. Soleil’s green eyes widened when Carter crossed the distance between their faces, letting his hot breath tickle her neck.
He smirked. “Shall I satisfy you now, baby girl?”
“Get the hell away from me or I’ll kick you in the balls--”
Tinawanan lang siya ni Carter. Sinapo niya ang baba nito at pilit na pinatingin sa kanyang mga mata. Her face was beet red and she was panting heavily. “I’m not the one you should play your games with, Soleil. Iniintindi kita bilang asawa ko at wala akong pakialam kung ano ang mga utos na gusto mong gawin ko. Naiintindihan ko na bossy ka at gusto mong nasusunod palagi pero huwag mo naman akong subukan sa mga bagay na alam mong magaling ako. Fine, we’ll not talk about what happened on our honeymoon night. Pero siguraduhin mo na hindi mo hahanap-hanapin lahat ng ginawa natin sa isa’t isa kagabi dahil hindi ko na ulit ‘yon gagawin sa ‘yo dahil sabi mo nga, ayaw mo.”
Hindi ito kumibo, ngunit pulang-pula pa rin ang mukha nito. Umalis si Carter mula sa pagkakadagan niya rito at hinayaan na maayos ang sarili nito bago tinungo ang pintuan. He unbuttoned his shirt open. Bago lumabas ay nilingon niyang muli si Soleil. Hindi pa rin siya nito tinatapunan ng tingin.
“Oh, and last rule, if you’d let me,” dugtong niya pa. “I won’t sleep with anybody while we’re married. But in return, Luna Soleil Alcantara-Chen, no other man can have you. No other man aside from me.”