Prologue
WARNING CONTENT: R-18 🔞
"Magkakapera ka ba niyan sa kursong 'yan? Ni hindi ko nga alam kung ano 'yan eh! Bakit hindi na lang engineering, nursing, o kahit anong may kinalaman sa medical o architecture ang kinuha mo? Bakit 'yan pa—na mauuwi ka lang sa pagtitinda ng gulay at isda sa palengke? Sinasayang mo ang pagiging iskolar mo!"
Napabuntong-hininga ako habang niluluto ang sunny-side up egg na almusal namin ni Mama. Ang aga-aga, unang araw ko sa kolehiyo ngayon, pero heto siya—sermon nang sermon. Mula noong summer hanggang ngayon, pare-pareho na lang.
"Luto na po, Ma. Kain na tayo," sabi ko, habang hinahanda ang pagkain at mga pinggan sa maliit naming mesa.
"Ayan! At hindi ka pa nakikinig sa 'kin! Nilalabas mo lang sa kabilang tenga mo! Diyos ko, Rafina! Porke't iskolar ka, wala na akong karapatang magbigay ng suhestiyon sa 'yo? Sa kung anong nakakabuti sa 'yo?" Padabog siyang nagsandok ng kanin at itlog.
Napakarami na niyang masasakit na salitang sinabi sa 'kin mula noong iniwan kami ni Papa. Siguro kaya kalyo na ang tenga ko. Gaano man kasakit, hindi ko na maramdaman.
Hindi na sakit—inis na lang.
Sa bawat nguya ko ng itlog, naririnig ko ang pagkiskis ng ngipin ko. Gusto ko sanang sumagot, pero anong laban ko? Tahimik lang akong kumain, tinatanggap ang mga salita niya na parang mga tinik sa lalamunan.
Nawala lang ang bigat ng dibdib ko nang tuluyan kong marating ang napakalaking gate ng unibersidad na nagbigay sa 'kin ng pagkakataong makapag-aral ng libre.
Pagpasok ko, sinalubong ako ng lawak ng field, mga lumang Spanish buildings, at isang cathedral na parang kaytagal nang nakamasid sa langit. Ang ikatlong gusaling nadaanan ko ay parang museo pa.
Ang ganda. Parang may sinserong pagmamahal sa kasaysayan ang lugar na ito.
Ayon sa brochure, kailangan kong pumunta sa amphitheater ng College of Arts and Sciences. Sinusundan ko ang mapa habang naglalakad sa malapad na garden passageway, nang bigla—
May humablot sa kaliwang pulsuhan ko.
"Hello, there..." bati ng matangkad na lalaki na may matamis na ngiti. "Good morning..."
Bago pa ako makasigaw, hinila niya ako papasok sa restroom. At sa isang iglap—may mainit na labi nang dumampi sa akin.
Halik.
Nanlaki ang mga mata ko. Halik?
Ito ang unang halik ko—at ninakaw lang niya. Mali, hindi ito ang unang halik ko, ngunit hindi ko ito gusto!
Umatras siya, gulat din. Pareho kaming huminga nang malalim, at sabay-sabay na tinulak ang isa't isa.
Pero hindi pa ako tapos.
Sa inis at hiya, tumingkayad ako at ibinigay sa kanya ang pinakamalakas na sampal na kayang ibigay ng isang babae sa buong mundo.
Umugong ang sampal sa buong restroom.
"So-sorry," napalabas ko, nang mapagtanto kong napalakas yata. Pero agad kong binawi. "But not sorry."
Tumingin siya sa akin, hinilot ang leeg, pinatunog ito. "Damn," bulong niya sa mababang boses. "My bad. I thought I knew you." Pinunasan niya ang gilid ng kanyang labi.
Napatingin ako ro'n—sa labi kong ninakawan niya ng una kong halik—at lalo akong nainis. Tinulak ko siya para makaalis.
Paglabas ko, mga estudyanteng nakatingin. Lahat, nagbubulungan.
"Lagot yan kay Gelyn."
Hindi naman ganyan si Ardeu, siguro nagpakita yan ng motibo."
"May sumasapaw kay Janna."
Napalunok ako. Ano 'to, palabas?
"You w***e!" sigaw ng babae mula sa likod.
Bago pa ako makalingon, may humila na sa buhok ko. Napaupo ako sa sahig sa sobrang sakit. Hinila niya ulit—pataas.
"Janna!" sigaw ng isang lalaki, ang lalaking biglang nanghalik sa akin!. Nilapitan kami, niyakap ang babae palayo sa 'kin. Pero kahit buhat na niya ito, hindi pa rin ako binitiwan.
Sa inis ko ay, sinabayan ko ang hila ng babae sa aking buhok, nabitawan niya ako dahil nailayo na siya ng lalaking dahilan ng lahat ng ito.
Ngunit maliksi ang babae dahil nasampal niya ako. Sa daming sakit na salitang sinabi sa akin ng aking ina, kailanman ay hindi ko naranasan ang pamimisikal nito.
Di ako makakapayag na mararanasan ko iyon sa ibang tao.
Sa inis ko ay gumanto ako ng sampal, mabilis akong lumapit sa lalaki at pinakawalan ko ang pinagbabawal kong teknik... bilang isang ballerina bata pa lang.
Mataas akong tumalon kaya't kahit matangaka siya ay naabot ko ang ulo nito upang gawin ang roundhouse kick na kay tagal ko ring pinag-aralan.
Napatili ang babae, napaiyak sa sakit. Samantalang ang lalaki ay hindi man natumba alam kong natinag siya.
Tumahimik ang paligid. Lahat nakatingin.
Great. Unang araw pa lang, may record na ako.
Mali, dapat mas lalo ko pang ipaigting ang pasensiya ko. Bakit ko naman hinayaang lumabas ang sungay ko sa unang araw ko rito.
Sa Counseling Office ang punta ko. Magaling!
"Suspension? Or worse... mawala ang scholarship ko," bulong ko habang nakatingin sa sahig.
"It was my fault," sabi ng lalaking tukmol na dahilan ng lahat sa propesor. "I grabbed her 'cause I thought I knew her." Tumitig ito sa akin, nakangisi.
Para siyang iyong mapagbalatkayong tao, may malawak at magandang ngiti, ngunit ang mga mata niya ay mapanganib.
"Janna, my girlfriend accused her, and it wasn't true and it caused a commotion," pag patuloy ng lalaki.
Tahimik ang silid. Si Janna, iyak nang iyak. Ako, gusto ko na lang lumubog.
Paglabas ko ng opisina, gusto ko na lang umuwi. Pero narinig ko siyang tumawag mula sa likod.
"Hey, wait."
Wala akong gana makipag-usap sa kanya. Huminto ako pero hindi lumingon.
"Look," sabi niya. "I sincerely apologize for what happened and what I did. I didn't expect—"
"Sa susunod na nangangati 'yang bibig mong manghalik," putol ko, mariin, "ikiskis mo na lang sa pader. O siguraduhin mong kilala mo muna 'yung babae. Hindi 'yung parang manyak kang hayok na hayok. At 'yung aso mong nangangagat, itali mo na lang." Nakangiti ako habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Tahimik niyang pinakinggan antg mga sinabi ko. Ako rin natahimik, dahil nakalimutan ko naman ang magkontrol ng inis.
Pero sa wakas, nakahinga ako. Parang may tinik na nabunot sa dibdib ko.
Ardeus's
Never, in his twenty years of life, had Ardeus Rowaine Alteza been told off that way.
For a second, her words stung. But then... he smiled.
He found her fascinating.
Her flushed face, trembling voice, and those eyes that dared to meet his—it wasn't anger that filled him. It was intrigue.
So that's how she looks when she fights back. huh?
He bit his lower lip, the same one that had brushed against hers minutes ago.
"Well," he muttered, smirking to himself, "next time, I'll make sure those lips beg for it."
He watched her walk away, clutching her books, hair slightly disheveled, pride intact.
Beautiful.
He turned when he heard a soft sob.
"Ardeus, I'm so, so sorry," umiiyak na sabi ni Janna sa likod niya. "Akala ko kasi—"
He sighed. "And I'm sorry, Janna." Ardeus smiled sweetly. "Bu you've been always like this, shall wecall it quits? You've forgotten why we're on this boat."
She tried to reach for him. "Please, Ardeus—"
He tapped her shoulder lightly and smiled. "You'll be fine."
Then he walked away.
To anyone watching, Ardeus Rowaine Alteza looked like the perfect guy — tall, cheerful, approachable, the campus golden boy. Everyone adored him. He laughed easily, greeted everyone by name, treated the janitors with the same charm he used on professors.
He was sunshine—until you looked too closely.
Because behind that smile was someone who measured people, cataloged their weaknesses, and rehearsed every grin.
He liked being adored—it made control easier.
And today, something shifted.
For the first time, he found someone who didn't melt under his charm.
Someone who hit back.
Her name echoed in his mind. Rafina Floare Salvacion-Matei.
A girl too poor to matter, too stubborn to obey.
Perfect.
"You'll be my new project," he whispered under his breath, as the wind from the open hallway brushed against his hair. "And maybe... the only one I'll ever keep."
He looked up, sunlight catching his eyes like gold reflecting darkness.
Everyone saw a boy who could light up a room.No one saw the god he was building inside.