Pov- Lucas Mabilis kong hinawakan ang dalawang kamay ni Miya saka ko ito itinali kagaya ng ginawa sa akin ng tatlong lalaki na inutosan niya kanina. "Anong ginagawa mo? Sambit ni Miya habang nagpupumiglas siya sa pagkakatali. Hindi dapat ka-agad ako nagtiwala sa 'yo, bwesit ka! nilinlang mo lang ako!" galit na sabi niya sa akin. "Pasensya ka na Miya, kahit ano ang gawin mo hindi mo mapapakinabangan ang katawan ko, dahil nakalaan na ito sa isang babaeng mahal ko, huwag ka na rin umasa na magagawa mo pang muli ang binabalak mo. kaya pasensyahan na lang tayo! kailangan ko rin umalis sa lugar na ito. Hindi pa tayo tapos babalikan kita para managot ka sa ginawa mo sa a'kin, mali ka ng kinalaban Miya maling-mali," paliwanag ko. "So, pa-ano iiwan na kita ha, ikaw na ang bahala kung pa-ano

