"What happened to you lucas, why do you look like that?" Nagtatakang tanong ng Ina ko, matapos niya akong makita iluwa ng pinto. "Don't worry Ma, I'm fine, i need to rest," sambit ko. "P-pero anak, ang akala ko ay pumunta ka sa bahay nila Jessica, dahil ang sabi mo sa akin ay susunduin mo siya, nasaan siya? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong ng Ina ko, at halata sa kanya ang labis na pagtataka at pag-alala. "May nangyari hindi maganda Ma, kaya narito ako ngayon at 'di ko kasama ai Jessica. But I'll tell you about that tomorrow, I'm tired," Turan ko. "Okay anak, pasensya ka na, nag-alala lang kasi ako, lalo't ngayon ka lang dumating, Sige magpahinga ka na bukas na tayo mag-usap. Tumalikod na nga ako kay Mama, at iniwan siya sa kanyang kinatatayuan, naglakad ako papasok ng aking silid

