"Jessica's Pov) KASALUKUYAN pa rin kaming nasa loob ng mall ni Jessica at napansin ko sa aking relong pambisig na magalas-kwatro na ng hapon at kung saan-saan na rin store ako dinala ng pinsan ko saka nahihilo na rin ako. Huyst! kita mo itong babae na ito halos yata ng magustohan niya sa mall na ito ay hindi niya pinapalampas saka marami na rin itong pinamiling mga bagong damit na akala mo naman ay susuotin ng sabay-sabay, na kahit ako ay binilhan din niya ng mga nagustohan ko, ibang klase din itong pinsan ko parang mayaman ang bruha kong mamili, dahil kulang na lang bilhin niya ang buong mall, sa dami ng binili nito. "Ano ba Jen kanina pa tayo ikot ng ikot dito sa loob ng mall oh, hindi pa ba tayo uuwe?" tanong ko nakataas ang kabilang kilay ko. "Saglit naman pinsan maghintay ka

