Chapter 42 NIÑA's POV: TULUYAN na akong nagpasakop sa halik ni Greg. Ang banayad na halik nito sa aking labi ang nagpukaw sa damdamin ko. Unti-unti nang nakaramdam ng init ang katawan ko. Malambot ang labi ni Greg — kaya matamis ang naging halikan naming dalawa. Hindi na ito katulad dati na parang ginagahasa niya ako. Bagkus, ramdam ko ang kanyang pagmamahal sa bawat galaw ng kanyang labi. Nang sakupin niya ang aking labi — dahan-dahan niya ring pinabuka ang aking bibig kaya tuluyan niyang naipasok ang kanyang dila sa loob. Hindi na ito isang simpleng halik sapagkat nagpapalitan na kami ng laway sa isa't isa. Nagawa kong magtapat sa kanya ng aking pag-ibig. Hindi ko na rin magawang pigilan pa ang aking nararamdaman... Naging komportable na ako sa binata. Pinasaya niya ang gabi ko. A

