Chapter 41 GREG's POV: PINAG-ISIPAN ko nang mabuti ang lahat nang sinabi ni Niña. Halos lahat nang binitawan niyang kataga ay may laman. Puno nga nang galit ang dibdib ko. Hindi ko kasi magawang bigyan ng hustiya ang pagkamatay ng aking asawa. Nasanay kasi ako na lahat ng may atraso sa akin, kinikitilan ko ng buhay. Pero sa pagkakataong ito, nakatagpo ako ng babaeng mag-iiba ng pananaw ko at magpapabago ng landas na tinatahak ko. Natutunan ko nang mahalin si Niña. Kaya lang hindi niya magawang tanggapin ang kinasanayan ko. Gusto niyang baguhin ako at alisin ang poot na bumabalot sa aking puso. But in my case, it's very hard to forgive and forget. Hindi ko naman kayang isantabi na lamang ang nangyari kay Angel. Kaya hindi maaaring hindi ko makuha ang hustisya na para sa kanya.

