Cheska's Pov "Pasensiya na talaga kayo. Kahapon pa ako hanap nang hanap sa kanya. May kausap kasi ako sa telepono no'ng bumitaw siya sa pagkakahawak ko. Ang buong akala ko naglalaro lang siya sa play ground. Pasensiya na sa istorbo. Maraming salamat sa pag-alaga sa anak ko." Kinuha niya sa akin ang anak niyang si Lenlen. Namamaga pa ang mata ng babaeng nasa harap ko. Marahil umiyak sa sobrang pag-aalala. "Sa susunod kasi paki-ingatan na lang 'yung bata. Paano kung hindi na naibalik sa 'yo ang anak mo? May magaga---" Tinakpan ko ang bibig ni Marco. "A, sige po mauna na kami. Lenlen huwag ka na ulit hihiwalay sa mama mo, 'a? Be a good girl okay? Para hindi na iiyak ang mama mo. Sobrang nag-alala ang mama mo sa 'yo kaya siya umiyak," sabi ko sabay gulo ng buhok niya. "Pakibantayan na lang

