Cheska's Pov I want a barbecue hotdog. Kaya ito kami ngayon ni Ziana, kagagaling lang namin sa grocery store malapit sa resort. Bumili kami ng isang kilong tender juicy hotdog. Mukhang mauubos ko ata ito. Take note; akin lang. Siyempre, joke lang iyon. Baka maging dambuhala na ako kapag inubos ko ito mag-isa. Mabilis akong bumaba ng kotse ni Ziana. Gusto ko na kasi maamoy ang usok na galing sa iniihaw. Hindi ko na hinintay pa si Ziana. Gusto ko ng kumain, e. "Hoy! Hinay-hinay makatakbo ka akala mo hindi ka buntis, a!" rinig kong sigaw pa ni Ziana. Bigla naman akong napatigil sa takbo at dahan-dahang naglakad papunta sa barbecue stand. May mga nadaanan pa akong kumpol ng mga kalalakihan na hindi maiwasang sumipol nang dumaan ako sa harap nila. Sino ba naman ang mag-aakalang buntis ako

