Nakadaong na sa gilid ng kung saang pantalan ang bangka nang muli siyang magising. Nakahiga siya sa sementadong kalsada, nanginginig sa lamig. Bumangon siya, sumiksik sa gilid ng isa sa mga higanteng kahon na nasa paligid. Sa harapan niya may mga lalaking mabilis na nag-uusap sa chinese. Nagtatalo ang mga ito tungkol sa kulang na pagpaplano. At na wala raw mapagtataguan para sa kaniya. At na baka may nakaalam nang kinuha siya at may humahabol na sa mga ito. May binanggit na kidnap at ransom at pagpatay. Natakot siya, humikbi, na naging malakas na iyak. Gulat na napalingon sa kaniya ang mga lalaki. Nagkaroon ng espasyo at kaunting liwanag kaya nakita niyang may kausap din palang babae ang mga ito. “Baomu,” tawag niya sa yaya niya. “Bi zui!” mahina pero matalim na pagpapatahimik sa kaniya

