TAONG ninety ninety five nang maging laman ng balita ang tungkol kay ‘miracle boy’. Namatay ang issue na iyon bago pa man masagot ang mga misteryong bumabalot sa balita na iyon. Sa paglipas ng mga taon, nawala na sa isip ng mga tao ang tungkol sa batang lalaking natagpuan sa loob ng cargo ng mga illegal na gamot. Ang mga nakakaalala na lang rito ay ang mga taong naging bahagi ng buhay ng lalaki mula pa noong bata ito. And maybe that is a good thing. Kasi pagkatapos nila malaman ang buong katotohanan sa tunay nitong pagkatao, mas makakabuti nga na hindi na naaalala ng mga tao ang tungkol kay miracle boy. Kumatok si Allen sa pinto ng VIP suite ng ospital. Hindi na niya hinintay sumagot ang pasyente sa loob. Pumasok na siya at napasimangot nang makitang nakaupo pasandal sa headboard ng hospi

