Maraming taon ang lumipas. Matilda St. Clair was never the same again. Sa harap ng maraming tao, isang matagumpay at matapang itong babae. Pero kapag mag-isa, ginugupo ito ng lungkot at pagluluksa sa nawalang anak. Doon nagsimula ang habit nito na mag ampon ng mga batang lalaki. Sa tuwing may nakikita itong bata na may potensiyal at may pagkakahawig sa hitsura, aura, ugali at talino ng tunay nitong anak, inaampon nito at inaalagaan. Nang makasampung ampon na ito, nagdesisyon si Matilda na tumigil na. She finally have heirs and she loves them all. Pero isang araw, kinailangan nito pumunta sa Pilipinas na apat na beses sa isang taon lang talaga niya nabibisita. May natanggap itong report na may nagtagumpay raw i-hack ang computer system ng Empress Bank. Isang teenager na may pangalang Maki

