“WHAT ARE you doing alone out here? Getting tired of acting sociable?” Lumingon si Keith nang marinig ang boses ni Matilda St. Clair. Umangat ang mga kilay niya, pumihit patalikod sa hardin kung saan siya nakatitig kanina para humarap sa matandang babae. Malawak siyang ngumiti. “Anong ibig mong sabihin?” Tumaas ang kilay nito, lumapit at inabot sa kaniya ang isa sa dalawang kopita ng red wine na hawak nito. “Stop that bullshit, Keith. We know each other too well.” Nawala ang ngiti niya at nagkibit balikat. Ininom niya ang red wine na ibinigay nito at tumitig sa loob ng ballroom kung saan nagkakasiyahan pa rin ang mga bisita. May tumutugtog na love song at maraming pareha ang sumasayaw sa gitna ng dance floor. Narealize niya na halos lahat ng pareha ay mga kaibigan niya. He can even see
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


