“NO! TEACHER, huwag ka umalis!” Namasa ang mga mata ni Allen at parang gusto yakapin lahat ng mga estudyante niya kasi ayaw rin niyang iwan ang mga ito. Pero kailangan na talaga niya magpaalam lalo at orientation na sa bago niyang trabaho sa isang araw. “Papasyal naman ako kapag may time ako, kids. Basta huwag lang kayo titigil mag taekwondo magkikita pa rin tayo. Ma mi-miss ko kayo.” Matagal bago niya napakalma ang mga estudyante niya. Mas emotional pa nga siya kahit nang makaalis na ang mga ito kasama ang kani-kanilang guardians. Lalo at maluha-luha rin sina Donna at Nina nang magpaalam siya sa mga ito. Natatawa na lang si Mr. Kim habang pinapanood sila. Kinagabihan, pagkatapos ng huling klase umorder pa ang matandang lalaki ng malaking pizza para raw sa farewell party niya. Alas

