Humakbang palapit sa kanila ang matandang lalaki. Napa-igik siya at napatili naman si Allen nang bigla siya nitong sipain sa tiyan. “Mayabang ka pa rin tumingin sa akin kahit nakasalalay sa akin ang buhay mo ha?” Sinipa siya nito uli. Naramdaman niyang gusto ni Allen na harangan siya pero marahas niya itong itinulak palayo sa kaniya. Siya lang ang kailangan ng mob boss na ‘to. Siya lang ang dapat masaktan. “Jovit Magsanoc. Siya ang rason kaya mo pinakielaman ang dealings ko sa nakaraang mga taon, tama ba? Alam kong tatay-tatayan mo siya. May tauhan din ako sa police station, bata. Alam kong umiyak ka nang malamang namatay siya. Alam kong nakiusap ka sa kanila na makita ang burol niya. Alam ko ang lahat bago ka biglang nawala na parang bula na kahit ang tuta ko sa istasyon ay hindi nalaman

