“Ano ‘yon?” Lumapit ito sa kaniya. “Alam ko wala kang f*******: at hindi ka nagbababad sa internet kung hindi kailangan kaya siguradong hindi mo pa ‘to nakikita.” Inabot nito sa kaniya ang cellphone na noon lang niya napansing hawak pala nito ang tumakbo papunta sa opisina ni Mr. Kim. Kumunot ang noo niya at curious na tiningnan ang screen ng gadget. Natigilan siya at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang stolen shot iyon ni Maki. Nakasuot ito ng itim na business suit at maayos na naka-style ang hanggang batok nitong buhok. Malayo sa normal na porma nito kapag nagkikita sila pero hindi siya puwedeng magkamali. Si Maki talaga iyon. “Basahin mo ang article. My God, bakit hindi mo sinabi sa amin, Allen? Akala ko talaga all this time na ubo

