KUNG GAANO ka-intense ang titig ni Maki kay Allen, ganoon naman kasuyo ang mga kamay nito nang hawakan ang magkabila niyang pisngi. Halos mabingi na siya sa bilis ng t***k ng kanyang puso. “I missed you,” bulong nito. Sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa’t isa ay tumama ang hininga nito sa mga labi niya. “Totoo?” ganting bulong niya. Tumango ito, marahang hinaplos ng mga hinlalaki ang magkabilang gilid ng leeg niya. Humagod ang msarap na kilabot sa likod niya. “Patunayan mo.” Sumilay ang mapang-akit na ngiti sa mga labi ni Maki. Then he kissed her. Hindi iyon katulad noong unang beses siya nito hinalikan nine years ago. Walang alinlangan sa halik nito ngayon. Walang pananantiya. Sigurado at may kompiya

