Hindi nakapagsalita si Allen. Parang may humaplos na init sa dibdib niya nang makita ang sinseridad at pakiusap sa mga mata nito. Bumuntong hininga siya at sandaling pumikit. Oo nakaka-bother na malaman na dalawang taon na pala siya nagtatrabaho sa gusali na ito ang may-ari. Kaya naman pala hindi siya pinapayagan ni Keith umakyat sa penthouse dahil may iba raw naglilinis doon. Tama rin si Maki na kung sinabi nito iyon agad sa kaniya nang magkita sila sa martial arts studio ay malamang lalo siyang nagalit dito. “Allen?” mahinang tawag nito sa kaniya. Dumilat siya, lumapit uli rito at umupo sa binakante niyang silya. “Okay. Ngayon alam ko na. Hindi naman ako galit. Pero hindi rin ako natuwa. Ipangako mo sa akin na hindi ka na gagawa ng kahit anong hakbang na related sa akin na hindi mo si

