NOSTALGIA hit her the moment they turned to the street where she grew up. Lalo na nang madaanan nila ang elementary at high school kung saan siya nag-aral. Mukhang napapabalik din sa nakaraan ang isip ni Maki kasi bumagal ang pagmamaneho nito at napapasulyap din sa labas. “It looks different now, huh? May painting na sa pader at kahit sa labas halatang may mga bagong building na nakatayo,” komento pa nito tungkol sa elementary school nila. “Oo. Actually, wala na ‘yung building kung nasaan ang classroom natin noong grade six tayo. Giniba at pinalitan ng mas bago at mas mataas na building para makapag accommodate sila ng maraming estudyante.” Mayamaya pa lumiko na uli sila sa kanto kung saan palagi siyang naglalaro noong bata pa siya. “Sina Francis at Rose Amory. Dito pa rin ba sila naka

