NANGINGINIG pa rin ang buong katawan ni Allen nang pumasok siya sa teachers’ locker room. Ni-lock niya ang pinto at nanghihinang sumandal doon. Mariin siyang pumikit at paulit-ulit na huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Pero walang epekto. Tensiyonado pa rin siya at nakababa ang kanyang depensa. Hindi pa rin niya makontrol ang emosyon niya. Kanina habang naglalakad siya alam niyang nakasunod sa kaniya ang dalawang co-teachers niya pero binilisan niya ang lakad para hindi siya maabutan ng mga ito. Hindi pa kasi siya handang sagutin ang mga tanong na alam niyang ibabato ng mga ito sa kaniya. Katunayan, hindi niya alam kung darating ba ang araw na magiging handa siya ikuwento sa ibang tao ang mga napagdaanan niya sa buhay. Lalo na ang tungkol kay Maki Frias. Nine years. Ganoon kat

