MALAKAS na bumuntong hininga si Allen at pabagsak na sumalampak ng upo sa isa sa mga silya sa pantry. Isinubsob niya ang mukha sa lamesa at mariing pumikit. Pagod na pagod ang pakiramdam niya. “Huy, okay ka lang?” tanong ni Donna. Si Nina na kasi ang nasa open space studio at naghihintay sa mga estudyante nito. By age group ang mga klase nila. Siya ang in charge sa mga batang ten years old and below. Si Nina ang may hawak sa eleven to thirteen years old. Evening session naman ang klase ni Donna at mga older teenager ang hawak nito. “Kailangan ko lang magpahinga ng ilang oras. May trabaho pa ako mamayang gabi,” sagot niya na hindi inalis ang pagkakasubsob ng mukha sa lamesa. Naramdaman niyang lumapit si Donna at umupo sa katabi niyang silya. “Umalis na ba si pogi?” Napangiwi si Allen k

