NAG-INAT si Allen at minasahe ang mga balikat nang matapos niyang linisin ang huling bakanteng unit sa second floor ng building kung saan siya nagtatrabaho bilang janitress. Tinulak niya ang cleaning cart palabas at sandaling iginala ang tingin sa tahimik at walang katao-taong hallway. Napansin niya na sa nakaraang dalawang taon ay unti-unting umaalis ang mga residente pero wala naman bagong umookupa sa nabakanteng unit. Naisip niya tuloy, hindi ba nalulugi ang may-ari ng gusali na iyon? Darating ba ang araw na bigla na lang siyang mawawalan ng trabaho bago pa man siya makaipon? Sayang naman. Tumingin siya sa wristwatch niya. Alas tres na ng madaling araw. Binilisan na niya ang pagtulang sa cart. Malabong may makasalubong pa siyang residente kaya malaya niyang nagagamit ang elevator kapag

