ANG BUHAY ni Maki tinalo pa ang isang telenobela. Kahit nang matapos ito magkuwento, nakanganga pa rin si Allen. Sinabi nito sa kaniya ang tungkol sa naging kasunduan nito sa foster father nito nine years ago na siyang naging rason kaya naging hacker ito para sa kalabang fraternity na affiliated pala sa isang sindikato. Sa kung anong rason na ayaw nito sabihin, umatras daw ang Empress Bank sa pagsasampa ng kaso laban dito. Pagkatapos may good samaritan daw ang tumulong dito para makapagtago kasi target pa rin ito ng sindikato. Ang taong iyon din daw ang naging benefactor nito kaya natuloy nito ang pag-aaral at nagkaroon ng magandang trabaho. “She’s strange and bossy but she was my savior. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko alam kung anong buhay na ang mayroon ako. Kung an

